Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Is a Bea Alonzo-John Lloyd Cruz reunion movie in the works?

by Melba R. Llanera
Feb 16, 2020
Director Cathy Garcia-Molina hints at possibility of a Bea Alonzo-John Lloyd Cruz reunion movie: “Antayin ninyo. Di ko sasabihin. Pangit naman kung ako ang mag-confirm sa inyo, di pa ako allowed.”
PHOTO/S: @janelaizacatudio via @beajohnlloydforever / CTTO @beajohnlloydforever Instagram

Sa dami ng Bea Alonzo-John Lloyd Cruz sightings kamakailan, hindi maiwasang magtanong ang kanilang loyal fans kung meron bang binubuong bagong movie project ang dalawa.

Matatandaang nabalita ang pagkikita nila kamakailan sa isang Makati Restaurant, at itinampok din sila sa isang live script reading session bilang bahagi ng Art Fair Philippines 2020 na ginanap sa Tower One, Ayala Avenue, Makati City.

RELATED STORY

RELATED STORY

Kung saka-sakali mang mayroong ikinakasang Bea-John Lloyd movie, posible kayang ang magdirek nito ay si Cathy Garcia-Molina, na nagdirek ng Bea-Lloydie movies na One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), at A Second Chance (2015)?

“Antayin ninyo. Di ko sasabihin.

"Pangit naman kung ako ang mag-confirm sa inyo, di pa ako allowed,” sabi ni Direk Cathy nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 4th FDCP Film Ambassadors Night, noong nakaraang Linggo, Pebrero 9, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

“Excited? Of course, ako naman ay napaka-vocal sa pagiging favorite star, favorite actor ko si John Lloyd. Kaya lang, tingnan natin kung aabot siya sa aking pagreretiro. Di naman retiro, pagpapahinga."

Continue reading below ↓

RETIREMENT PLANS

Tuloy pa ba ang balak niyang magretiro?

Pahayag ng box-office director, “Depende. Kung mae-enjoy ko ang pananahimik, baka magtuluy-tuloy. Pero kung ma-miss ko naman ang industriya, ang paggawa ng pelikula, babalik ako.

“Yun pa rin ang plano, wala pa ring nagbabago. Tingnan natin sa mga bagong kaganapan."

CONSTANTLY IN TOUCH WITH LLOYDIE

Bukod sa relasyon bilang magkatrabaho, naging malapit na magkaibigan sina John Lloyd at Direk Cathy. Sa kabila ng pamamahinga noon ng aktor ay hindi naputol ang komunikasyon nila.

Kuwento niya, “Well, nagkita pa kami late last year. 'Tapos, nanganak iyung aso ko na iyung kapatid, e, iyung aso niya. So, tito siya ng puppies ko.

“Okay? Yes, saka ang pogi niya, ha? Mega magazine ba iyun? Ay, Metro ba?!? Ang guwapo niya, saka noong um-attend siya ng kasal ni Vhong [Navarro]. He's looking good.

“Excited ako, we miss him. Basically, I miss John Lloyd Cruz. John Lloyd is John Lloyd.

Continue reading below ↓

“Maraming magagaling na aktor pero iba si John Lloyd.”

ENDURING FRIENDSHIP

Bakit espesyal si John Lloyd kumpara sa lahat ng mga artistang nakatrabaho niya?

Pagbabalik-tanaw niya, “Siguro, dahil naging kaibigan ko siya noong nagsisimula ako, nagsisimula siya. So way back, hindi iyung tipong direktor na ako bago kami nagkatrabaho.

“Parang asi-assistant director pa lang ako, nakatrabaho ko na siya. Bago pa nag-Tabing Ilog, kami ang nag-launch ni Direk Lauren [Dyogi] sa GIMIK.

“Doon siya unang-una, kunwari probinsyanong estudyante.

“Doon pa lang, nakitaan ko na siya, pero naging magkaibigan kami sa Tabing Ilog."

AWARDS

Pinagkalooban ng Camera Obscura award si Direk Cathy sa Film Ambassador's Night 2020, kasama ang filmmaker na si Nick Deocampo at ang screenwriter na si Ricky Lee.

Sa darating na 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation Award's Night ay pararangalan din si Direk Cathy.

Ito naman ay bilang Most Popular Film Director dahil sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, na highest grossing Filipino film of all time (hindi adjusted sa inflation).

Continue reading below ↓

Si Direk Cathy rin ang magdidirek ng pelikulang After Forever, na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Cathy Garcia-Molina hints at possibility of a Bea Alonzo-John Lloyd Cruz reunion movie: “Antayin ninyo. Di ko sasabihin. Pangit naman kung ako ang mag-confirm sa inyo, di pa ako allowed.”
PHOTO/S: @janelaizacatudio via @beajohnlloydforever / CTTO @beajohnlloydforever Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results