FDCP chair Liza Dino removed as MMFF Executive Committee member

MMDA and MMFF Chairman Danilo Lim writes a letter to FDCP Chairman Liza Dino informing her about MMFF's removal of Liza's membership as part of its Executive Committee.
PHOTO/S: Mark Atienza / MMFF

Tinanggal sa puwesto si Liza Diño bilang isa sa miyembro ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival.

Nanggaling ang utos mula kay Metro Manila Film Festival Chairman Danilo Lim, na siyang nakapirma sa sulat na ipinadala kay Liza, noong Martes, July 21, 2020.

Ang nakatalagang overall MMFF chairman ay kung sinumang nakaupong chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang government agency na may hawak ng Filipino-films-only festival kada Disyembre.

Sa sulat naman na ipinadala ni Lim kay Liza, taong 2016 pa raw nang unang gumawa ng hakbang si Liza para mailipat sa FDCP ang pamamahala ng MMFF.

At bilang miyembro ng MMFF Executive Committee, inasahang dedepensahan ni Liza ang film festival imbes na akusahan itong may kinalaman sa mga kontrobersiyang naganap.

Ayon pa kay Lim, “no longer tenable” ang membership ni Liza sa Executive Committee dahil ang mga hakbang daw ng FDCP chairman ay “inimical to MMFF and reek of conflict of interest.”

Continue reading below ↓

Matatandaang sa Facebook post ng MMDA spokesperson na si Celine Pialago noong July 20, ipinakita nito ang kopya ng umano'y proposal ni Liza na ilipat sa FDCP ang MMFF. Naka-address ang undated letter sa Office of the President.

Ang buwelta ni Pialago sa kanyang caption, “Ang MMFF nga po belongs to MMDA.”

Taong 2017 nang maging opisyal na miyembro si Liza ng MMFF Executive Committee. Ito rin ang taon kung saan na-appoint si Lim bilang MMDA chairman.

August 2016 naman nang ma-appoint si Liza bilang chairman ng FDCP.

Nag-iwan na ng mensahe ang PEP.ph kay Liza para hingin ang kanyang sagot tungkol sa sulat ni Lim.

At press time, hindi pa nakakatanggap ng reply ang PEP.ph mula kay Liza.

DANILO LIM’S LETTER TO LIZA DIÑO

Ito ang nilalaman ng sulat ni MMFF Chairman Danilo Lim para kay FDCP Chairwoman Liza Diño-Seguerra tungkol sa kanyang pagkakatanggal bilang miyembro ng MMFF Executive Committee:

Continue reading below ↓

“Dear Ms. Diño:

“We write in connection with you membership in the Executive Committee of the Metro Manila Film Festival (MMFF).

“As early as 2016, you already made efforts to transfer management of MMFF from Metro Manila Development Authority (MMDA) to Film Development Council of the Philippines (FDCP). You even wrote a letter to Malacañang asking for extension of festival period for MMFF and to transfer chairmanship of MMFF from the undersigned to you. You even directly accused MMFF of being involved in controversies, an institution to which you supposedly belong and as a member of the Executive Committee should be defending. Recent events and information coming to our office indicate that you have not given up on your dream to take over the chairmanship of MMFF and to take it away from MMDA and is actively pursuing the same.

“We honestly believe therefore that your membership in the Executive Committee is no longer tenable as your actions are inimical to MMFF and reek of conflict of interest. We regret not your removal from MMFF but rather that it has come this far. After your first botched attempt to transfer administration of MMFF to you and your office, we were expecting you to resign out of delicadeza. For this reason, we would like to inform you that we have decided to withdraw your appointment as a member of the Executive Committee.

Continue reading below ↓

“Thank you and best regards.”

MORE STORIES ABOUT MMFF

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMDA and MMFF Chairman Danilo Lim writes a letter to FDCP Chairman Liza Dino informing her about MMFF's removal of Liza's membership as part of its Executive Committee.
PHOTO/S: Mark Atienza / MMFF
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results