Coleen Garcia goes sexy for Pasion de Amor; will shoot love scenes with Sam Milby for Ex With Benefits

Coleen Garcia on upcoming movie with Sam Milby titled Ex With Benefits: “Ang daming love scenes at kissing scenes dito. But I accepted it, iyong una kasi ay hindi ko ito tinanggap dahil may limitations ako noon. But this one, I feel like it’s worth it."


Aminado si Coleen Garcia na hindi niya kinaya ang sobrang daring na role na naunang ibinigay sa kanya ni Gino Santos, ang director ng Cinemalaya 2014 entry na #Y (read: Hashtag Y).

Ang unang role na binibigay kay Coleen ay ang best friend-turned-lover na nagkaroon ng bed scene with Elmo Magalona.

“Actually, dapat yung role ko originally was the role of Sophie Albert. Kasi ever since talaga, puro roles na ibinibigay sa akin, good girl roles, pa-sweet…

“Pero ang dami niya kasing kissing scene at parang naramdaman ko na since this is my first project, hindi pa ako ready.

“So, sabi ko kay Gino [Santos], ‘Baka puwede naman akong mag-audition para sa isa pang role? Tapos sabi niya, ‘Ha, are you sure you want to do that, e siya yung bad girl e.’ Pero sabi ko, ‘Pero wala siyang kissing scene, e.’

“So, I tried for that role and na-enjoy ko. I feel like that she’s such a colorful character and it’s something different,” saad ni Coleen nang nakausap siya ng PEP.ph sa grand presscon ng pelikulang #Y na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound last December 3.

Ayon pa kay Coleen, kinonsulta niya ang boyfriend na si Billy Crawford sa role niya rito bilang isang “promiscuous girl.” Nanibago at nagulat raw ito nang nabasa ang script.

“Kasi noong una, nabasa niya ang script at nanibago siya. ‘Ha, are you sure you’re willing to do that? Parang hindi ako sanay na ganyan iyong role mo.’

“Pero after naman the film, masaya siya. Sobrang… siya iyong the first to congratulate me and he was the first to let me know how I did.

“And he is very honest, hindi ba? So, I trust his opinion. And ayon, just to see that he was happy, I guess na we did something right with the film.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi mo ba kayo nag-practice muna ni Billy bilang preparasyon sa role mo rito?

“Hindi, hindi naman,” nakatawang sagot ng dalaga.

“Nahihiya kasi ako, e, nahihiya ako kapag ganoon. Kapag si Billy, nahihiya ako. I don’t ask for advice,” nakatawang saad pa niya.

Paano mo pinaghandaan ang role mo bilang sexually active girl? May peg ka ba rito?

“I didn’t wanna look for a peg, kasi, malilimit ang character ko sa isang tao, e. I wanted to study different kinds of people who have that attitude.

“Actually, hindi ko sila kinausap e, kasi kapag kinausap mo sila, may filter. So ang ginawa ko, inobserve ko na lang sila. Kasi if you talk to people, they’re always nagmamalinis, di ba? Or they’ll always try to make them sound look good and everything.”




GOING SEXY FOR PASION DE AMOR. Sinabi rin ni Coleen ang kaibahan ng ginawa niya sa pelikulang ito sa forthcoming TV series niyang Passion de Amor.

“I feel like this movie did more good to me than bad. And dahil doon, mas naging kampante ako as an actress to accept roles that are beyond my comfort zone. If I know that it’s worth it.

“Pero hindi naman yung porke’t like… kasi, I have a soap now and I did something sexy. Actually, ano siya, e, although it’s revealing, it’s not sensual.

“Ang Pasion de Amor naman is sensual. So, may slight difference pa rin iyon. Kasi, other people the way they see it, parang it’s revealing. ‘A, you’re a sexy actress!’ I don’t wannna be limited to that, e.”

Idiniin pa ni Coleen na ayaw niyang malimitahan bilang aktres at sexy actress.

“I don’t wanna be limited to that. I wanna look beyond that and think, is this role worth it? Kung anong makukuha ko from this role, what I will make people feel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I guess it is worth it, di ba? Parang to step out of your comfort zone. And I’m gonna continue to do that as long as I know that it’s worth it.

ON LOVE SCENE WITH SAM MILBY. Bukod sa Pasion de Amor, ang Philippine adaptation ng naturang Colombian telenovela, kasama rin si Coleen sa pelikulang Ex With Benefits kunsaan makakasama niya si Sam Milby at Meg Imperial.

