Andrea, Seth, Kyle, and Francine to top-bill horror movie All-Nighter

by Ruel J. Mendoza
Mar 12, 2020

Ilu-launch na sa isang pelikula ang dalawang sikat na love teams ng ABS-CBN teleserye na Kadenang Ginto.

In-announce noong March 9 na ipo-produce ng Black Sheep ang launching film nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, at Francine Diaz. Sila ang bida sa upcoming teen horror film titled All-Nighter.

Ang movie ay tungkol sa mga estudyante na pumunta sa isang isla upang tapusin ang kanilang thesis. Magugulo ang buhay nila nang magkaroon sila ng mga bangungot.

Nakilala ang apat na teen stars bilang The Gold Squad sa top-rating afternoon series na Kadenang Ginto. Umere ang naturang teleserye sa Kapamilya network sa loob ng dalawang taon (October 2018-February 2020).

“Very excited po pero medyo kinakabahan. Ito po yun first movie namin na magkakasama kaming apat,” sabi ni Andrea Brillantes sa interview niya kamakailan with ABS-CBN News. Nakagawa na siya ng ilang pelikula tulad ng Momzillas, Crazy Beautiful You, Everyday I Love You, at Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Continue reading below ↓

Si Francine Diaz naman ay nais malayo na sa role niya sa Kadenang Ginto as Cassie. Gusto rin niyang maging perfect project ito para sa kanilang apat.

“Gusto ko po mag-try ng bago, ang layo niya din po kasi kay Cassie. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung anong merong sa character ko,” aniya.

Handa naman sina Kyle Echarri at Seth Fedelin sa challenge ng gagawin nilang pelikula na may kinalaman sa Filipino folklore.

Ito ang first time na magdidirek si Gino Santos ng mga teen stars. Nakilala si Direk Gino sa pagdirek ng adult and sexy drama films tulad ng The Animals, Island Dreams, #Y, Ex with Benefits, Love Me Tomorrow, at Sin Island.

Ito naman ang second time niyang magdirek ng horror film. Ang unang horror film niya ay Lila na pinagbidahan ni Janine Gutierrez in 2016.

“This is also my first Black Sheep film. I’m so excited to see them on set and kung ano maibibigay nila sa pelikula.

Continue reading below ↓

"Is it a horror teen film and it’s not just going to be physical kung 'di emotional,” ani Direk Gino.

Dahil sa coronavirus o COVID-19 outbreak, ang locations daw ng kanilang movie ay di magaganap sa mga mataong lugar.

“As much as possible everyone has to stay healthy. Lucky for us, sa mga gubat and island kami magfi-film so kami-kami lang,” diin ni Direk Gino.

Magsisimula ang shooting ng All-Nighter on March 25, 2020.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results