Joey Paras describes experience directing Wenn Deramas and Soxie Topacio in indie film

Joey Paras directed Wala Na Bang Ibang Title, which tackles socio-political issues. Soxie Topacio (right) is one of the lead stars of this indie film, which is included in the lineup of the QC International Pink Festival.


Markado ang ginampanang papel ng theater actor na si Joey Paras sa 2013 Cinemalaya entry na Babagwa.

Para sa kanyang pagganap bilang isang online swindler, nagwagi siya ng Best Supporting Actor awards mula sa Gawad Tanglaw at Cinemalaya. Wagi rin siya ng Best Performance by an Actor in a Supporting Role mula sa Golden Screen Awards para naman sa prison movie na Dance of the Steelbars.
Hindi naman daw nag-expect si Joey nang anuman when he got nominated in several award giving bodies para sa Babagwa at Dance of the Steel Bars.
“I didn’t expect to win an award but I feel so blessed when I got nominated. I am so thankful to Gawad Tanglaw and Cinemalaya for giving me credit for my hard work in Babagwa and to Enpress Golden Screen Awards for the award naman sa Dance of the Steelbars,” pahayag ng theater actor.
Ano ang naging epekto sa iyo nang pagkapanalo mo ng award? Would you say mas naging choosy ka sa roles na iyong tinatanggap?
“It gave me more reasons to continue what I have been doing. Hindi ko naman buwis-buhay na ginagampanan ang trabaho ko para lang sa awards. May award or wala, higit pa sa pagbubuwis ng buhay ang ibinibigay ko kapag gumagawa ako ng pelikula bilang aktor.
“In a sense, yes, I must say yes na mas naging critical ako sa pagpili ng mga roles na gagawin ko for my future projects. Hindi naman masamang magkaroon ng goal, di ba? At ang goal ko ay gumawa ng mga quality films.”
May kasabihan sa showbiz na pang may award ka na, you have arrived. Gaano ka-significant sa iyo ang pagkakaroon ng award?
“Wala naman akong ipinagbago kahit may award na ako. It’s still the same old me. May award man ako o wala, marami pa akong dapat gawin to improve myself. When I had my first presscon for Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal [Play], ang sabi ko ang sarili ko ang mahigpit kong kalaban. Tanging ako lamang sa sarili ko kung may nagawa na nga ba akong remarkable o wala,” wika pa ni Joey.

Bilang isang theater actor, naniniwala si Joey na sa pamamagitan ng pagkapanalo niya ng awards, nagsisilbi itong inspiration for other stage actors to pursue their dreams. May award man o wala, sabi niya na dapat patuloy lamang ang pag-abot sa pangarap.
“After all, hindi naman award ang dahilan kung bakit maraming pumapasok sa teatro. Training at disiplina ang pinakaimportanteng matutunan at isabuhay ng isang theater actor. You have to forget yourself if you want to do theatre. You have to think of the bigger picture. It`s not only about you, but the entire group.”
Sa tingin mo ba may ibang tao na mababa ang tingin sa mga actor galing sa teatro dahil comedy ang ginagawa nilang role sa TV o pelikula?
“I beg to disagree. Sa TV at pelikula nowadays, kapag galing kang teatro, respetado ka agad. Look at Miss Lea Salonga. She`s from the theater world. Wala namang 'nagtatawa' o nagmamaliit sa kanya. We just have to search for more people out there. Naka-focus kasi tayo sa mga komedyante lang. We have Nonie Buencamino, Irma Adlawan, Shamaine Centenera, John Arcilla and more. They are not all into comedy roles lang. We theater actors are versatile people. Most of us, I believe. We can always come up with the demands of the role. At doon nanggagaling ang respeto we got from people around us.”
Matapos magdirek ng mahigit 30 plays sa teatro, sinubukan naman ni Joey ang pagdidirek ng pelikula via his debut film titled Wala Ba Bang Ibang Title? na kasali sa Quezon International Pink Festival na ongoing ngayon sa Trinoma.
Ang kanyang passion for learning ang naging inspirasyon kay Joey para gumawa ng isang independent film na commercially released by the QC Pink Festival.
Aniya tungkol sa kanyang pelikula, “Wala Na Bang Ibang Title? has a promise to tell. It may not be the perfect film all of you expected to be but I am quite confident that it has something new to offer. Salamat sa passion ko sa arts, nakagawa ako ng isang simpleng pelikula na punum-puno ng puso.”
Dahil sa paniniwala ng kanyang mga kaibigan na sina Floid Zulueta from Globe Telecom at Betchay De Jesus from Concentrix kaya na-encourage siya na magsulat at magdirect ng kanyang first indie film.
“They wanted to collaborate on this film para lang masubukan namin kung kaya naming 'magtagumpay' somehow. Ang tagumpay na ito ay ang makagawa ng pelikula na super low-budget pero magpapakita ng husay ng mga aspiring theater actors [almost all of them his students from previous workshops] at ng mga batikang theater and film directors na nakasama at nakatrabaho ko na before.”
Aminado naman si Joey na nahirapan siya sa pagdidirek sa pelikula kumpara sa pagdidirek niya sa teatro. Marami raw silang sinuong na challenges sa pagsabak niya sa film directing.
“Unang-una, technically hindi kami well-equipped. Hindi kami gumamit ng mamahaling cameras and even professional sound recording. Doon ako medyo nahirapan. Sa teatro, as long as may entablado at audience, we can always deliver a show, wala mang costume, make up or props....kahit wala pang ilaw. Iba ang pelikula. Hindi ka pwedeng mandaya. Kaya dapat punum-puno ito ng sincerity. Dapat may sincerity sa acting and directing-wise,” paliwanag niya.
Paano mo ide-describe ang experience directing a movie?
"Directing a movie is like giving birth to a baby. Mahirap mag-labor pero pag nairaos mo, wala nang mas sasarap pa sa ginhawa at kakaibang tibok sa puso na mararamdaman the moment na makita mo ang inilabas mong sanggol.”
Kumusta naman ang pagdidirek kina Wenn Deramas at Soxie Topacio?
“Na-touch ako at naaantig ang puso ko sa respeto at willingness nila na gawin ang pelikula. To gain your director`s trust is something money can`t buy. Masaya ako at naging mentors ko sila. Yun talaga ang peg ko for the movie. Ang gawing artista lahat ng mga mahal kong director na nakasama ko simula pa noong una.
“Noong nagsisimula pa lang ako. Direk Soxie is my very first TV director when I was only 12 years old via GMA-7 Bulilit Show, a children's show starring Bodjie Pascua. Hindi ko lang sure kung nauna talaga si Direk Soxie or si Direk Ishmael Bernal na naging director ko sa Dear Teacher [shown on Channel 13] via the Eric Quizon-Joey Palomar episode,” pagbabalik-tanaw ni Joey.
Ano ang mensahe ng iyong pelikula at sa tingin mo ba ay maiibigan ito ng LGBT community
Wala Na Bang Ibang Title? is more than just your typical gay film. Ito ay pelikula ng lipunan. May mga socio-political issues na tinalakay sa film which we presented through a parody.
Tinatalakay ng pelikula ang kahulugan ng "kalayaan” at kung ano ang mga paraan para maging tunay na malaya mula sa miserableng buhay, maling pamamahala ng gobyerno at pansariling “Kulungan."
Si Direk Soxie Topacio, na lead actor ng movie, ang nag-alok kay Joey na isali ang pelikula sa QC International Pink Festival. Si Direk Soxie ang head ng committee para sa Pink Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN