Kokoy de Santos on Boys' Love series with Alex Diaz: “Ibang kilig ito. Promise!”

by Jerry Olea
May 4, 2020
Kokoy Santos on Fuccbois trending on Twitter after it was pirated on YouTube: "Siguro, yung effect po sa akin, marami pong mas nakakilala. Pero I’m just hoping na na-appreciate din nila yung talento na ipinakita namin.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Mixed emotions si Kokoy de Santos sa grabeng reactions ng netizens sa maseselang mga eksena nila nina Ricky Davao at Royce Cabrera sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois, na kumalat recently sa YouTube at Facebook.

“Nagulat ako because hindi ko po in-expect na kakalat yung full movie ng Fuccbois at naka-HD pa,” pahayag ni Kokoy nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Messenger nitong Mayo 3, Linggo.

“Malungkot, kasi bakit kailangang piratahin yung pelikula namin, na alam natin na marami pang lalakbayin nito.

“Masaya rin, kasi nagustuhan ng mga nakanood though hindi sana sa ganitong paraan.”

Continue reading below ↓

Ano ang reaksiyon ng kanyang mga kapamilya?

Naapektuhan ba siya kahit aware na ang family niya sa movie nang ipalabas ito sa 15th Cinemalaya filmfest noong Agosto 2019?

“Yung family ko naman po, nalungkot din.

"Kasi, ang dating po, people patronized the movie just because of the intimate scenes, hindi dahil sa lalim at ganda ng pelikula,” pag-amin ng 22-anyos na si Kokoy.

"Siguro, yung effect po sa akin, marami pong mas nakakilala.

“Pero I’m just hoping na na-appreciate din nila yung talento na ipinakita namin.”

Continue reading below ↓

PINOY BL SERIES

Matapos kumalat ang Fuccbois, ipinost ng direktor nitong si Eduardo “Edong” Roy Jr. ang tungkol sa bagong project nito—ang Pinoy BL series na Oh, Mando!

Bida rito sina Kokoy at Alex Diaz.

Ayon kay Direk Edong, nasa fouth day of shooting na sila ng nasabing BL (Boys’ Love) series nang matigil sila dahil sa community quarantine.

May natitira pa silang limang shooting days bago maipalabas ang Oh, Mando! sa iWant TV.

Continue reading below ↓

Kumusta ang working relationship nila ni Alex?

Nakaramdam ba siya ng awkwardness na ang ka-partner niya sa digital series ay nag-come out bilang bi?

“Walang awkwardness,” saad ni Kokoy.

“Kasi, sa una pa lang, mararamdaman mo kay Alex na approachable siya.

“Wala namang kaso sa akin kung straight ka man o bi.

"Basta okay ka sa aking katrabaho, okay tayo.”

Nakapag-bonding ba sila ni Alex?

“So far, wala pa masyado. Kasi, nag-stop yung shoot.”

Sabi ni Direk Edong, kaabang-abang ang kilig moments ng KoLex (Kokoy + Alex).

“Kailangan po talagang abangan itong series na ito. Ibang kilig ito. Promise!”

Sikat na sikat ngayon sa Pilipinas ang mga BL series mula sa Thailand, partikular na ang 2gether kung saan bida ang Thai heartthrobs na sina Bright Vachirawit Chivaaree at Metawin Opas-iamkajorn.

Kaya marami ang nag-aabang kung mapapantayan o mahihigitan ng Oh Mando! ang impact na hatid ng Thai BL series.

PINOY NOAH CENTINEO?

Marami namang dalagang Pilipina ang kinikilig kay Kokoy at itinuturing siyang Pinoy version ni Noah Centineo.

Continue reading below ↓

Andaming kababaihan worldwide ang kilig-kiligan kay Noah sa Netflix film na To All The Boys I’ve Loved Before (2018) at sa sequel nitong To All The Boys: P.S. I Love You (2020).

“I’m flattered po, and siyempre masaya. Kasi, Noah Centineo ‘yun, e.

"Kumbaga, lodi ng karamihan ngayon ‘yan, kasama na ako roon,” reaksiyon ni.

BUHAY QUARANTINE

Kumusta ang kanyang buhay-quarantine? Mga kakaibang nagawa o na-achieve ba siya during ECQ?

“Una po, nagkaroon ako lalo ng time sa sarili ko, nag-workout ako madalas,” tugon ni Kokoy.

“Matagal ko na kasing gusto mag-vlog and finally, nasimulan ko na sa eponymous YouTube channel ko.

“And nagkaroon ako ng maraming realizations sa mga bagay-bagay. At nakatulong naman sa akin bilang tao.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kokoy Santos on Fuccbois trending on Twitter after it was pirated on YouTube: "Siguro, yung effect po sa akin, marami pong mas nakakilala. Pero I’m just hoping na na-appreciate din nila yung talento na ipinakita namin.”
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results