Metamorphosis star Gold Azeron bares anew in "Ivan & Jack"

by Jerry Olea
Aug 5, 2020
Director Adolf Alix Jr. on directing Gold Azeron in "Ivan & Jack": “He is open to doing bold choices in terms of how he chooses his roles and we thank him for the trust.”

Mapangahas si Gold Azeron bilang intersex person na si Adam sa pelikulang Metamorphosis, kung saan tinanghal siyang best actor sa 15th Cinema One Originals filmfest noong Nobyembre 2019.

Nagkalat online ang video clip ng Metamorphosis kung saan wala siyang saplot sa ilog.

Nagkaroon pa ba siya ng agam-agam sa paghuhubad sa short film na “Ivan & Jack” na ikalimang episode ng Unlocked anthology ni Direk Adolf Alix Jr.?

“Wala po, kasi siguro, sanay na. Ha ha ha! Joke lang po,” tugon ni Gold nitong Hulyo 5, Miyerkules, via Messenger.

“Sa totoo lang po, medyo po. Pero na-handle ko naman po siya at dahil gusto ko ring mas mapaganda yung film.”

Sa “Ivan and Jack,” gumaganap si Gold bilang Ivan na nakikipag-video call sa mga bakla upang makaipon ng pera at mapauwi ang inang si Jack (Evelyn Vargas) na isang OFW.

Take note na ang mahalay na video call ay tinatawag na “viJACKol,” kaya ironic na Jack ang pangalan ng ina ni Ivan.

Continue reading below ↓

Mag-i-streaming ang “Ivan & Jack” simula Agosto 6, Huwebes sa Gagaoolala.


SHOOTING WHILE IN QUARANTINE

Kumusta ang shoot ng “Ivan & Jack” episode during quarantine?

“Okay naman po ang lahat, medyo nakakapanibago nga lang po mag-shoot nang quarantine,” saad ni Gold.

“Kasi, hindi siya yung nakasanayan natin. Of course, ngayon po, we always have to consider the safety of everyone on the set.

Continue reading below ↓

“Praying and looking forward po na matapos na ang pandemic na ito.”

How’s working with veteran actress Evelyn Vargas and award-winning Director Adolf?

“Siyempre, sobrang honored po ako na naka-work ko si Ms./Tita Evelyn Vargas and Director Adolf Alix Jr.,” pahayag ng 22-year-old actor.

“Ang gagaling po nila, sobrang bait and marami po akong natutunan from them, and especially po bagong acting skills.”

NAKED TRUTH & UNLOCKED

Tampok sina Gold Azeron at Adrian Lindayag sa Episode 6 (“Naked Truth”) ng Small Talk anthology, na in-upload noong Hunyo 20 sa YouTube channel ng TBA Studios.

Paano niya ikukumpara ang “Ivan & Jack” sa “Naked Truth” na isa ring short film na ang setting ay quarantine?

“The conversations both started from videocalling someone who’s a complete stranger,” lahad ni Gold.

“Ang pinagkaiba, iyong Naked Truth ay via Zoom namin ginawa and it’s all about finding someone with the deeper conversation.

“This short film in the Unlocked anthology, actual namin siyang ginawa, and it’s all about family.

Continue reading below ↓

“The story of ‘Ivan & Jack’ demonstrates the love of a son for his mother.

“Isa po ito sa maraming istorya na nangyayari sa bawat tao ngayong lockdown.

“Marami po sa atin ang humaharap sa pagsubok, depression o kung anu-ano pa during this pandemic.

“Kahit ano pa man iyan, ilapit po natin kay God. Walang imposible sa kanya.”

INSTINCTIVE ACTOR

Bumilib si Direk Adolf Alix Jr. sa husay ni Gold, lalo pa’t wala itong pag-iinarte sa maseselang eksena.


Continue reading below ↓

“Medyo mahirap ang role physically and emotionally pero Gold is a very instinctive actor,” paliwanag ni Direk Adolf.

“Hindi ako nahirapan to explain the requirements of the role. Alam niya yung mga kailangan para mapaganda ang material.

“He is open to doing bold choices in terms of how he chooses his roles and we thank him for the trust.”

Ang “Ivan & Jack” ang ikalima sa anim na episodes ng Unlocked anthology.

Nauna rito ang “Andrew & Brix” nina Markki Stroem at Mike Liwag, “Calvin & Drake” nina Oliver Aquino at Migs Almendras, “Eli & Frankie” nina Angeli Bayani at Angelina Kanapi, at “Greg & Harold” nina Joel Saracho at Ross Pesigan.

Panghuling episode ang psychological drama titled “Kyle & Kyle” about a writer (Adrian Alandy) na solo sa unit niya during quarantine and he starts seeing weird things.

Pahayag pa ni Direk Adolf, “Natutuwa kami sa feedback from the viewers from different parts of the world, and Unlocked has consistently been the most watched series sa GagaOOLala.

Continue reading below ↓

“Magkakaroon ng special one-time viewing ng Unlocked episodes 1-5 via Virtual Cinema ng ExtendTheLove para sa mga gustong mapanood ang lahat ng episodes.

“Details will be announced this week on how to register.”

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Adolf Alix Jr. on directing Gold Azeron in "Ivan & Jack": “He is open to doing bold choices in terms of how he chooses his roles and we thank him for the trust.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results