Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Lovi Poe grateful to Marco Gumabao, Tony Labrusca for not making her feel like their "ate"

by Jerry Olea
Feb 29, 2020
Lovi Poe on Marco Gumabao and Tony Labrusca, who are both younger than her, as leading men in Hindi Tayo Pwede: “I’m so glad because when we were dubbing, sabi ko, ‘Oh, my gosh! In fairness...’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"
PHOTO/S: Jerry Olea

Naniniwala si Lovi Poe, 31, na itinadhanang maging leading men niya sina Marco Gumabao at Tony Labrusca sa Viva movie na Hindi Tayo Pwede.

Ang pelikula ay idinirek ni Joel Lamangan.

Relatively newbie sina Marco, 25, at Tony, 24, kumpara kay Lovi na noong 2006 pa nag-umpisa sa showbiz.

“Wala namang awkwardness,” napangiting sambit ng premyadong aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Pebrero 29, Sabado, sa The Frazzled Cook restaurant, Sct. Gandia St., Quezon City.

Naramdaman ba niyang parang “ate” siya ng kanyang leading men?

“Hindi! Hindi! Alam mo, in fairness, hindi!” natawang bulalas ni Lovi.

“Thank you sa kanila for not treating me as an ate! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

At wala iyon sa hitsura niya, huh?!

“I’m so glad because when we were dubbing, sabi ko, ‘Oh, my gosh! In fairness...’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“So, I was so excited na mapanood iyon!”

Continue reading below ↓

Puring-puri ni Lovi sina Marco at Tony.

“They’re both very good. Super!

"Andami kong natutunan kay Marco, kay Tony, kay Direk Joel again,” mabining lahad ni Lovi.

“Ang dami nilang nai-inject sa akin na nao-observe ko.

"Kasi, when I’m on set, one of the things I do is I learn from my co-actors as well.

“It’s a learning experience, everytime.”

LESSONS FROM MARCO AND TONY

Ano ang natutunan niya kina Marco at Tony?

“Si Marco, he’s very brave when it comes to exploring certain emotions and level of intensity,” paliwanag ng aktres.

“Kasi ako, when I act, I’m sometimes very casual, and I’m aware of that, so sometimes I have to heighten my emotions even more sometimes.

“So, iyon, yung learning to be brave about being... higher, like higher intensity.

“Kay Tony... iyong role kasi niya rito, andami kong na-observe sa kanya na iba-ibang nuances.

“Na minsan, hindi mo makikita sa isang pelikula.

Continue reading below ↓

"So, na-observe ko ang movements niya, how he delivers his emotions pag magbibitaw ng linya.

"So, iyon, andami ko ring natutunan kay Tony.

For sure, mas maraming natutunan sina Marco at Tony kay Lovi. May naituro ba siya sa mga ito consciously?

“I don’t know kasi kung ano iyong process nila as actors, e.

Continue reading below ↓

"But medyo weird ako when I’m on set. Ha! Ha! Ha! Ha!

“I need my music. I have my music, nandoon ako sa sulok, nagsasalita akong mag-isa because that’s how I motivate myself.

“I say certain things that... siguro naririnig ni Direk, because naka-mic ako. Siya lang ang nakakarinig nun.

"So, yun ang weirdness ko sa set.”

Anong music ang nakaka-motivate sa kanya? Anong klase?

“Iba’t iba po, e. I have like a playlist. Ang title niya, Scenes,” matamang tugon ni Lovi.

“Siguro, ang pinakaginagamit ko na music, most of the time, alam ba ninyo iyong 'Somewhere In Time'?

"The piano, the instrumental. That one.

“Lalo na pag drama ang scene. Iyong piano, umpisa pa lang nun, naiiyak na ako.”

HINDI TAYO PWEDE PREMIERE

Excited si Lovi na mapanood for the first time ang Hindi Tayo Puwede sa premiere night nito sa Marso 3, Martes, sa SM Megamall Cinema 1.

Continue reading below ↓

“Excited ako na makita ng mga tao kung gaano kaganda ang story at ang pelikula na ito,” saad ni Lovi.

“Noong nagda-dub po kami ng movie, iyong assistant ko sa loob ng studio, umiiyak siya.

“At wala pang music yun, hindi pa siya final, I was still dubbing... she was crying there sa studio.

“Even Direk Joel, he’s so proud of this movie.

"He was sitting there while I was dubbing. Nanonood siya kung paano ko ida-dub.

“Kasi, ganoon siya ka-hands on sa movie. Na ipinakita pa niya, ‘O, Lovi, look at this scene.’

“Tapos, kami, umiiyak. Umiiyak na ako sa loob ng studio. Umiiyak iyong assistant ko, pati iyong nag-aano ng sound.

“So, that says a lot. Na hindi pa nga siya ipinapakita, snippets pa lang ng scenes, e, talagang mararamdaman mo na yung movie.”

Ang regular showing ng Hindi Tayo Puwede ay mag-uumpisa sa Marso 4, Miyerkules.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on Marco Gumabao and Tony Labrusca, who are both younger than her, as leading men in Hindi Tayo Pwede: “I’m so glad because when we were dubbing, sabi ko, ‘Oh, my gosh! In fairness...’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results