Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Alden Richards gets approval of Bea Alonzo for a movie team-up

by Rose Garcia
Feb 29, 2020
Alden Richards on being recognized as Phenomenal Box Office Star: “Pangarap ko lang po talaga ‘yan, as in every day, kaya po ako nag-e-effort na pagandahin ang trabaho ko sa pag-arte, para magkaroon ng ganoon ka-successful na pelikula. Nabigay po yun sa Hello, Love, Goodbye and now, it’s being given a recognition."
PHOTO/S: Rose Garcia

Pararangalan ng Box Office Entertainment Awards sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang Phenomenal Stars of Philippine Cinema sa Marso 15 sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Ito ay dahil sa tagumpay ng pelikula nilang Hello, Love, Goodbye, na may hawak ngayon ng record bilang highest-grossing Filipino film of all-time.

Pahyag ni Alden tungkol dito, “Siguro po, ang una kong naisip, hindi po sa akin yun, para po iyon sa pelikula, sa Hello, Love, Goodbye.

“Of course, I owe it so much kay Direk Cathy [Garcia]. Kung hindi po dahil sa kanya, sa paghulma niya sa character, hindi naman po ganoon ang kalalabasan.

“Siyempre po, I’m very thankful to GMA and Star Cinema.

"Pero siyempre, parang iyon po ang recognition ng pelikula. Para siyang cherry on top.

“Sa lahat ng hirap namin while doing the film andiyan yung mga apprehension namin bago ipalabas iyon, napalitan po talaga ng kaligayahan ang fulfillment kung paano siya tinanggap ng audience.”

Continue reading below ↓

Sampung taon na si Alden sa industriya at ito ang ipinagdiriwang niya ngayong 2020.

Malaking bonus sa pagtuntong niya ng isang dekada, heto’t siya ang pararangalan ng pinakamalaking award pagdating sa box office ng pelikula.

Na-imagine ba niyang mangyayari sa kanya ito ngayong ikasampung taon niya?

“Hindi po, mahirap po, e, parang suntok sa buwan,” saad ni Alden.

in B“Masayang-masaya po ako na nabigyan po ng reward ang effort ng lahat dito sa movie na ito.”

May clamor ang maraming fans na magkaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye.

“Siyempre po, nandoon pa rin naman ang chance,” positibo niyang sagot.

“Nasa panahon pa rin po ‘yan. Siyempre, sa agreement po ng management ko po at management ng ABS-CBN.

“Hindi po namin isinasara ang pintuan namin for the part 2 of Hello, Love, Goodbye dahil napamahal na po sa amin yung project.

“Lahat ng cast, crew and people involved. Pero, sa ngayon po, naghihintay lang po kami ng go signal.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa taping ng Centerstage noong Pebrero 27, Huwebes sa Dining Hall ng GMA-7, Quezon City.

MOVIE WITH BEA ALONZO?

Kung sakali at makagawa siyang muli ng pelikula sa Star Cinema, okay kay Alden na magsama silang muli ni Kathryn.

Pero may mga naglu-look forward na rin sa kanila ni Bea Alonzo, simula nang makita silang magkasama sa Suvarnabhumi Airport ng Thailand.

“Looking forward po ako na, sana, magkaroon kami ng movie ni Bea.

"Kasi, fan ako. Alam niya yun. At sinabi ko po sa kanya na lahat ng trabaho niya, napanood ko.

“I know how great of an actress she is,” papuri ni Alden kay Bea.

Dugtong pa ng Kapuso star, “Noong nagkasama kami sa Thailand, sinabi ko sa kanya na looking forward ako na makasama siya sa isang project.”

Ano ang sagot ni Bea sa sinabi niya?

“Game rin daw siya, gusto niya.

Continue reading below ↓

"So, mabait kasi na tao, walang arte sa katawan.

"Hindi ko in-expect na ganoon na siya kasikat, ganoon na karaming feathers on her wing, pero mababang tao pa rin siya.

“Hindi siya mapagmalaki. Madali ko siyang nakausap and naging very comfortable ako with her.

“Hopefully, magkaroon kami ng project na magkasama.

"Para isa na naman yung achievement unlocked sa akin dahil sobrang fan ako before, and now, may chance na akong makatrabaho siya.”

ANI NG DANGAL AWARDEE

Kabilang sa Alden sa 52 awardees ng Ani ng Dangal nitong Pebrero 26, Miyerkules, sa Malacañang Palace.

Kinilala ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang pagkapanalo niya ng Asian Star Prize noong Agosto 2019 sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.

“Yun nga po, since nanalo rin tayo sa Seoul Drama Award, this is an acknowledgment of Malacañang Palace or President as local recognition.

"Parang you’ve given your country an honor.”

Continue reading below ↓

Unang pagkakataon ni Alden na makayapak sa Malacañang.

“Nakakanginig. First time sa loob, ang ganda!” bulalas ni Alden.

Istrikto ang security sa Palasyo.

“First time ko kasing nakapasok, so na-excite ako, ang galing.”

CENTERSTAGE

Nai-inspire si Alden sa mga batang contestant ng Sunday musical reality show na Centerstage.

“Nakikita ko ang sarili ko sa kanila noong nagsisimula ako,” sambit niya.

“Not in terms of singing contest, but in joining contest. Yung pagpupursige para maabot ang pangarap. Nakikita ko po yun.

“Parang ang sarap din pala minsan na ma-experience yung ganoong bagay.

"Kapag nakikita mo ang mga tao na nandoon na sa process kung saan ka galing, at least, naa-appreciate mo kung ano ang ginagawa nila dahil alam mo ang pakiramdam, e.”

Bilang host ng Centerstage, hindi madaling makita ang mga bata na nalulungkot at umiiyak kapag natalo.

Umamin si Alden na off-cam, nagku-comfort siya sa mga ito.

“Yes po, off-cam po, nangyayari iyon nang madalas. Dito po kasi sa Centerstage, kung paano namin pinapahalagahan ang mga bata on-cam, ganoon din po kami off-cam.

Continue reading below ↓

“Sila ang priority namin dito sa show on and off-cam. Sagot namin sila. Binibigyan ko rin sila ng konting word of wisdom.

“Bata e, sobrang fragile. Mahirap mag-handle ng mga bata, especially we are dealing with 12 years below.

“Crucial iyon for us, hindi lang sa akin but for everybody, especially sa judges. Kasi, sila ang pumipili.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on being recognized as Phenomenal Box Office Star: “Pangarap ko lang po talaga ‘yan, as in every day, kaya po ako nag-e-effort na pagandahin ang trabaho ko sa pag-arte, para magkaroon ng ganoon ka-successful na pelikula. Nabigay po yun sa Hello, Love, Goodbye and now, it’s being given a recognition."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results