Remember when Alessandra de Rossi could only dream of going to this country?

by Rommel R. Llanes
Jul 15, 2020

Sabi ni Alessandra de Rossi sa kanyang "PEP Challenge: Fast Five" nung 2017, dream destination niya ang bansang Iceland.

Hindi na siya nagbigay ng detalye kung bakit ang bansang ito ang gusto niyang puntahan.

Kailangan kasing sagutin ni Alex (palayaw ni Alessandra) ang limang tanong na ibinigay sa kanya ng video team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng isang minuto.

Ang limang tanong ay 1) What is your spirit animal? 2) Ano ang embarrassing thing about yourself na gustung-gusto mo namang ginagawa? 3) Ano ang pinakamahirap na portrayal mo? 4) Ano ang dream destination mo? 5) What is your dream role?

Natupad naman ang pangarap niyang makarating ng Iceland.

Ilang buwan kasi matapos ang kanyang PEP Challenge ay ginawa niya ang pelikulang Through Night And Day na ang location ay Iceland.

Kasama niya sa pelikula ang kapwa half-Italian na si Paolo Contis. Ipinalabas ang Through Night And Day sa mga sinehan sa Pilipinas nung Nobyembre 2017.

Continue reading below ↓

Nakadalawa hanggang tatlong araw lang ito sa mga sinehan at na-pull out na dahil hindi masyadong tinangkilik sa kabila ng magagandang reviews nito.

Pero ngayong 2020, in-upload sa online streaming platform na Netfilx Philippines ang Through Night And Day at nag-number one pa sa trending movies/series ng streaming platform.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Habang ginagawa ang article na ito'y kabilang pa rin sa top 10 trending movies/series ang pelikula.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results