Paolo Paraiso moves to leading-man status in indie movie "Ate"


Sexy actor Paolo Paraiso is the leading man in the movie Ate, where he plays a man torn between two sisters played by Ara Mina and Cristine Reyes.



Suwerte na lang siguro ni Paolo Paraiso at nakuha sa pagtitiyaga ang pagiging leading man sa pelikulang Ate. Siya ang gumaganap na lalaki sa pagitan ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.



"I'm so happy, and it's a different role," sabi ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Businessman ang dating ko rito, medyo mature. Asawa ako ni Ara dito na mai-involve sa kapatid niya [Cristine]."



Sa Ate ay wala raw pakialam si Paolo sa daring scenes. Malaki ang tiwala ni Paolo sa produksiyon. Sina Lore Reyes at Peque Gallaga ang namamahala rito.



"Yung mga eksena kasi namin ni Ara sa movie, normal lang sa mag-asawa—yung naglalambingan at naghaharutan sa kama. Kung ano yung dapat ipakita on screen sa mag-asawa, ganoon ang ginagawa namin ni Ara. Parte ng trabaho namin bilang mga artista.



"Iba rin yung dating ng love scenes namin ni Cristine, kasi forbidden love yung sa amin. Mararamdaman din yung passion," paglalarawan ni Paolo sa sexy scenes niya sa indie movie na Ate, na napakarami raw.



Wala raw siyang apprehensions sa ganoong mga eksena. Nagustuhan daw kasi niya talaga ang script na isinulat ni Gina Marissa Tagasa.

May follow-up na agad ang Ate. Mapapanood din si Paolo sa Tingala sa Pugad na ididirek ni Edd Palmos. Kasama rin si Paolo sa bagong show na bubuksan ng GMA-7, ang Third Eye, na pagbibidahan ni Iza Calzado.

RHIAN RAMOS. Sa mga intriga, na-link si Paolo kay Rhian Ramos. Nagkataon kasing iisa ang handler nila sa GMA Artist Center.



"Apologetic si Rhian sa akin dahil sa mga lumabas," natatawang sabi ni Paolo. "Sabi ko, 'Bakit ikaw ang apologetic?' Ako dapat ang mag-sorry sa kanya dahil siya yung babae. Kahit ano ang mangyari, mas negative kay Rhian 'yon. Kaya dapat lang na depensahan ko siya, kasi hindi naman totoong may namamagitan sa amin. It's not true also that we went to a coffee shop after Star Awards for TV. Doon kasi nag-start yung intriga sa amin ni Rhian."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Namatay na lang ng kusa ang isyu dahil hindi nga totoo. Bukod dito, it started with Paolo's joke na siya lang daw ang naglakas-loob na nag-offer kay Rhian na mag-escort dito sa nabanggit na event.

"Pero napakagandang bata ni Rhian," at natawa si Paolo. "As in bata, that's how I look at her. She's still very young, a child. Yun nga lang, the way she thinks and talks, may maturity na rin."



MYLENE DIZON. Marami rin ang nagsasabing parang hindi naman daw kasi sila naghiwalay ng dati niyang live-in partner na si Mylene Dizon.



"Kasi, nakikita pa rin nila kaming magkasama," paliwanag ni Paolo. "Like sa preview ng Banal, I'm so proud of what I did in the movie, niyaya ko siyang manood.

"Okay lang, walang problema. Sa ibang functions, nakikita pa rin kaming magkasama, kasi unattached naman ako; siya rin naman. Wala kaming nakikitang masama doon.



"We're really better off as friends. And for as long as nariyan ang anak naming si Tomas, makikita at makikita pa rin kami ni Mylene na nag-uusap at magkasama," tuluy-tuloy na sabi ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN