Maris Racal to star with ex-PBB housemate Manolo Pedrosa for upcoming movie Stars Versus Me

Maris Racal is one of the lucky housemates in PBB All In following the lead of Kim Chiu, Sam Milby, Gerald Anderson, Ejay Falcon, and Zanjoe Marudo in becoming stars after their stints in Bahay ni Kuya. Maris and Manolo Pedrosa are slated to star in an upcoming movie titled Stars Versus Me.



Sa loob pa lamang ng Bahay ni Kuya ay isa na si Maris Racal sa nakabuo ng malaking hukbo ng mga tagasubaybay sa Pinoy Big Brother All In.

Marami ang nakakitang isa siya sa siguradong magiging artista sa hanay ng mga housemates lalo’t naging finalist pa siya.

Paglabas nga niya, nabigyan agad siya ng primetime series kasama ang isa pang-PBB housemate na si Manolo Pedrosa, ang Hawak-Kamay.

Ngayon, nagsu-shooting naman na si Maris ng kauna-unahang pelikula niya na sila pa rin ni Manolo ang mga bida, ang Stars versus Me.

“Happy po ako kasi it’s a dream come true para sa akin.

“Parang na-experience ko na kung ano ang mga behind the scenes, kung paano ang nangyayari sa isang movie.

“Parang na-experience ko na kaya I’m very grateful,” saad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikula nila sa Provident Village, Marikina City noong December 11.

Pangarap talaga ni Maris ang maging artista pero hindi daw niya inaasahan nang pumasok siya sa PBB na magiging daan yun para makapasok sa showbiz.

“Sa PBB, hindi ko talaga inisip na after…

“Parang nagulat na lang din ako, hindi ko ini-expect.”

Hindi niya naisip na puwede siyang maging artista paglabas niya?

“Siyempre po, after Kim Chiu, Sam Milby, maiisip ko rin po yung mga ganun.

“Na sana, isa rin ako sa mga ganyan.”

LIFECHANGING EXPERIENCE. Marami na rin ang nagbago sa buhay ni Maris sa loob lamang ng ilang buwan na nakalabas siya ng PBB house.

“Marami po, like, malayo po sa family dahil taga-Davao po talaga ko.

“‘Tapos yung sa school po, magka-college na po sana ko.

“At yung showbiz po, talagang iba siya sa life ko before.

“Dati po, home-school, doon po.

“Hindi ako yung ma-PR talaga, na nakikipag-kuwentuhan talaga.

“At first, nahirapan po ako talaga, tinuturuan po ako na dapat ma-PR nga po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At first, nahihiya pa kong mamansin ng ibang artista.

“‘Hi,’ ganoon lang ako pero ngayon, medyo nasanay na rin po.

“Nagulat din po ako sa mga tao na sobrang dami ng sumusuporta.”

Hindi naman pumapasok pa sa ulo niya na marami ng nakakakilala?

“Hindi po kasi yun din po ang sinasabi ng nanay ko.

“Tine-text niya ko na huwag lalaki ang ulo.”

STARS VERSUS ME. Sa PBB house pa lang, nakita na agad ang talento niya sa pagkanta. Kaya sa pelikula nila ni Manolo ay posibleng si Maris din daw ang kumanta ng theme song.

Ang role daw niya sa pelikula ay isang teenager na sobra ang paniniwala sa horoscope.

Kuwento nga niya, “Ako po, isang girl na naniniwala sa horoscope dahil sa mommy.

“Mommy ko po rito si Matet de Leon.

“Siya po ang nag-influence sa akin sa daily horoscope, sa lahat.

“Kung ano po ang susuutin ko, sinusunod talaga namin ang horoscope sa day na yun.

“Once, hindi ko sinunod, yun po, may nangyaring hindi maganda.”

Sa totoong buhay, naniniwala rin ba siya sa sinasabi ng horoscope niya?

“Ako ano, partly lang po kasi minsan, nababasa ko siya sa news feed ko.

“Pero partly lang po, usually nagbabasa ako ng horoscope at the end of the day.

“Kaya parang inaaalala ko yung nangyari sa akin sa araw na yun,” natawa niyang sabi.

Masaya rin daw si Maris na ang una niyang naging director sa pelikula ay si Direk Joven Tan.

“Mabait po siyang director, hindi ko po napi-feel ang pressure.

“Parang maluwag po siya sa amin bilang first time namin.

“Mabait siya sa amin ni Manolo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN