Isabelle de Leon, nanita noon ng direktor dahil mali ang acting instructions

by Rommel R. Llanes
Apr 22, 2020
Video: Summit Media Video Team.

Sa PEP Live guest appearance ni Isabelle de Leon kamakailan, naikuwento niya ang kanyang mga karanasan bilang child actress.

Napunta ang kuwentuhan nila ng PEP Live host na si Jimpy Anarcon tungkol sa pagganap niya noon bilang kapatid ni Jiro Manio sa klasikong pelikulang Magnifico.

Idinirek ng yumao nang award-winning director na si Maryo J. delos Reyes ang nasabing pelikula.

Pagbabalik-alaala ni Isabelle, nagkatrabaho na sila noon ni Direk Maryo J. bago pa man nila gawin ang Magnifico.

Naikuwento ni Isabelle na minsang nasita niya sa batikang direktor sa isa nilang proyekto.

Lahad ni Isabelle, isang batang pipi at bingi ang role na ginagampanan niya sa pelikulang ginagawa nila noon ni Direk Maryo J.

Aniya, habang iminumuwestra ng direktor kung ano ang gagawin niyang pag-arte, pinansin ng bata pa noong si Isabelle ang instructions ni Direk Maryo J.

Sa kuwento ni Isabelle, may hindi tama sa instructions sa pag-arte ang direktor na naidirek na ang mga tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Aga Muhlach, at iba pang mahuhusay na artista.

Continue reading below ↓

Natigilan ang direktor sa pagsita sa kanya ng batang si Isabelle.

Napabulalas tuloy si Direk Maryo J. sa harap ng iba pang mga artista sa kanilang set.

Panoorin ang video kung ano ang sinabi ni Direk Maryo J. matapos siyang sitahin ni Isabelle.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results