Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

REVIEW: Lovi Poe, Tony Labrusca, Marco Gumabao heat up the big screen via Hindi Tayo Pwede

by James Patrick Anarcon
Mar 5, 2020
Lovi Poe's character is torn between Marco Gumabao (left) and Tony Labrusca (right) in the sexy romance drama film Hindi Tayo Pwede.
PHOTO/S: Hindi Tayo Pwede (VIVA Films)

Hindi Tayo Pwede

Starring: Lovi Poe, Tony Labrusca, Marco Gumabao
Director: Joel C. Lamangan
Story and Screenplay: Ricky Lee
Producer: VIVA Films
Release date: March 4, 2020

Lovi Poe returns to the big screen this 2020 via the sexy romance drama, Hindi Tayo Pwede, with Tony Labrusca and Marco Gumabao as her leading men.

Maituturing na sina Tony at Marco ang dalawa sa hottest actors in showbiz dahil sa kanilang physique at muscular build. At dahil na rin sa daring movies na nagawa nila in the past, people are expecting na magiging hitik sa sensual at intimate scenes ang pelikula.

Umiikot ang kwento ng Hindi Tayo Pwede kay Gabbie (Lovi), isang frustrated filmmaker na nagtatrabaho sa advertising agency. Gabbie has always been fascinated by movies with happy endings.

As already revealed in the trailer, Gabbie is involved with two guys: her fiance Gabriel (Tony Labrusca) and her best friend Dennis (Marco Gumabao).

Continue reading below ↓

Gabbie is devastated when her fiance meets an untimely death.

Pero ang catch? Nakikita, nahahawakan, at nakakausap niya pa rin ang multo ni Gabriel!

Together, they continue to develop the story they want for the movie they dream of doing.

Clueless naman si Dennis sa nangyayari sa kanyang best friend as he continues to hide his feelings for her.

Later, Dennis gets the chance to admit his feelings for Gabbie.

The question now is: will Gabbie finally open her heart for a new love, or patuloy ba siyang magmamahal sa taong parte na ng kanyang nakaraan?

LOVI, MARCO, AND TONY'S ACTING

Ilang beses nang napanood si Lovi sa mga sexy and adult-themed movies, but she was still able to give something new to Hindi Tayo Pwede when it comes to her acting.

Maybe this is because her character is also different from her previous films. This time, hindi na siya nakikipaghiwalay sa asawa or nakikipag-agawan sa ibang babae.

Continue reading below ↓

Mas positive rin ang dating ng character niya because of her perky and jolly personality, at hindi pilit ang pagkaka-acting niya upang ipakita ang qualities na ito.

Sakto rin ang ginawang acting ni Lovi sa breakdown scenes dahil pinakita niya na hindi kailangan maging hysterical sa mga ganitong eksena. Enough na ang facial expression and tears to deliver the emotions needed in the scene.

Ang sexy side ni Lovi ay natural na lumalabas, lalo na kapag nakasuot siya ng swimsuit at habang ginagawa ang kanyang mga love scenes.

Dito nahirapan ng kaunti pumantay ang kanyang dalawang leading men—and with good reason because Lovi has been in the business longer than Marco and Tony.

Pero kung ikukumpara ang dalawa pagdating sa aktingan, nakaangat ng kaunti si Tony.

Tony really has to work on his Tagalog dahil may mga ibang scenes na medyo cringey pakinggan ang delivery niya dahil may accent at parang hindi mailabas na emotions, lalo na pagdating sa confrontation scenes.

Continue reading below ↓

Pero sa isang breakdown scene niya with Lovi, naibigay naman ni Tony nang maayos ang emotion na dapat ma-feel ng audience para sa kanyang character.

Si Marco naman, hindi ko alam kung kulang ba siya sa eksena, or ganoon lang talaga ang range ng acting na kailangan para sa character niya.

Medyo nakakapagtaka ito dahil nang maging bahagi naman siya sa afternoon series na Los Bastardos, effective naman ang portrayal niya bilang kontrabida doon.

Dito sa Hindi Tayo Pwede, parang limitado lang ang acting na naipakita niya, pero he wants to show something more. May isang eksena na mas maganda kung naging subdued o toned down ang delivery niya ng lines.

Pero pagdating sa love scenes, lumamang si Marco.

Not only because pumayag siya sa butt exposure at mas intense ang mga ginawa nila ni Lovi, or because mas hot siya kaysa kay Tony (dahil pareho naman silang hot sa love scenes, TBH), but because mas maganda ang pagkakasulat at paglabas ng emotions nila ni Lovi sa love scene.

