Kris Aquino: "Yung feng shui sa personal life and pag-ibig, napatunayan ko nang mali."

Kris Aquino credits Coco Martin for making Feng Shui 2 possible because of his belief in the movie. But it was Kris who got the ball rolling, and now the two are not only co-actors but also the movie's co-producers.


Sampung taon bago nagawa ang part two ng Kris Aquino-starrer na Feng Shui, isa sa official entries sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Ang Kapamilya actor na si Coco Martin ang makakasama ni Kris sa Feng Shui 2.

Ayon kay Kris, malaki ang naging partisipasyon ni Coco sa pagkakaroon ng pangalawang Feng Shui.

“I think, the movie came about because in one presscon for Juan dela Cruz, sinabi ni Coco na meron daw siyang gagawing movie sa future.

“It would be a horror movie, at sinabi niya sa presscon na yun na ang all-time favorite horror movie niya ay ang Feng Shui.

“And then, nabalitaan ko lahat yun, and I called up Biboy [Arboleda, Coco's manager] and I said, ‘Was he serious or pang-promo lang ‘yan?'

“Kasi, parang maganda ang timing.

“If ever we’ll do it, it will show ten years after the very first.’”

Patuloy na kuwento pa ni Kris habang itinuturo ang direktor ng pelikula, “And then, tinawagan kita [Direk Chito Roño].

“Not realizing na hindi naman ako ang may-ari ng rights at nasa Star Cinema.

"Sabi ko, ‘So, Direk, do you think we should do this?’

“Honestly, this would not have happened if Coco hadn’t had a thank-you presscon sa ending ng Juan dela Cruz.

“Kung hindi niya nabanggit na paborito niya ang Feng Shui at kung hindi ko natawagan si Direk Chito na na-excite naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa grand presscon ng Feng Shui 2 kaninang tanghali, December 10, sa ABS-CBN compound.

CO-PRODUCERS. Ito ang unang pagsasama nina Kris at Coco.

Pero bago pa man ang kung anu-anong spekulasyon, tahasan nang sinabi ni Kris na walang romantic involvement ang mga karakter nila sa part two ng Feng Shui.

“Not at all, and parang noong nag-dub kami, magkikita lang kami [sa pelikula] after the first one-third.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yung lakbay muna at journey ng kuwento niya.”

Si Malou Santos ng Star Cinema na raw ang nagsabing kailangan agahan ang paglabas ni Kris sa pelikula kaya bukas, December 11, pa lang daw nila ito masu-shoot.

Nabanggit din ni Kris na silang tatlo nina Direk Chito at Coco ay bumakas sa pelikula. Bilang co-producer si Kris ng Feng Shui 2, sa share daw niya bumakas sina Direk Chito at Coco.

Noong isang taon, comedy ang ginawa ni Kris, ang My Little Bossings.

Pero kung hindi comedy, horror ang madalas na genre ng pelikulang ginagawa niya.

Wala ba siyang planong gumawa ng drama?

Sabi niya, “I did comedy, ‘di ba? I had a special participation in Sisterakas and Little Bossing.

“Pero tinanong ako ni Tita Malou noong Friday, ‘Kris, you want to do a drama next year?’

“Sabi ko, ‘Tita Malou, at my core, I am a mother.

“‘So kung yung role is to be the mom of KathNiel, to be the mom of Enrique [Gil] or Kim Chiu, I love to do it.

“‘Pero kung ilalayo mo kung ano ako talaga at my core, I don’t think I’ll be affected.’”

CHERRY PIE ADMIRER. Kasama rin sa Feng Shui 2 ang aktres na si Cherry Pie Picache, na kamakailan lang ay dumaan sa malungkot na kabanata ng buhay niya dahil sa malagim na pagpatay sa kanyang ina.

Kumusta naman ang pagtatrabaho nila?

Sabi ni Kris, “Oh, I love her. I love her so much!

“You know that when she’s on the set, meron siyang dalamhati... tama ba yung ginamit ko?

"Kasi when you start talking to her, nati-teary-eyed siya.

"Kasi ang bilis, e. There was no preparation or whatsoever.

“You feel that there’s a fight. May ipinaglalaban pa.

“Imagine, nag-shooting kami one day, then the very next day, 8:30 in the morning, may hearing siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, embodied niya ang character niya, and you’ll totally forget that she’s Cherry Pie.

“You’ll forget that her family just came from a tragedy and sinasabi ko nga, she’s the embodiment of grief.

“Sila kasi ni Coco is super close na talaga.

"Dito kami naging close at talagang humanga ako sa buong pagkatao niya.

“Hindi lang sa husay niya bilang artista kung hindi sa pureness, goodness, and brilliancy ng puso niya.”




HALF-BELIEVER. Sa tunay na buhay, naniniwala ba si Kris sa feng shui?

“Ako, yes... napakahalaga nun and where your head faces kapag natutulog ka. And suwerteng araw to start work.

“But that’s it. Pero yung feng shui sa personal life and pag-ibig, napatunayan ko nang mali.

“So, sa negosyo, yes!”

Year of the Pig si Kris at ang kontra raw sa taon niya ay ang mga Year of the Snake.

Kung ang lalaki ay Snake ang sign, iiwasan na ba niya ito agad?

“Well, hindi nga totoo sa relationship.

"Kasi si Alvin, my assistant, has been with me for ten years and he is a Snake.

“‘Tapos ang Rat kasi, ang kontra ng Rat is actually the Horse.

“Si PNoy is a Rat and ang assistant niya, si Rochelle, is a Horse and they’ve been together naman for twenty years. “

"So feeling ko, sa relationship na ‘yan, hindi siya totoo talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN