Alden Richards on Star Cinema film: "Binago po ng pelikula ang buhay ko!"

by Mell T. Navarro
Feb 24, 2020

Sa taong 2019, naging super hit ang movie ni Alden Richards with Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye. Ito na ang tinuturingna highest-grossing Filipino film to date, breaking existing box office recordswith huge local and international sales.

Hindi lang blockbuster ang nasabing Alden-Kathryn movie—ito ay critically acclaimed rin dahil sa magaganda ang reviews mula sa mga respetadong kritiko.

So, ngayong 2020, inaabangan na ng fans kung ano na ang next movie na gagawin ni Alden.

“Movies? Sa ngayon po, maraming nagpi-pitch na mga concepts. So, nasa choosing stage po kami kung ano ang pipiliin namin," saad ni Alden after ng contract signing nito as the brand ambassador ng Embassy Whisky sa Concha's Restaurant niya sa Quezon City kamakailan.

Totoo bang may gagawin siyang new movie with Direk Yam Laranas?

“Ako po mismo nag-message sa kanya, dahil Direk Yam was my very first director sa The Road, na nagpagawa sa akin ng isang dark role. So, I miss doing those roles!

Continue reading below ↓

“Parang… Personally… Hindi ko po kasi masabi ang next movie, e, kasi, ang daming nagpi-pitch [na stories], pero sa ngayon po, e, doon kami sa ganda ng story.

“Kung ano yung pinakamagandang story na puwede nating maikuwuento, yun po siguro ang iko-consider naming gawin!”

Maraming fans and followers nila ni Kathryn ang naging “bitin” sa ending ng Hello, Love, Goodbye at umaasang magkakaroon ito ng sequel… Posible ba ito?

“Sabi naman po ng mga taga-Star Cinema, nasa proseso po ‘yon ng paggawa and posible pong magkaroon ng Part 2.

“Ang hindi lang po natin masabi ay kung kailan. Pero very much open po ako kasi, binago po ng pelikula ang buhay ko!” pag-amin ni Alden.

Sa puntong ito, natanong si Alden na kung hindi siya nag-artista, ano kaya ang profession niya ngayon o ang iba pa niyang pangarap?

“Piloto. Piloto talaga. It has always been a dream. But now, I’m in my field of work which is acting, medyo I’m looking also on the possibility of directing as well.

Continue reading below ↓

“Kasi, I’ve lived my 10 years in showbiz, acting in front and doing my job in front of the camera, so it’s a very interesting angle also to do things behind the camera.

“On how is it working with an actor, with your staff, with your team. The writer writes the story, visualizes or creates the concept, but the director gives life to the story, along with the actors.

“Parang nae-enjoy ko… Nai-imagine ko minsan na ako yung magse-set up, I will call the shots, will motivate the actors…

“Kasi, I’m so in love with the craft. I’m so in love with acting. And I want to share it to a lot of people, yung mga taong really wanted to do acting as well.

“So, mas mabibigyan lang ako ng authority to coach someone if I’m a director and not a co-actor. Kasi, I don’t usually… I don’t give instructions to people especially pag we’re on the same level na actor to actor.

Continue reading below ↓

“But if you’re a director, that’s a different story. If you’re a director to actor conversation, you can give pointers and advice to them and instructions as the director.

“So, yun, directing! Pilotong direktor!”

How soon kaya ang dream niya upang maging movie director?

“Well, siguro po, for now, 2020 and in the next two to three years, baka hindi po muna… Focus muna sa [acting] career. Pero eventually po, masusubukan natin.”

How about scriptwriting?

“Scriptwriting? Parang ano lang po ako, e, sa story. Sa concept. Pero pagdating sa linyahan, medyo inaaral ko pa siyang mabuti.

“Pero with the projects that I’ve done in the past 10 years, sometimes, there are directors that give authority to the actor to revise lines.

“Kasi, napakaganda po kapag meron tayong katrabahong gano’n na somehow, we feel entitled to the role, to the job we’re doing.

“Siyempre, iba yung kapag ikaw yung actor, yung character mo eh, mas kilala mo. And masarap mabigyan ng permission to do such things when it comes to creative collaboration. So, soon, baka script rin? Sana!”

Continue reading below ↓

For the first time ay endorser na ngayon ng alak si Alden as he signed a contract for Embassy Whisky under Tanduay Distillery company.

Ano ang nagpa-convince kay Alden na mag-endorse ng liquor tulad ng Embassy Whisky?

“I said yes to this because I wanted to explore a new opportunity with the brand, it’s a different endorsement for me. It’s a new opportunity to endorse a brand that has so much to offer in the market.

“So, I want to help them as much as they are helping me also. I believe in the brand, e. Since I’m also a whisky drinker, I know how whiskies are… Iba ang lasa nito, magugustuhan ito ng general public.”

Nasa edad na rin daw siya to endorse a liquor.

“Well, I’m of age na naman, I’m 28. It’s alright to become an ambassador of a liquor, as long as you promote drinking in a moderate manner naman.

Continue reading below ↓

“So, talagang hindi na ako nagdalawang-isip to have a liquor endorsement this year, kasi siyempre, hindi naman tayo pabata.

“And at the same time also, I’m also a whisky drinker whenever I have parties. So yun talaga ang ginagawa ko everytime I have gathering with family and friends and co-workers.

