Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Liza Diño denies lobbying for transfer of MMFF management from MMDA to FDCP

by Gorgy Rula
Jul 26, 2020
FDCP Chairperson Liza Diño: “It is within the mandate of FDCP to handle festivals like MMFF. Nasa FDCP ang mandato para i-handle ang mga film festivals, especially the national film festival that involves public funds. May legal mandate ang FDCP to handle film festivals.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Itinanggi ni Liza Diño ang usap-usapang nagla-lobby sila ng asawang si Ice Seguerra sa Kongreso para mapunta kay Liza ang pagpapatakbo ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

“In what way?” sabi ni Liza, ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa panayam namin sa kanya sa DZRH noong Biyernes, July 24.

Paglilinaw ni Liza, ang nila-lobby nila ngayon sa Kongreso ay ang Eddie Garcia Bill.

“Yung Eddie Garcia Bill ay naglalayon para protektahan ang ating manggagawa, para bigyan sila ng magandang working conditions, at protektahan para sa mga workers natin.

“Kung meron kaming talagang nila-lobby sa Congress ngayon… not only lobbying, but it’s being discussed in the committee hearings right now.

“At may pangako sa atin na, by September, mapapasa itong bill na to at talagang mabibigyan talaga ng karampatang proteksiyon ang ating manggagawa.”

Pumanaw si Eddie noong June 20, 2019, ilang linggo matapos maaksidente ang respected veteran actor sa taping ng isang teleserye ng GMA Network.

Continue reading below ↓

Nagulat daw si Liza na muling lumabas ang letter-proposal niya sa MMDA na isinulat noong 2017. Dito ay nakasaad ang mungkahing ilipat ang pamamahala ng MMFF sa FDCP.

Ayon kay Liza, hindi napag-usapan ang tungkol dito sa Malacañang at sa MMDA.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero interesado pa rin ba siyang i-handle ng FDCP ang MMFF?

Sa tugon ni Liza ay nasa agenda pa rin niya ito.

Sabi ng FDCP chairperson: “It is within the mandate of FDCP to handle festivals like MMFF.

“Nasa FDCP ang mandato para i-handle ang mga film festivals, especially the national film festival that involves public funds. May legal mandate ang FDCP to handle film festivals.”

Pero sa ngayon, ayaw raw niyang palakihin ang usaping ito dahil gusto niyang magkausap sila ni MMDA Chairman Danny Lim.

REMOVED FROM MMFF EXECUTIVE COMMITTEE

Tinanggal ni Lim si Liza bilang miyembro ng MMFF Executive Committee dahil sa iyung ito.

Tatanggapin daw ni Liza nang maluwag ang desisyon ng MMFF ExeComm.

Continue reading below ↓

“Kung yun ang magiging desisyon ng MMFF, tatanggapin namin nang maluwag yun.

“Pero sa bawat desisyon na ganito, dapat may proseso tayong sinusunod.

“Siyempre, ang FDCP ay ahensya ng gobyerno na nagri-represent ng film industry sa Executive Committee ng MMFF.

“So, kung wala tayong prosesong sinusunod at sabihin at puwede nang magtanggal ng kahit sino, it gives other…how can we be assured na may due process sa ganitong bagay?” saad niya.

Patuloy ni Liza, “So, we wanna know what is the process para magkaroon ng ganitong desisyon?

“Meron bang inquiry na nangyayari? Kasi, wala kaming na-receive na sulat. Wala kaming na-receive na formal letter to hear our side.

“I think, kailangan yun. It’s not just because... hindi dahil gusto naming mag-stay o gusto naming manatili dun.

“Saka honestly, the MMFF Executive [post] is an invitation. Every year, ini-invite kami. Hindi ito appointment. Iniimbita kami every year.

“Kumbaga, nasa FDCP kung u-oo kami o hindi, and tinatanggap po namin ang imbitasyon na yun.

Continue reading below ↓

“Kasi naniniwala po kami na ang MMFF ay napaka-instrumental pa rin para sa kaunlaran ng Pelikulang Pilipino.”

Sa panahon ngayon, ayon din kay Liza, meron pang mas mahalagang dapat pag-usapan at ayusin kesa isyu niya sa MMFF.

“Ang daming mas kailangang asikasuhin para sa industriya.

“The workers—from financial support, to protection at work to their mental health.

“Producers—from funding, to platforms para ipalabas ang pelikula nila.

“Cinemas—how can we gain consumer confidence para manood ulit ng pelikula?

“These are the priorities of FDCP at the moment,” sabi ni Liza sa ipinadala niyang text message sa PEP.ph.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chairperson Liza Diño: “It is within the mandate of FDCP to handle festivals like MMFF. Nasa FDCP ang mandato para i-handle ang mga film festivals, especially the national film festival that involves public funds. May legal mandate ang FDCP to handle film festivals.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results