Yayo Aguila on being hailed the new "Laplap Queen": "Natutuwa ako na natatawa!"

by Jerry Olea
May 2, 2020
Yayo Aguila, 52, on being hailed the new "Laplap Queen" because of her torrid kissing scene with Royce Cabrera in Fuccbois: “Hindi ko makuhang magalit, kasi totoo namang ginawa ko yun sa eksena, and I have no regrets."
PHOTO/S: Instagram

Trending si Yayo Aguila matapos mapirata ang Cinemalaya 2019 film na Fuccbois noong Abril 29, Miyerkules, sa YouTube at Facebook.

Dahil sa torrid kissing scene nila ni Royce Cabrera, 24, sa pelikula, inilarawan ang actress, 52, bilang "savage" at "legendary."


Nagkalat ang memes kung saan isinalin sa kanya ni Angel Aquino, 47, ang korona.

Continue reading below ↓

Kontroberisyal ang kissing scenes noon ni Angel with Tony Labrusca, 24, sa digital movie na Glorious (2018).

Yayo is now being hailed "The New Queen." Tinagurian siyang "Laplap Queen."


Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ha! Ha! Ha! Natutuwa ako na natatawa sa Laplap Queen,” pahayag ni Yayo nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Mayo 2, Sabado, via Messenger.

Continue reading below ↓

“Hindi ko makuhang magalit, kasi totoo namang ginawa ko yun sa eksena, and I have no regrets.

“I love our film, I love the character that I played, and I’m proud na ginawa ko yun.

“Kasi, mahal ko ang trabaho ko.

"Sa buhay, anuman ang trabaho mo, anuman ang task mo, dapat gawin mo nang tama at ibigay mo ang best mo.

"‘Yan dapat ang mindset."

MARKADONG ROLE

Maikli lang ang papel ni Yayo sa Fuccbois, ngunit markado.

Sandamukal na bading ang nainggit sa kanya.

Mas bet ng mga bading ang karakter niya rito, kesa kay Ricky Davao na “pinatay” nina Royce Cabrera at Kokoy de Santos.

“How to be you po, tita?” tanong ng mga bekizen kay Yayo.

Pahayag naman ng dating Bagets star, “Thankful ako sa good comments.

"Yes, flattering siya... lalo coming from the gay community whom I truly admire and have great respect for.

“Happy ako for Kokoy and Royce, kasi ang husay-husay nila sa pelikula and deserve nila ang appreciation at palakpakan sa pag-arte.

Continue reading below ↓

“Sana, ma-appreciate ng viewers yun that way, not in any other way.”

FAKE TWITTER ACCOUNT

Nabigla naman si Yayo na may mga gumamit ng pangalan niya sa Twitter.

Sa tweet ng Kapamilya teen star na si Awra Briguela na “I wish I was special to someone,” ang pekeng Yayo ay nag-comment na, “Galingan mo din lumaplap anak para maging special ka.”


Continue reading below ↓

Pag-alma ni Yayo, “Nagulat ako na makita ko na may gumawa ng account using my name sa Twitter.

“Oo, naka-state naman sa account na ‘for fun fun lang, no hate’... gets ko na may disclaimer na siya agad. Pero I felt bad.

“Kasi, siyempre, pangalan ko yun tapos slightly off yung tweets! Personally speaking, ah!

“Sana lang, kung di niya yun ipu-put down, e, mag stick siya sa sinabi niyang ‘fun fun lang, no hate.’

"Otherwise... ibang usapan na yun and I would have to do something about it, di ba?”

Nilinaw ni Yayo na hindi siya galit sa gumawa ng nasabing fake Twitter account.

“Actually, I’m glad, sinabi niya na MEME account siya.

"Kumbaga, basta stick siya sa sinabi niyang FUN FUN LANG, NO HATE, and I will truly appreciate kung tototoohin niya iyun.

“Ako naman kasi, gusto ko, FRIENDS lahat at HAPPY lang lagi!” pagdidiin ng aktres.

PIRATING FUCCBOIS

Mixed feelings si Yayo sa pag-trending niya kaugnay sa Fuccbois na pinirata sa social media.

Continue reading below ↓

“Nakaka-upset yung LEAK at illegal uploading ng FUCCbois sa YouTube, followed by the sharing ng links,” paliwanag ng aktres.

“Alam naman ng lahat, I believe, that PIRACY IS A CRIME!

"Hindi biro ang gumawa ng pelikula at lalong hindi biro ang pinagdadaanan ng Producer, Director at buong team para mabuo ito.

“At the end of the day, it is the wish of the team na maipalabas ang pelikula nang tama at mapanood ng viewers sa tamang paraan.

“Sana naman, nag-iisip ang mga tao, huwag insensitive!

“Pero andiyan na, harm is done! Inaaksyunan naman ng team ang nangyari.”

Kabilang sa bagong movie projects ni Yayo ang Viva movies na Kunwari Mahal Kita nina Ryza Cenon and Joseph Marco, at Penduko ni Matteo Guidicelli.

Ganoon din ang Muelle de Binondo ni Enchong Dee na produced ng NeoBlue Media, at The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa ilalim ng Viva Films.

Continue reading below ↓

Alam mo ba ang latest sa showbiz?

Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here: https://bit.ly/PEPBotQuiz

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yayo Aguila, 52, on being hailed the new "Laplap Queen" because of her torrid kissing scene with Royce Cabrera in Fuccbois: “Hindi ko makuhang magalit, kasi totoo namang ginawa ko yun sa eksena, and I have no regrets."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results