“Well, I considered endorsing this brand, endorsing Embassy Whisky, para po ma-promote rin natin sa ating mga kababayan na nagko-consume ng alcohol.

“But, of course, I encourage people to drink moderately, na it’s alright to enjoy, it’s alright to go to parties, pero sana, ‘wag to the point na buhay natin ay ma-put into danger in consuming alcohol.

“So, that’s why where here na pagdating sa pagpo-promote na dapat, sa pag-consume ng alak, chill lang tayo. Responsible drinking, sabi nga.”

Puwedeng sabihin na ngayong 2020, bagong Alden naman ang makikita ng publiko. Mas mature roles na ba ang gagamapanan niya?

Continue reading below ↓

“Yes po, also with those things, medyo iba na po ang path na kukunin natin. Not necessarily naman na you’ll be doing mature roles or different roles, doesn’t mean na hindi mo na puwedeng gampanan ang mga roles na nagampanan mo noong nagsisimula ka.

“So, I’m not closing doors. I will still doing roles na nakasanayan na sa aking makita on TV, pero I’m opening doors for other experiences as well.

“So, kung may mga offers man na projects na maganda naman yung material, yet malaki ang demand for me na more mature na role, siyempre, I will consider it.”

Paano niya ia-assess ang nagdaang 2019 at ano ang nilu-look forward niya for this year 2020?

“Last year po, sobrang dami ng dumating na blessings and opportunities sa akin, hindi nawala yun. I have very good people behind my back to give me advice kung ano yung ano yung mga magandang kunin at hindi mga dapat kunin for now.

Continue reading below ↓

“Daming learnings, siyempre, mga hardships, mga trials… Pero siyempre, what keeps me going are the people who’s behind my back, my supporters, my fans, my family, and the people who encourage me that I can do more, or better with the craft that I’m doing now.

“And with 2020, sana, ganoon pa rin. I’m not expecting anything, pero I will work hard for 2020 more than with 2019.”

ON ALL-OUT SUNDAYS

Happy si Alden sa feedback ng GMA-7 noontime show na All-Out Sundays.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga naniniwala at nagtitiwala sa All-Out Sundays na kaya naming buhayin ng mga Kapuso ang Sundays ng mga manonood. Maraming salamat po sa patuloy pa rin pong panonood.

“Magaang yung show. Yung mga kasamahan ko, nakikita ko kung gaano sila ka-eager: to be better in the craft of acting, dancing, and singing, at may comedy rin at the same time.

“So, marami po sa mga bagong Kapuso stars ang nakikita ko ang sarili ko dati nung nagsisimula pa lang ako… Nakakatuwa na parang, isa na ako ngayong Kuya!

Continue reading below ↓

“Kuya ng industriya na nilu-look up nitong mga kabataan na ‘to. Parang… It’s also one the reasons why I accepted the show is I wanted to be inspirations of these new talents, na hindi sapat na magtapos sa isang condition.

“Kailangan, lagi tayong always out and do something better, be better persons, and at the same time, give back out of love sa Panginoon.

“So, talagang, pag nakikita ko silang nagpe-perform, ‘Ako ito dati, ah? Ako ito ten years ago!’”

“So, nakakatuwa na ang daming bago ngayon. And I’m really grateful na nabibigyan natin ng chance ngayon ang mga bago nating artista sa showbiz and ipakita nila ang talents nila.”

ALDEN ON HIS LOVE LIFE

Sa dami ng blessings sa career niya, masasabi ba niyang kuntento na siya?

“Sa ngayon po, masasabi kong I’m very happy and content, with what’s been happening. But siguro, ngayon naman, parang… tayo naman para sa sarili, like kuha na tayo ng partner!”

Continue reading below ↓

Sa sinabi na yun ni Alden ay napa-“Wow!” ang mga piling media na kumakausap sa kanya.

Sa palagay ba niya ay darating na ang right girl para sa puso niya?

“Sa palagay ko po, darating naman talaga yun. Baka kasi mamaya, bigla tayong kakain ng kanin, tapos, pag napaso, e, bigla nating iluluwa, di ba? Ayoko nang gano’n, ayoko ng ganoong relationship.

“I’m giving it time this year! Yun ang sigurado.”

Si Alden ang host sa Kapuso show na Centerstage Kids, isang singing talent competition for kids aged 12 and under.

Ano ang challenge sa kanya ng new show na ito?

“Kasi, may mga edad kasi ang mga bata dito sa Centerstage Kids na between 7 to 12 years old.

“So, yun yung edad na crucial, e. Lalo na yung mga maliliit, kasi that will make or break their dreams…

“So, gusto kong madiscover sa sarili ko ngayon kung paano ba ako makakapag-react sa mga bata, sa age ko ngayon?”

Continue reading below ↓

How about a new teleserye this year?

“Teleserye this year, wala pa pong napapag-usapan, dahil ang focus ko po this year ay All-Out Sundays, Eat Bulaga, and Centerstage Kids and yung concert ko po sa July for my 10th year anniversary [in showbiz]!”

Anong aasahan sa July concert niya?

“The production has pitched na some things that they like to do and the director will make something out of it. Na-excite naman ako.

“Tinitingnan ko po muna ang availability ng mga songs na gusto kong gawin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results