Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Senator Tito Sotto asks Liza Diño to suspend FDCP's post-ECQ guidelines for movie industry 

by Rachelle Siazon
3 days ago
Excerpt from (left) Senator Vicente Sotto III's letter to (right) FDCP Chair Liza Liza Diño: "While the purpose of the subject JAO is for the benefit of the stakeholders, it cannot erase the fact that it is beyond your agency's legal authority."
PHOTO/S: Senator Vicente Sotto III Facebook / Mark Atienza for PEP.ph

Sa gitna ng pandemya, patuloy ang matinding hidwaan ng film industry workers at stakeholders laban sa Film Development Council of the Philippines, na pinamumunuan ni Liza Diño.

Si Senator Vicente "Tito" Sotto III—isa sa framers ng R.A. 9167, ang batas na bumuo sa FDCP—ang latest na umalma sa inisyung post-ECQ guidelines ng FDCP para sa industriya.

June 7 nang ilabas ng FDCP ang isang joint administrative order (JAO) o memo na kabahagi ang Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinundan ito ng FDCP memo noong June 27, na nagsasabing sakop ng JAO ang production shoots ng film, TV, corporate AVP, animation, live events, at audio-visual content sa online platform.

Lahat ng mga ito ay kailangan daw magparehistro sa FDCP bago sumuong sa work resumption.

Ipinasususpinde ngayon ni Sotto kay Liza ang Joint Administrative Order (JAO) ng FDCP, DOLE, at DOH.

Nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng sulat ni Sotto kay Liza, pati na kina DOH Secretary Francisco Duque III at DOLE Secretary Silvestro Bello III.

Continue reading below ↓

Iisa ang mensaheng laman ng liham na may petsang July 29, 2020.

Sabi rito: "By reason of the foregoing, I hereby enjoin your agency to immediately suspend the implementation of the subject JAO until a common and desirable ground has been reached by your agency and all the stakeholders."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ani Sotto, wala umanong "legal authority" ang FDCP para pilitin ang movie at audiovisual industry na sundin ang post-ECQ guidelines nito.

Ang dahilan: Wala raw regulatory "powers and functions" na ibinigay ang gobyerno sa FDCP.

Ang primary purpose raw kaya itinayo ang FDCP ay para i-promote ang "development and growth" ng local film industry.

"While the purpose of the subject JAO is for the benefit of the stakeholders, it cannot erase the fact that it is beyond your agency's legal authority," diin ni Sotto.

Base sa post-ECQ guidelines, kailangan i-register sa FDCP ang lahat ng production shoots pitong araw bago ng actual shooting.

Continue reading below ↓

May registration form kung saan ilalagay ang contact details ng production company, complete cast and crew, date of shooting, location, call time, at wrap-up time ng proyekto.

May ipapataw na "administrative fines" at karampatang "legal action" sa mga hindi magko-comply sa post-ECQ guidelines, ayon din sa memo ng FDCP.

Sabi naman ni Sotto, sa halip na makatulong ang FDCP sa audiovisual sector ngayong pandemya, tila nakadadag pa ang mga panibagong utos nito sa "burden" ng audiovisual workers.

Hindi raw nasunod ang "empowerment" na siyang misyon ng FDCP sa larangan ng pelikula.

"As instead of unifying, it divides the industry; instead of letting the industry grow and develop, especially during this pandemic, the JAO pulls it down."

HOT STORIES

ALLEGED LACK OF CONSULTATION WITH STAKEHOLDERS

Kinuwestiyon din ng kasalukuyang Senate president ang tila hindi pagkonsulta ng FDCP sa stakeholders ng movie at audiovisual industry bago inilabas ang joint order ng FDCP, DOLE, at DOH.

Continue reading below ↓

"Second, assuming arguendo that your office has jurisdiction over the audiovisual sector, it seems that not all the affected parties were consulted, if one was even conducted, when the JAO was being drafted.

"As raised by the Prodyuser ng mga Pelikulang Pilipino sa Asya, Inc. (PMPPA) and the Inter-Guild Alliance, some of the provisions of the JAO are highly questionable and some not even applicable to them. If at the onset proper consultation was made, this issue will not arise."

Ang PMPPA ay binubuo ng 22 film companies, kabilang ang Star Cinema Production, Regal Entertainment Inc., Viva Communication Inc., Quantum Films Inc., Reality Entertainment, at The IdeaFirst Company.

Kasama rin ang MZET, OctoArts Films, GMA Films, APT Entertainment Inc., ALV Films Inc., Cineko Productions Inc., at Globe Studios Inc.

Pati na rin ang Spring Films Inc., TBA Studios, TREX Entertainment Prods Inc., Slick Pictures, Megavision Integrated Res. Inc., at Ten 17P.

Continue reading below ↓

Ang Inter-Guild Alliance naman ay isang organisasyon na binubuo ng 500 members mula sa iba't ibang sektor ng film industry.

Ipinunto ni Sotto na ang ang IGA ay may ginawang post-ECQ guidelines na suportado ng organisasyon ng film producers, dahil mas komprehensibo at akma raw ang draft ng IGA sa mga pangangailangan ng film workers.

"However, when this was brought to your attention, the drafted protocols were not considered in the very letter of the JAO; but instead, it was just appended to the subject JAO."

FILM PRODUCERS & FILM WORKERS' COMPLAINT VERSUS FDCP

Ilang buwan nang may sigalot sa pagitan ng PMPPA at FDCP.

Noon pang May 16, ipinasa ng Inter-Guild Alliance ang draft ng kanilang post-ECQ guidelines sa Inter Agency Task Force, ang lead group ng gobyerno sa pagbubuo ng quarantine protocols ng bansa.

Nagkasundo ang film producers at ibang industry stakeholders na ito ang kanilang susundin.

Pero inunahan daw ng FDCP ang IGA sa paglabas ng public advisory.

Continue reading below ↓

Noong May 16, inilathala ang FDCP interim safety protocols, habang May 18 naman isinapubliko ng IGA ang safety protocols na binuo ng grupo.

Noong May 24, kinuwestiyon ng PMMPA, grupo ng 22 film companies, ang mandato ng FDCP para mag-regulate sa movie industry.

Ilang film producers din ang personal na nagreklamo laban sa paglalabas ng FDCP ng sarili nitong bersiyon ng safety protocols nang wala raw sapat na konsultasyon sa stakeholders at workers.

Noong June 30, pati ibang industry stakeholders, tulad ng Film Workers Unite at Concerned Artists of the Philippines, ay naglabas na rin ng hinaing laban sa FDCP.

Ayon sa Film Workers Unite, "konsulta hindi dikta" ang dapat pairalin ni Liza.

Partikular dito ang panuntunan na kailangang irehistro sa FDCP ang lahat ng production shoots—kasama ang "online panel discussions" ng audivisual workers—pitong araw bago ng actual shoot.

Nakapaloob ito sa June 27 "Clarificatory Guidelines" ng FDCP.

Nito namang July 30 Joint Statement ng FDCP, DOLE, at DOH, itinanggi nitong kasama ang online panel discussions sa mga sakop ng JAO.

Hindi man kasama ang online discussions, tutol pa rin ang Concerned Artists of the Philippines sa tinatawag nitong mapanikil na post-ECQ guidelines ng JAO, partikular na ng FDCP.

Continue reading below ↓

"The expanded powers implied by such a broad range of oversight across different creative industries and activities opens it up to different interpretations, at a time when vague government rules are wielded in often whimsical ways."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excerpt from (left) Senator Vicente Sotto III's letter to (right) FDCP Chair Liza Liza Diño: "While the purpose of the subject JAO is for the benefit of the stakeholders, it cannot erase the fact that it is beyond your agency's legal authority."
PHOTO/S: Senator Vicente Sotto III Facebook / Mark Atienza for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results