John Estrada recalls Andi Eigenmann's fall while filming Tragic Theater

John Estrada (left) witnessed Andi Eigenmann's fall while they were shooting an exorcism scene for Tragic Theater: "Talagang nightmare sa amin 'yun. Akala nga namin hindi namin matatapos ang pelikula." This horror film is directed by Tikoy Aguiluz (middle).


Ang Tragic Theater ay ang unang pelikulang ipinapalabas ng Viva Films this January 2015.

Kasama sa horror film na ito sina Andi Eigenmann, John Estrada at Christopher de Leon, sa ilalim ng direksiyon ni Tikoy Aguiluz.
Binigyan ng "X" rating ng Movie and Television Review and Classification Board ang first two versions ng trailer nito. Ano ang masasabi ni John tungkol dito?
Pahayag niya, "Nakakalungkot din, kasi alam naman natin na si Direk Tikoy Aguiluz ay isang direktor na ayaw ding mag-compromise, 'di ba?
"Kung ano ang nagawa niya, kung ano ang gusto niya, yun ang ipapakita niya talaga.
"We have rules, we have laws, 'pag sinabi nilang ie-X nila, ie-X na nila.
"But I' m sure naman na si Direk Tikoy ay kayang -kaya niyang..."
Sa palagay niya, bakit kaya nabigyan ito ng X rating?
Tugon niya, "Honestly, this is my first horror movie, kids love horror movies.
"I don't know why, kung ano ang ini-X sa isang horror movie, medyo nakakalungkot din."
Samantala, pari ang role ni John sa Tragic Theater at first time pala niya ito sa isang pelikula.
Ayon kay John, "Ibang-iba ito sa mga role na nagawa ko.
"I played priests before sa TV pero hindi kasing haba ng exposure ko dito sa movie.
"This one kasi is a full-length movie and nakakapanibago sa una.

"Pero, siyempre, you have to put yourself into your character, okay naman."

Ang Tragic Theater ay hango sa libro ni G. M. Coronel na base sa trahedya na nangyari noon habang itinatayo ang Manila Film Center.



ON ANDI'S FALL. Sa hiwalay na panayam ni John sa Umagang Kay Ganda, kinuwento ng aktor ang tungkol sa nangyaring aksidente kay Andi sa set ng Tragic Theater.

"Yung eksena na 'yon supposedly napasukan na siya [referring to Andi] ng masamang ispiritu tapos nagle-levitate na siya.

"Nung nagto-throw lines kami nung rehearsal--kasi yung masamang ispiritu may Latin words so nagbabatuhan lang kami ng linya--nung sinabi ni Direk Tikoy na iakyat na si Andi naka-harness, akalain mong napatid yung harness siguro mga 15 to 18 feet. Talagang hulog si Andi."

Dagdag pa ni John: "Talagang nightmare sa amin 'yun. Akala nga namin hindi namin matatapos ang pelikula."


(To learn more about Andi's freak accident on the set, CLICK HERE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN