Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Penduko director wants to make Sarah Geronimo a superhero

by Rose Garcia
Mar 6, 2020
Jason Paul Laxamana (left) is the director of the movie Penduko, which is top-billed by Matteo Guidicelli. Direk Jason Paul wants to work with Sarah Geronimo-Guidicelli in the future.
PHOTO/S: Noel Orsal (Jason Paul)

Ginagawa na ni Direk Jason Paul Laxamana ang Viva movie na Penduko, na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

Sino pa sa mga artista ang pangarap niyang maidirek?

“Of course, si Sarah Geronimo,” nakangiting sabi ni Direk JP.

“Ka-edad ko. Wow, may kinalaman?” natatawang sabi niya.

“Noong college pa lang ako, [sikat ang] 'Forever’s Not Enough,'" pagtukoy niya sa hit song ni Sarah.

“Actually, ako po, any of the big stars, gusto kong makatrabaho... Pero gusto ko siyang gawing action-superhero. Mala-Jennifer Lawrence ng Hunger Games.”

Sa estado ng local movies ngayon, sinasabing “dying” ito kumpara sa online platforms tulad ng Netflix.

Sa palagay niya, sulit pa rin ang pera, pagod, passion na ibinibigay niya sa paggawa ng mga pelikula?

Ani Direk Jason Paul, “First, gusto kong sabihin na I agree na it’s dying or it’s either dying or slowing down. May decline talaga.

“Pero I don’t want to play victim. It’s a challenge that we, filmmakers and producers, have to face. Kasi, diyan naman nag-e-evolve.

Continue reading below ↓

“And ngayon, dahil meron nang streaming, ang challenge sa aming directors is to make products, make movies na worth yung mga tao, aalis ng bahay, magbibiyahe sila sa traffic, magbabayad ng ticket sa mall at makikipagsiksikan sa maiingay na tao.

“So, quality pa rin ang labanan.

“And I’m happy because I think, mas madi-discourage ang mga creators na gumawa ng basta-basta, hindi na puwede iyung ganoon.

“Ngayon nga, kapag nanonood ako ng pelikula sa sinehan, ina-assess ko. Pang-sine ba talaga ‘to or pang-internet lang?”

Nakausap namin si Direk JP sa launch ng Ninuno Media noong February 28, Biyernes, sa Viva office.

Si Direk JP ang nakaisip at nakabuo ng Ninuno Media, at ka-tandem niya rito ang Viva Communications, Inc.

Adhikain ng Ninuno Media na mai-promote at mas maipakilala ang Filipino culture sa lahat ng market.

“Why Ninuno? Before talaga ako naging filmmaker, I was a cultural worker sa Pampanga,” lahad niya.

Continue reading below ↓

“Ang course ko sa college is Broadcast Communication. Ginagamit ko ang Media Arts to advance my advocacy.

“Noon, ang advocacy ko is to promote Kapampangan culture and language to Kapampangan youth, kasi, nawawala sa kanila. So now, I’m expanding it naturally sa lahat ng Filipino, hindi lang sa mga Kapampangan.”

Naglabas na rin ng comic book series na Anitu at kasunod na nito ang pagsasapelikula.

Naka-line-up na rin ang Aswang Country at ang sequel ng 100 Tula Para kay Stella.

Kahit in-partnership na ang Ninuno Media at Viva, tuluy-tuloy pa ring gagawin ng director ang commitments niya sa ibang productions.

Sa lahat ng ginagawa ni Direk Jason, kasabay nito ang mailahok o maipakilala niya globally ang mga pelikula niya.

“I think, sa panahon ngayon, the way to go is to think both locally and globally. Ang tawag doon, glocal.

“Para kasi, kung palagi na lang tayong gumagaya sa ginagawa ng Korean, Americano, parang iniitsa-pwera tayo sa global village.

Continue reading below ↓

“Parang meron na ang mga Koreano niyan, so ano pa ang meron kayo na wala pa ang iba?

“So I think, we have to return to our roots para iyun ang maibigay natin sa global village.”

Parang aksidente lang nang mapunta si Direk Jason sa pelikula mula sa pagiging cultural worker sa pelikula niyang Babagwa sa Cinemalaya 2013.

Ayon dito, “Ang pinakauna kong film sa Cinemalaya ay Babagwa. It’s a Kapampangan film. Advocacy pa rin ang nangunguna sa akin.

“Gusto kong makapasok sa Cinemalaya para ang Kapampangan na salita ay makapasok sa isang prestigious national film festival.

“Ganoon po ang pananaw ko no’n. Tapos, 2016 po nang pumasok ako sa mainstream film industry.

“I have to admit na medyo nawala ang pagiging cultural worker ko in the name of survival.

“I needed to survive the industry. I adapt. I never expected na magiging director ako ng mga rom-com, mga comedy, ganoon. Pero hindi naman po ako nagsisisi dahil marami po akong natutunan and awa ng Diyos, naging blockbuster ang iba.

Continue reading below ↓

“Nang bigyan ako ng chance ng Viva na gumawa ng sarili kong kumpanya under them, parang naisip ko na bumalik sa aking core, which is a cultural worker.

“At dahil may natutunan na ako sa mainstream, parang hinahalo ko ngayon ang advocacy ko at trabaho ko sa film and hopefully, maging better ang products ko. Parang pinaghalo silang cultural works at saka pop culture.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Paul Laxamana (left) is the director of the movie Penduko, which is top-billed by Matteo Guidicelli. Direk Jason Paul wants to work with Sarah Geronimo-Guidicelli in the future.
PHOTO/S: Noel Orsal (Jason Paul)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results