Alamin ang maseselang eksena at malalim na mensahe ng "Sikil"


Ang mga bida ng Sikil (international title: UnspokenPassion) ay sina Wil Sandejas (top), Ken Escudero (bottom), at Ashley Silverio. Ipalalabas ang pelikula sa IndieSine mula January 16 hanggang January 22.



Kontrobersyallast year ang pelikulang Sikil ng TVad and theater director na si RoniBertubin. Nakakuha kasi agad ito ng rating na "X" mula sa Movie andTelevision Review and Classification Board o MTRCB sa unang pagsalang pa langnito sa review board.

Pero ayon kayBertubin, may panghihinayang din na pahayag sa kanya ng MTRCB na, "Kung ‘dilang sana ngayon at kung wala lang sa ‘Pinas, palulusutin namin," meaningnakita ng mga nag-review ang gandang dala ng pelikula sa kabila ng mgadelikadong eksenang ipinakita roon.

THESIKIL EXPERIENCE. Nagkaroonang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na mapanood ang Sikil sa UP Film Institute last year atkami mismo, hindi akalaing "ganun kadelikado" ang mga eksena sa firstfull-length digital movie na ito ni Bertubin.

May mga eksenanglalaki sa lalaki sa loob ng sinehan, sa loob ng comfort room, sa shower, saentablado ng isang club, sa animo "harem" ng mga lalaki (na tila "gutom" saisa't isa't gustong "maglapaan"), at may pa-cute pang montage scene ng sweetmoments ng lead characters na sina Enzo (KenEscudero) at Adong (Wil Sandejas).

Pero angpinakasukdulan ng pagka-shock namin ay nang may umahong bit player mula sajacuzzi na buong-ningning na nagpakita ng kanyang semi-erect na "birdie." Ifever itutuloy ng bit player ang showbiz career niya at sumikat siya,collectible nang maituturing ang Sikildahil doon siya nagpakita ng kanyang "cock shot."

Pero hindi langnaman puro walang-habas na man-to-man sex scenes ang Sikil. Kabilang kasi sa cast ang Panday TV series star na si AshleySilverio, bilang Melay, ang love interest ng character ni Wil na si Adong.Sa kabila ng pag-"eeewww!" ng ilang manonood sa loob ng UP Film Institutetheater, in-appreciate naman namin ang pagbalandra ni Ashley ng kanyangmayamang dibdib, twice; isa sa kanyang wet-look scene with Wil at isa sakanilang love scene.

THE REAL MEAT.Pero kung susuriing mabuti ang pelikula, lahat ng mga nabanggit namingpampainit at eskandalosong mga eksena ay pawang pang-ibabaw lang. Mayroong mas malalim at makabuluhang mga mensahe na gustong ipahatid niBertubin sa mga manonood—ang pagtanggap (acceptance), pagmamahal, atpagpapatawad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating saacting, pasado nang maituturing ang pagganap ng tatlong pangunahing bituin.Although medyo pigil pa sa paglalabas ng emosyon si Ken sa ilang eksena niyabilang mapagtiis na si Enzo, may mga eksenang mahusay na nadala ni Ken angsarili.

Dapat hasain pang mabuti ni Wil ang pag-arte sa pelikula. Maytendency kasi siyang magpaka-teatro sa mga eksena niya.

May promise din siAshley sa pag-arte. Given the right packaging, puwede rin siyang gumawa ngpangalan sa mainstream cinema.

Hindi namankailangan pang banggitin kung husay rin lang sa pag-arte ang pag-uusapan ng mgasupporting stars na sina Sylvia Sanchezat Dido dela Paz, bilang magulang niEnzo at Ms. Anita Linda bilang lolani Adong.

Mahusay rin angmga mata ni Bertubin sa paghuli sa pelikula ng mga lugar at tanawing masepektibong makapaghahatid ng emosyon ng eksena. Mula sa mgaromantiko't scenic shots ng probinsiyang pinagmulan nina Enzo at Adong,hanggang sa marumi't tsipipay na sinehang tambayan ng mga bading kung saannagaganap ang mga "halahan."

Bago pa man itona-review ng MTRCB, naimbitahan na sa maraming film festivals ang Sikil. Kabilang na rito ang 19th PalmSpring Film Festival na ginanap sa California, at patuloy pa rin itongnaiimbitahan sa iba pang film festivals abroad. Patunay lang na hindi langbasta pelikulang tungkol sa kabadingan ang Sikilkundi mas malalim at may kabuluhang pelikula rin ito.

Ang Sikil (internationaltitle: Unspoken Passion) ayipapalabas sa IndieSine, Robinsons Movieworld, simula January 16 hanggang January22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN