Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ronnie Liang topbills Crash Landing On You-inspired romantic comedy

by Rommel Gonzales
Mar 13, 2020

Bida si Ronnie Liang bilang isang military person sa romantic-comedy movie na Harang, kasama sina Princess Velasco at Thor Dulay.

“Super happy sa title, kasi, kung iisipin mo iyung Harang, parang super serious ang theme,” pahayag ni Ronnie nitong Marso 12, Huwebes, sa email.

Ang peg ng Harang ay ang hit Korean series na Crash Landing On You (CLOY). Ang direktor ng movie ay ang Palanca award-winning writer na si Njel de Mesa.

Sumakto kay Ronnie ang role dahil bukod sa pagiging piloto ay army reservist siya na may ranggo bilang 2nd lieutenant ng Army Pambato Division.

“Maganda yung timing ng movie, kasi, katatapos ko lang mag-training bilang 2nd Lieutenant.

“So, sa tingin ko, mapo-portray ko nang maayos yung character ko. Very personal and close to my heart itong role ko...

“The movie is about musicians at kung ano iyong current issues natin ngayon. Marami siyang interesting twists, kasi, may romcom element dahil may secret wedding sa plot.”

Continue reading below ↓

Excited ang mga tagahanga at supporters ni Ronnie, at kung bansagan nila ang singer-actor ay Oppa dahil sa Korean good looks nito.

“Hindi naman sa nakiki-ride sa hype ng Korean treatment whether sa film or series, pero maganda ring chance na ipakita sa audience na kaya rin natin gumawa ng ganung klaseng obra,” sabi ng 35-anyos na singer-actor.

“Yes, we are influenced, pero may sariling touch si Direk.

“I’m so excited to flex my acting ability. Hindi naman nawala iyung pag-arte dahil marami akong support roles sa mga pelikula ng Viva Films, pero iba ngayon dahil lead ulit ito.

“Ibibigay ko ang best ko para sa movie na ‘to.”

Huling nagbida si Ronnie sa Esoterika: Maynila (2014) kung saan nanalo siya bilang Best Actor sa Gawad Pasado.

At makaraang tapusin ang kanyang solo at private trainings bilang piloto, tatapusin niya ang pagsasanay para maging commercial pilot sa APG International Aviation Academy.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results