Continue reading below ↓

STEAMY SCENES STOOD OUT

Non-linear storytelling ang napili para sa treatment ng movie, at least for its first few scenes.

Nag-umpisa ito sa present time kung saan multo na ang character ni Tony, pero bumabalik balik ito sa pamamagitan ng flashbacks.

Kung nasundan mo ng mabuti ang kwento, mage-gets mo ang itatakbo ng pelikula.

But there are moments sa umpisa kunsaan pwedeng malito sa audience, since the storytelling jumps from past to present. Eventually, mae-establish na ang lahat ng backstories ng mga main characters.

Magaganda rin ang ilan sa mga lines ng pelikula, especially those narrated by Lovi's character about moving on.

However, for me, ang plot nito ay mas bagay para sa isang television show.

Feeling ko lang, as a viewer, medyo futile ang execution kung sa pelikula. Mas madami sanang pwedeng na-explore na kwento at baka mas na-execute nang maayos kung hindi limited ang oras.

Isa pa sa mga nakakahinayang na moments ng pelikula ay yung pagiging multo ni Tony.

Continue reading below ↓

Yes, it was part of the story, pero meron lang talagang moments na cringey ang execution, especially the glow-in-the-dark effect just to differentiate the ghost Tony from the real people in the scene.

Hindi pa ba enough yung naka-white siya or suot niya ang huli niyang outfit noong namatay siya para ipakita na isa siyang ghost?

Apparently, kakailangan pala nila ito para sa isang important scene in the latter part of the story. But then, the effects could have been improved.

May mga scenes din na hindi sinasadyang nakakatawa, tulad ng eksena kunsaan nakitang nakikipag-usap si Lovi sa hangin, or na hindi lumabas ang mukha ni Tony sa selfie nila.

Hindi ko alam kung sinasadya nilang pampatawa ito, or kung natawa lang talaga ang audience doon.

May mga ilang parts din na medyo inconsistent ang ghost character ni Tony pagdating sa mga kaya at hindi niya kayang gawin.

At first, you may think that it is part of a big reveal in the latter part of the story, but no explanation was provided regarding these inconsistencies.

Continue reading below ↓

I also appreciate the fact that they used old VIVA movies from the '80s to the '90s as the movies shown in scenes inside the cinema.

Kaya nga lang, dahil obvious na obvious na mga lumang pelikula ito from VIVA, pwedeng malito ang moviegoers when it comes sa time setting ng movie.

When it comes to the scenes, nag-stand out ang eksena ni Candy Pangilinan and Lovi Poe (na magnanay sa kwento) tungkol sa pagmu-move on. Sakto lang ang pagkakatimpla ng eksena: very conversational, magaan, no hysteria, pero may riveting effect.

Isa sa selling factor ng pelikula ang steamy scenes ni Lovi with Marco and Tony.

True enough, kahit dalawa lang ay napanindigan nila ito.

Kahit kinulang sa pag-explore ng camerawork, maganda ang pagkakasulat ng love scenes ni Lovi with her leading men.

Malinaw na malinaw ang pagkakagraph ng emotions sa dalawang love scene gamit ang point-of-view ng character ni Lovi.

Continue reading below ↓

Sa isang love scene, kitang-kita ang excitement because for the first time, she is making love with her one true love.

Sa isa namang love scene, lumabas ang pinipigilang emotions ng character na matagal na niyang nararamdaman, pero kinailangan niyang itago because something is holding her back. Damang dama ang passion.

Sa puntong ito, hindi naman na masyadong kinailangang mag-explore pa ni Direk Joel Lamangan ng bagong camerawork. Ang mahalaga, nailabas ang emotion na dapat maramdaman ng moviegoer from the point of view of Lovi's character.

Kudos to Lovi, Marco, and Tony for not holding back and giving their all para sa ikagaganda ng mga eksena nila, lalo na ang love scenes.

Bago mo man panoorin ang pelikulang ito, kailangan malinaw sa isip mo na ang Hindi Tayo Pwede ay hindi realistic.

After all, ang pagkakaroon ng ghost character ay nangangahulugan na may bahid na ng fantasy ang plot.

Maganda naman ang kwento ng Hindi Tayo Pwede, at magaling ang acting lalo na ng bidang babae, but the execution could have been done better.

Continue reading below ↓

Ed's Note: The "PEP Review" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe's character is torn between Marco Gumabao (left) and Tony Labrusca (right) in the sexy romance drama film Hindi Tayo Pwede.
PHOTO/S: Hindi Tayo Pwede (VIVA Films)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results