“Yung ano kasi, iyong Ex With Benefits… Arkisha ang name ng character ko dito and ex siya ni Adams who is being played by Sam Milby. Based ito sa Wattpad story kasi, pero they changed it up a bit to add more emotions to the story. And that’s why na tinanggap ko iyan.

“Kasi when I read the book, parang ang daming parts na parang sexy-sexy lang. If it’s sexy-sexy lang, I don’t want naman ng role na ganoon. Gusto ko naman ay iyong may substance.”

May bed scenes ba kayo dito ni Sam?

“Yes, mayroon po,” nakangiti na parang naiilang na saad pa niya.

“Ang daming love scenes at kissing scenes dito. But I accepted it, iyong una kasi ay hindi ko ito tinanggap dahil may limitations ako noon. But this one, I feel like it’s worth it.

“Kasi, there’s so much room for emotions. Alam mo iyong… I feel like that it’s something that will really help me grow as an actress. Then, I’m willing to step outside of my comfort zone, for a certain things. If I feel like that it’s really worth it and I feel that it will really help me grow.”

Nagpaalam ka ba kay Billy?

“Oo naman, alam niya lahat. I tell him everything. Pero eto, wala pa naman, wala namang ganoong scene rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess iyong #Y ay stepping-stone na rin. Hindi naman iyong bigla na sa #Y ay may bed scene agad. So in a way, it’s a stepping stone to do something more bold in the future.”

Inamin din ni Coleen na seloso si Billy, pero napag-uusapan naman daw nila ang mga bagay na ganito.

“Seloso siya, pero kinakausap ko siya. I guess, it’s all on how you talk to each other or how you communicate with each other.

“Kasi noong una, iyong mga co-star ko ay natatakot na baka magalit si Billy. Tapos sabi ko, ‘Uy, don’t naman make people feel like na kasalanan nila.’ Kasi ako, I wanna be someone who’s easy to work with.

“I want people to be happy that they’re working with me. Ayaw ko iyong matatakot sila dahil may boyfriend ako. Ayaw ko naman iyong ganoon.

“If I’m an actor, I’m an actor and naiintindihan naman niya ako,” nakangiting pahayag niya.

Paano kung may magandang role pero sexy at hindi pumayag si Billy, paano iyon?

“Hindi mangyayari iyon, papayag si Billy!” nakatawang pa saad ni Coleen.

“No, I really feel that he’s honest, e. And I appreciate his honesty. So kung sa tingin niya it’s not worth it, sasabhin niya sa akin na, ‘It’s not worth it.’

“Kasi, hindi naman ako tatanggap ng empty project na puro sexy-sexy na lang na wala namang ibubuga!”

Sa Pasion de Amor, ano ang role mo?

“I’m the youngest sister of the three sisters, Ellen Adarna and Arci Muñoz. Gusto ko iyong character ko rito, interesting iyong story niya.”

Gaano ka ka-daring dito?

“Actually, not as much as them [Ellen and Arci]. Ako naman ang youngest, kaya okay lang naman.”

Iniisip ng iba na dahil liberated at nag-daring ka sa first movie mo, magtutuloy-tuloy ka na ba sa pagpapa-sexy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more sensual. Eto kasi, hindi siya sensual, mas daring ito. Tapos iyong Pasion… naman, more on sensual. Kasi may mga partners kami…”



#Y RETURNS TO BIG SCREEN. Nang inusisa ng PEP kung nakatanggap ba ng negative reaction ang pelikula dahil ukol ito sa suicide, nilinaw ni Coleen na hindi talaga ganito ang tema ng kanilang movie.

Tampok sa Cinemalaya entry na ito sina Elmo Magalona, Sophie Albert, Kit Thompson, Slater Young, at Chynna Ortaleza. Distributed by Star Cinema, ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Gino M. Santos at mula sa panulat ni Jeff Stelton. Mapapanod ang #Y sa mga sinehan simula December 10.

“Actually, it’s not really about suicide. It’s more on about depression sa youth,” ani Coleen. “It tackles a lot of other problems that the youth faces now. But… I recommend that you watch the movie. Because the ending has been… ipinalit iyong ending.

“So, no naman. Wala namang negative reaction or bashers about the movie, none that I know of.”

Ang #Y ay ukol sa adventures ng isang generation na iniimpluwensiyahan at pinag-iisa ng social media at ng internet, at pati na rin ng You Only Live Once o YOLO ideological lifestyle na pinaniniwalaan ng maraming kabataan ngayon.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN