Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Alex Diaz to join Hollywood actor Sam Worthington in upcoming movie

by Ruel J. Mendoza
Mar 2, 2020
The action thriller Counterplay will be top-billed by Sam Worthington (right) of Avatar fame. He will be joined by Pinoy actor Alex Diaz (left).


Makakasama ng Filipino celebrity na si Alex Diaz ang Hollywood actor na si Sam Worthington sa isang upcoming movie.

Sumikat ang aktor na si Sam Worthington dahil sa mga pelikulang Avatar, Terminator Salvation, Clash of the Titans, at Wrath of the Titans.

May title na Counterplay ang gagawing movie ni Alex with Sam. Sa Instagram post ni Alex, pinakita niya na hawak niya ang movie script ng pelikula. Ang Counterplay ay produced by MAM Holdings, Inc., isang production company na pagma-may-ari ng tatay ni Alex na si Michael McDermott.

Sinulat ni Alexander sa Instagram caption niya: "Excited as our film at @mamholdingsinc was finally announced at the Berlin Film Festival the other day. swipe to see the hype— #AvatarFan"

Pinost din ni Alex ang ilang publicity articles para sa pelikulang Counterplay at kasama nga ang name niya sa mga published articles online.

Ayon sa Hollywood Reporter, nakatakdang i-shoot ang action thriller na Counterplay this August.

Continue reading below ↓

"Geekin' pretty hard rn guys, I'm in the same paragraph as Sam Worthington," ani Alex sa kanyang caption.

Sa Counterplay, Alex will portray a young man wrongly accused of drug-trafficking. Gaganap naman si Sam bilang John Craig, a retired negotiator who will help his character escape and return to his family in Australia.

Kukunan ang Counterplay sa Pilipinas under the direction of Pedring Lopez.

Noong October 2019 ay nalaman ang tunay na sexuality ni Alex bilang bisexual pagkatapos siyang i-expose sa social media ng isang fitness coach na nagngangalang Miguel Lagman Chanco.

Inalok diumano ni Alex si Chanco ng isang “indecent proposal” na siyang naging dahilan kung bakit in-expose ni Chanco ang aktor over social media.

Nagdesisyon din si Alex na iwan pansamantala ang showbiz at mangibang-bansa para pag-isipan ang mga susunod niyang gagawin sa kanyang career.

“Leaving the PH today. Much love and see you all soon. To being better in the mind, body and spirit. till then, much love,” post niya sa Twitter noong October 2019.

Continue reading below ↓

Bumalik siya noong December 2019 at handa na siyang ulit na makisalamuha sa showbiz.

Unang lumabas si Alex sa ABS-CBN teleserye na Pangako Sa ‘Yo. Lumabas din siya sa FPJ’s Ang Probinsyano at sa mga pelikulang Halik Sa Hangin, She’s Dating A Gangster, at Just The Way You Are. Isa rin siya MYX VJ.

Sa kanyang pagbabalik, nakipag-ayos siya kay Chanco. Nagkapag-apologize naman si Chanco kay Alex noong November 2019 sa pag-call out niya rito sa social media.

Ngayon ay gym buddies na sila.

Post ni Chanco via Instagram noong February 26, 2020:

“With my new gym buddy @alexandermcdizz There’s no need to be perfect to inspire others. Let people get inspired by how you deal with your imperfections. Chest and abs workout tomorrow brother! You take bulletproof coffee din pala solid!”

Ito naman ang pinost ni Chanco sa Facebook:

“glad we were able to talk through the issue. all is well.”

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The action thriller Counterplay will be top-billed by Sam Worthington (right) of Avatar fame. He will be joined by Pinoy actor Alex Diaz (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results