Through Night And Day, a box-office flop, is now the No. 1 movie on Netflix

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2020
Through Night And Day opened in cinemas on November 14, 2018, but it was pulled out after three days because nobody was watching. Two years later, the film starring Alessandra de Rossi and Paolo Contis, is now the No. 1 movie and series in Netflix Philippines.
Article Summary

 

 

Finally, number one na ang Through Night and Day sa Top 10 movies at series ng Netflix Philippines.

Ito ay dahil sa word of mouth na maganda at must-watch ang pelikula na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.

Common denominator ng lead stars ng pelikula ang pagiging half-Filipino at half-Italian.

Pinupuri ng Netflix viewers ang kuwento ng Through Night and Day at ang pagganap nina Paolo at Alessandra.


Continue reading below ↓

Ipinalabas sa mga sinehan ang pelikula noong November 14, 2018. Pero hindi ito sinuportahan ng moviegoers kaya na-pull out tatlong araw matapos magbukas sa mga sinehan.

Hindi solo nina Paolo at Alessandra ang kredito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Malaki ang kontribusyon sa Netflix success ng Through Night and Day ang mahusay na direksiyon ni Veronica Velasco at ang magaling na pagkakasulat ni Noreen Capili sa script.

Si Veronica ang direktor ng 2006 critically-acclaimed movie na Inang Yaya, samantalang si Noreen ang scriptwriter ng ilang mga TV shows gaya ng Daddy’s Gurl at Ang Probinsyano.


Continue reading below ↓

(Left) Director Veronica Velasco with lead actress Alessandra de Rossi; (right) Noreen Capili, the scriptwriter of Through Night And Day

THROUGH NIGHT AND DAY SCRIPT

Idea ni Alessandra ang kuwento ng Through Night and Day, pero ipinagkatiwala niya kay Noreen ang pagsusulat sa screenplay ng pelikula nila ni Paolo.

Sa mga hindi nakakaalam, hindi lamang pag-arte at pagkanta ang mga talent ni Alessandra dahil marunong din siyang magsulat ng screenplay.

Pinatunayan niya ito sa 12, ang love story movie na tinampukan nila ni Ivan Padilla at ipinalabas sa mga sinehan noong November 2017.

Sa pamamagitan ng Twitter, ikinuwento ni Alessandra kung paano nabuo ang script ng Through Night And Day:

"Ako dapat magsusulat ng TNAD dahil buo naman na yung kuwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay Noreen dahil idol/mentor/BFF ko s’ya.

"Our writer Noreen ay nagka-aneursym 10-years ago. Na-coma siya.

Continue reading below ↓

"Writer namin s’ya sa soap at dinalaw ko s’ya at doon kami naging close kaya perfect s’ya magsulat nu’n kasi may kilala s’yang neurosurgeon.

"Nagpa-sched pa ng check up kunwari para mag-fish ng info. Iba!”

PULLED OUT FROM THEATERS

Ikinuwento naman ni Noreen na nakiusap pa siya sa kanyang mga kaibigan na panoorin ang Through Night and Day nang i-release ito sa mga sinehan dalawang taon na ang nakalilipas.

Continue reading below ↓

"Tapos tinatanong pa ako bakit daw nagpakalbo si Alex. Ngayon alam nyo na. Salamat, Philippines!

"Two years ago, pinalabas yung Through Night and Day, and after 2-3 days, na pull out sa sinehan dahil walang nanonood.

"Kahit may word of mouth sa ilang nakanood, at nagpa-block screening pa yung isang actor-host na walang kinalaman sa movie, nagustuhan lang talaga niya. Waley.

"Sa mga mall sa VisMin, hindi umabot ng weekend, tinanggal na sa sinehan. Yung mga kaibigang gustong humabol ng screening, sa UP Film Center na lang nakanood."

Patuloy ni Noreen, "I’m just glad na dahil sa Netflix, madami na nakakanood at nakaka-appreciate sa Through Night and Day.

"I will always be grateful to Alessandra sa napakagandang concept at story. And for entrusting her baby to me para isulat. And for bringing me to Iceland for free.

"Hindi ko alam kung makakasulat pa ako ng ganito in the future. Nabuhos ko na lahat dito sa Through Night and Day."

Continue reading below ↓

Co-production venture ng OctoArts Films at Viva Films ang Throught Night Day kaya tuwang-tuwa si Cat Ilacad, anak ni Octoarts Films producer Orly Ilacad.

"Finally, Through Night and Day is getting the recognition it truly deserves," sabi ni Cat.

Malakas ang impact ng eksena at ng last song syndrome ng "I Will Be Here" na inawit nina Paolo at Alessandra sa pelikula.

Mula nang mag-umpisa ang streaming nito sa Netflix, biglang tumaas ang Youtube views sa official music video ng Through Night and Day.

May mga request ding i-guest ang dalawa sa mga TV show at muling ipakanta sa kanila ang "I Will Be Here."

MORE PEP GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through Night And Day opened in cinemas on November 14, 2018, but it was pulled out after three days because nobody was watching. Two years later, the film starring Alessandra de Rossi and Paolo Contis, is now the No. 1 movie and series in Netflix Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results