FDCP, DOLE, DOH issue statement on safety protocols for production shoots following industry questions

by James Patrick Anarcon
Jul 31, 2020
DOH, FDCP, and DOLE release joint statement about its controversial Joint Administrative Order (JAO) covering safety and health protocols for TV, film, and other audiovisual productions. FDCP chair Liza Diño (in photo) seems to be at cross-purposes with industry stakeholders.
PHOTO/S: File

Nauna nang may mga kuwestiyon sa lawak at sakop ng health and safety protocols na ipinapatupad sa industriya ng pelikula, telebisyon, at ibang audiovisual productions.

Nakapaloob ang mga protocols na ito sa isang Joint Administrative Order (JAO).

Ngayon ay naglabas ng joint statement ang Department of Health, Department of Labor and Employment, at Film Development Council of the Philippines tungkol sa inilabas nilang JAO.

Sa joint statement ng tatlong ahensiya ng gobyerno kagabi, July 30, ipinaliwanag ang punto ng JAO para sa iba’t ibang sector at organisasyon ng TV and film industry.

Si Liza Diño ang kasalukuyang chairperson ng FDCP. Si Secretary Silvestre Bello III ang secretary ng DOLE, habang si Secretary Francisco Duque ang appointed secretary ng DOH.

Unang naglabas ng post-ECQ safety protocols ang FDCP noong May 16, 2020 para sa mga nagpa-planong mag-resume ng film and other audiovisual production shoots sa panahon ng general community quarantine.

June 7, 2020 naman nang ilabas ng FDCP ang JAO o memo na kabahagi ang Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Continue reading below ↓

June 27, 2020, naglabas ang FDCP ng isa pang memo na naglalaman ng mga industriyang kailangang magparehistro sa FDCP sa pag-resume ng production shoots.

Kabilang dito ang film, TV, corporate AVP, animation, live events, at audio-visual content sa online platforms.

Nauna nang nagkuwestiyon ang Philippine Motion Picture Producers Association (PMPPA) sa paglabas ng FDCP ng post-ECQ protocols para sa kanila.

Ang PMPPA, na pinamumunuan ng former Star Cinema managing director na si Malou Santos, ay kinabibilangan ng 22 film producers.

Sabi ng PMPPA, nagkasundo na ang film producers at ibang industry stakeholders na ang itinalagang safety protocols ng Inter-Guild Alliance ang kanilang susundin.

Ang Inter-Guild Alliance ay binubuo ng mga grupo mula sa iba't ibang sektor ng film industry.

Noong Miyerkules, July 29, sinabi ni Senator Tito Sotto na ang FDCP ay “going overboard” na sa kanyang mandato.

Si Senator Sotto ang principal author ng Republic Act 9167 na nagbuo sa FDCP.

Continue reading below ↓

Iginiit naman sa bagong labas na joint statement ng DOH, DOLE, at FDCP, na ang JAO ay isang government issuance para sa public health at safety standards ng production shoots.

Ito raw ay dapat sundin ng production outfits upang siguraduhin ang proteksyon at kaligtasan ng film and audiovisual workers habang may pandemya.

Ipinaliwanag rin ng DOH, DOLE, at FDCP ang mandatong ibinigay sa kanila para maglabas ng protocols sa pagre-resume ng shooting ng mga palabas sa telebisyon, pelikula, at iba pang uri ng audio-visual productions.

FDCP statement

Continue reading below ↓

MANDATE TO PROVIDE PROTOCOLS

Unang ipinaliwanag ng DOLE, DOH, at FDCP ang kanilang mandato, na nagbibigay daw sa kanila ng kapangyarihang magpatupad ng protocols.

Nakatalaga sa mandato ng DOLE na ito ay mag-provide ng ligtas, disente, at improved working conditions and environment para sa lahat ng manggagawa.

Ito rin daw ay nakasaad sa Occupational Safety and Health (OSH) Standards Act, kung saan dapat siguraduhin ng DOLE na ligtas at maayos ang workplace ng mga trabahador.

Samantala, ang DOH naman ay nag-issue ng public health standards, kabilang na ang “sector-specific health guidelines,” upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Ayon sa statement, kasali sa JAO ang inputs ng DOH para sa minimum public health standards upang makasiguro sa kaligtasan ng film and audiovisual workers.

Ang FDCP, bilang ahensya na nagke-cater sa industriya ng pelikula, ang nag-provide ng recommendations habang binubuo ang JAO.

Ang FDCP din daw ang nakikipag-coordinate sa DOLE at Local Government Units (LGUs) para makasigurong nagko-comply ang production shoots sa safety protocols.

Continue reading below ↓

FDCP

FDCP

Continue reading below ↓

COVERAGE OF JAO

Ipinaliwanag din sa statement ang scope at coverage ng JAO.

Saad ng tatlong ahensya, ang protocols sa JAO ay para sa kahit na anong klase ng produksyon na physically present ang industry workers.

Paliwanag pa sa statement, “Regardless of the format (film, TV show, advertising, etc) as long as workers are physically present in a production site to shoot content, they must subscribe to the JAO’s safety and health guidelines.”

Hindi raw covered ng JAO ang online video conference meetings o virtual events, kung saan ang mga tao ay nagi-interact lang sa pamamagitan ng “virtual environment” gaya ng Zoom o Skype.

Sinabi rin nitong kahit film industry lang ang kino-cover ng FDCP, ang DOLE at DOH naman ang nagko-cover sa lahat ng sectors na pareho ang nature sa film industry sa conduct ng production shoots.

FDCP

Continue reading below ↓

REPORTORIAL REQUIREMENTS

Isa sa mga nakasaad sa JAO ang pag-report sa FDCP at DOLE pitong araw bago magsimula ang isang production shoot.

Paliwanag ng DOLE at FDCP sa statement, additional requirement ang pag-report ng production shoots, pero hindi raw kailangang aprubahan ng dalawang ahensya para sila makapagsimula.

Magsisilbi lamang daw itong notification para ma-monitor ang pag-comply ng bawat produksyon sa safety standards and protocols.

Ang report din dawn ang magbibigay ng sapat na panahon para makipag-coordinate ang mga ahensya sa LGUs, na siyang magko-conduct ng inspections sa production sites para matiyak na compliant ang produksyon sa Occupational Health and Safety Standards.

Dagdag pa sa statement, ang submission ng reports sa FDCP, sa pamamagitan ng Safe Filming Program nito, ay hindi dapat tignan bilang isang form of request for permission, kundi para lang mabigyan ang ahensya ng impormasyon para makapag-conduct ng monitoring at contact tracing.

Hindi rin daw kasama ang scripts sa reportorial requirements dahil wala raw intension ang DOLE, DOH, at FDCP mag-censor ng mga palabas.

Continue reading below ↓

Ang impormasyon lang daw na kailangang isumite ay para sa inspection ng DOLE at contact tracing ng DOH sakaling magkaroon ng COVID-19 cases sa production site.

FDCP

FDCP

Continue reading below ↓

CONSULTATIONS DURING THE DRAFTING OF JAO

PANIG NG TATLONG AGENCIES. Hindi daw totoo ang hinaing ng film workers at producers na hindi nagkaroon ng sapat na consultation ang DOH, DOLE, at FDCP habang ginagawa ang JAO.

Nakalagay sa statement na stakeholders ang kinonsulta ng FDCP habang sinusulat ang protocols.

Paliwanag ng statement, “From April 23 to June 5, 2020, several meetings were held by the Agencies to consult and relay the proposed protocols for the JAO.

“FDCP also duly transmitted proposed written recommendations and protocols from stakeholders for the review and consideration of DOH and DOLE. Official comments on the same were also transmitted back to the stakeholders.”

In-incorporate din daw sa JAO ang recommended protocols ng Inter-Guild Alliance.

PANIG NG 22 FILM PRODUCERS. Matatandaan namang sa statement ng PMPPA (Philippine Motion Pictures Producers Association) noong May 24, sinabi nilang may gawa nang safety protocols para sa industriya.

Ang safety protocols ay binuo ng Inter-Guild Alliance, na kinapapalooban ng maraming grupo ng iba't-ibang sektor sa industriya, kasama ang PMPPA.

May 16 ipinasa ang kopya ng safety protocols ng Inter-Guild Alliance sa Inter-Agency Task Force.

Continue reading below ↓

Ang IATF ang lead group ng mga sangay ng gobyerno na bumubuo ng quarantine protocols para sa buong bansa.

May 18 nang isapubliko ng Inter-Guild Alliance ang safety protocols na nabuo ng grupo.

Naunahan naman ng FDCP ang Inter-Guild Alliance sa paglabas ng public advisory.

Inilathala ng FDCP ang memo na naglalaman ng "Interim Guidelines On Safety Protocols" para sa film at audio-visual production shoots noong May 16.

Hindi naman nililinaw ng FDCP kung bakit tila iba pa ang tinatakbo nito sa initiative ng Inter-Guild Alliance.

Lalo na't may panawagan ang gobyerno sa private sectors na magbuo ng kanilang safety protocols na naaayon sa IATF guidelines.

FDCP

Continue reading below ↓

Isa iyon sa malaking hinaing ng PMPPA.

Dapat daw payagan ang industry players mag-develop ng kanilang safety protocols dahil buhay nila ang nakasalalay dito.

Basta alinsunod ang mga protocols sa "public health standard" ng DOH at ibang iwas-COVID policies ng gobyerno.

Ang direktiba raw ng DOH ang sinunod ng grupo ng film producers.

Ayon pa sa PMPPA, malinaw ang mandato ng DOH na kailangang isumite sa ahensiya nito at sa IATF ang safety protocols na napagkasunduan sa isang private sector.

Naiintindihan daw ng mga prodyuser na ito ay for "monitoring" and "compliance."

SAGOT MULI NG TATLONG AHENSIYA. Sabi naman sa July 30 statement ng DOLE, DOH, at FDCP, ine-encourage daw talaga ng goberyno ang implementation ng industry-specific protocols ng private sector.

Pero iginiit nitong kailangang alinsunod ang mga ito sa minimum standards at requirements ng JAO.

Sinabi rin ng tatlong ahensya sa kanilang statement na nilalayon lamang ng JAO maprotektahan ang workers sa pagbalik nila sa trabaho sa panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Ang DOH ang in charge sa pagu-update ng basic health and safety standards. Ang DOLE ang bahala sa inspections at penalties sakaling may lumabag sa protocols. At ang FDCP ang nag-aasikaso sa project registration at coordination sa LGUs, DOLE, at DOH ng bawat produksyon.

JAO OPEN TO REVIEW? BUT WHEN?

Sa huli, sinisiguro ng tatlong ahensya sa industry stakeholders na ang mga nakasaad sa JAO ay open to review “periodically,” at babaguhin kung kinakailangan.

Bukas rin daw ang DOH, DOLE, at FDCP sa mga proposal para sa “more comprehensive set of guidelines” para sa proteksyon at welfare ng film and audiovisual industry.

Tanong naman ng industry observers: Kung ganito kabukas ang mga ahensiyang nagbuo ng JAO, bakit hindi yata nila pinapakinggan ang Inter-Guild Alliance?

Lalo na't binubuo ang Inter-Guild Alliance ng maraming sektor sa industriya at nakapagbigay na ng kanilang proposed protocols sa IATF.

Kasi, kung totoong naisama ng JAO ang proposals ng Inter-Guild Alliance, bakit ayaw kilalanin ng Alliance ang JAO?

Continue reading below ↓

FDCP

FDCP

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng lahat ng personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DOH, FDCP, and DOLE release joint statement about its controversial Joint Administrative Order (JAO) covering safety and health protocols for TV, film, and other audiovisual productions. FDCP chair Liza Diño (in photo) seems to be at cross-purposes with industry stakeholders.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results