Princess Punzalan, may Hollywood film pagkatapos ng COVID-19 crisis

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 25, 2020
Princess Punzalan smiling inside her car.
Halos abot-kamay na ang mithiing Hollywood break ni Princess Punzalan. Sisimulan niya ang isang Hollywood movie pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @realprincesspunzalan instagram

Nasa pre-production na ang Hollywood film na kinabibilangan ng tinagurian noong "Primera Contravida" na si Princess Punzalan.

Video: GMA News.

Isa sa mga itinuturing na mahuhusay na character actresses si Princess sa local showbiz.

Nagka-award pa ito noong 1998 sa pagganap bilang Selina Pereira-Matias sa ABS-CBN series na Mula Sa Puso (1997-1999).

Nanatili sa U.S. si Princess matapos na magpakasal sa Amerikanong si Jason Field nung 2005.

Sa report ni Lhar Santiago ng 24 Oras, ikinuwento ni Princess kung paano siya na-spot-an ng isang Hollywood agent sa isang acting class.

"She saw what I did. And then, Billy, who's my acting coach, sent her my resumé. She was interested.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

"And then, ayun, in-offer-an niya 'ko na kung gusto ko raw siyang maging agent," paglalahad ni Princess kay Lhar.

May Hollywood manager na rin si Princess. Nakita raw niya ito nang mag-post sa isang acting group.

"Out of the 96 posts na nag-respond, dalawa kami na binigyan niya ng sagot. Ang sabi niya, 'Email me.'

"So ayun, in-email ko sa kanya kung ano ang resumé ko, yung acting reel ko..." kuwento pa ng 51-year-old actress.

Pagkatapos ng COVID-19 pandemic, sisimulan na raw ni Princess ang trabaho sa kanyang Hollywood film.

"I have a movie coming up and nasa pre-production stage pa siya. Ang title is, The Interview.

"And I will be playing the role of the officer. And the movie is about the interview process kapagka nag-a-apply ng greencard o ng citizenship dito sa Amerika."

Sa kasalukuyan ay isang registered nurse si Princess sa Los Angeles, California.

Pero sa IG Live chat nila ni Alice Dixson kamakailan, sinabi niyang huminto muna siya sa pagiging nurse para alagaan ang nag-iisang anak nila ni Jason na si Ellie.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Halos abot-kamay na ang mithiing Hollywood break ni Princess Punzalan. Sisimulan niya ang isang Hollywood movie pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @realprincesspunzalan instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results