Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Harlene Bautista has one wish for the Nora Aunor-starrer Isa Pang Bahaghari

by Rose Garcia
Mar 3, 2020
Harlene Bautista (in photo) is the producer of the Nora Aunor-starrer Isa Pang Bahaghari, which is part of the 1st Summer Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Mark Atienza

Naniniwala ang producer ng pelikulang Isa Pang Bahaghari na si Harlene Bautista ng Heaven’s Best Entertainment na may dahilan ang lahat.

Ligwak sa 45th Metro Manila Film Festival noong Disyembre ang pelikula nila, pero sa kauna-unahang Summer MMFF sa Abril ay isa ito na sa walong official entries.

Ang family drama na Isa Pang Bahaghari ay pinagbibidahan ni Nora Aunor, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ang Summer MMFF 2020 ay nakatakdang tumakbo mula April 11 to April 21.

“Oo, lahat naman may dahilan,” nakangiting pahayag ni Harlene nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa announcement ng 1st Summer MMFF nitong Marso 2, Lunes, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

Kung pagbabasehan pa lang ang trailer ng Isa Pang Bahaghari, tila nagbabadya ito na humakot ng awards sa 1st Summer MMFF.

“Sana nga, sana nga,” saad ni Harlene.

“Sana, maraming manood ng pelikula. Kagaya ng prayer ko last time sa Rainbow’s Sunset, sana, maraming manood.”

Continue reading below ↓

Nang hindi nakapasok ang pelikula noong December MMFF, ano ang naramdaman ni Harlene?

“I always believe na kapag may ganoon, may mas magandang plano, di ba? So, ‘eto na nga. At nakaka-proud dahil nasali kami sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.

“Plus dito pa sa Quezon City ang host city kung saan si Kuya [Herbert Bautista] naging mayor nang mahabang panahon.

“So, I’m very, very happy and very, very proud.”

Sabi namin kay Harlene, timing din na hindi na si Herbert ang nakaupong alkalde ng Quezon City. Ano man ang mangyari sa pelikula, hindi ito puwedeng bigyan ng kulay na “luto.”

“Ay, oo, maganda naman yun,” pasang-ayon ni Harlene.

“Wala silang masasabi na luto or nilakad, iyung ganyan.”

Nag-pictorial na ang cast ng Isa Pang Bahaghari noong Marso 1, Linggo. Sa shooting pa lang daw, masaya na ang mga artista nito na sina Ate Guy, Phillip Salvador, Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Joseph Marco, at Sanya Lopez.

Continue reading below ↓

“Ang saya-saya nila sa set. Actually, kahapon, nag-pictorial sila, kumpleto ang cast, nakakatuwa. Tapos, even yung mga anak nila sa movie, sina Zanjoe, napakababait, napakahusay. So, proud na proud kami.”

Kapansin-pansin na tila ang mga pelikulang ginagawa ng Heaven’s Best Entertainment ay pang-film festival palagi.

“Kung maaari, pero nagkakataon. Kasi, ang gusto mo naman talagang ibigay sa audience mo, iyung pinaghirapan, quality, di ba?

“Ayaw natin silang i-shortchange dahil ang mahal na ng sine ngayon. Mata-traffic ka pa, magpa-park ka pa, magugutom ka po, so, bigyan naman natin sila ng sulit panoorin.”

May isa pang pelikula ang Heaven’s Best Entertainment, ang In The Name of the Mother na pinagbibidahan ni Snooky Serna.

In competition ang naturang pelikula sa Fantasporto 2020 (40th Oporto International Film Festival) sa Porto, Portugal.

“Nandoon si Snooky. Sana, manalo rin. And that’s for Mother’s Day.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Harlene Bautista (in photo) is the producer of the Nora Aunor-starrer Isa Pang Bahaghari, which is part of the 1st Summer Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results