Rocco Nacino might co-host StarStruck revival; sees himself doing an indie comedy in 2015



Fruitful ang 2014 para kay Rocco Nacino hindi lang sa kanyang career kundi maging sa personal life din niya.


"Lots of improvement sa career.


"Happy ako sa way at sa pag-atake ko sa craft ko.


"I enjoy learning all the time. Dahil do’n I’m getting better roles.


"Like ‘yong character ko sa Hiram Na Alaala.


"Kahit may mahirap akong scenes na sobrang hirap gawin, I enjoy doing that.


"Ang dami kong blessings na natanggap nitong taon na ito so I’m looking forward to 2015 naman.


"It’s another year of surprises. So… ‘yon, looking forward."


Ano ang maituturing na most memorable na nangyari sa buhay niya in 2014, iyong one for the books?


"Love is sweetest kasi isa ‘yon sa mga naging inspiration to work harder.


"So enjoying my work and life with her, isa ‘yon.


"'Tapos ‘yong Europe trip namin.


"The projects I had this year, hindi ko rin makakalimutan.


"Dahil iyon ang naging paraan para maging mas magaling akong actor.


"The challenges that I got through with my projects, malaking bagay ‘yon for me to do better pa."


Gusto niyang makatrabaho ulit si Lovi sa isang TV show.


"Hopefully, yeah! Pinag-uusapan namin lagi ‘yan e sana matuloy."


Nasabi nga kamakailan ni Lovi na mas gusto niya na isang travel show ang pagsasamahan nilang dalawa.


"Yes, parehas kaming foodies, mahilig talaga kaming kumain.


"So gusto namin parang ganyan, that’s what we want to do.


"If there’s a show for us together, we would definitely want a travel show.


"Kung kami ang tatanungin… pero kung another teleserye or drama, why not?"


Excited din daw si Rocco sa pagbabalik ng Starstruck. Tinaguriang siyang Second Prince sa naturang artista search ng GMA-7.


"Ang alam ko, kasama ako, I might be helping out in hosting so sana matuloy.


"At sana kung ano nagawa ko throughout my years in showbiz, maging inspiration para sa mga bagong sasali."


Ano pa ang ibang aabangan sa kanya pagpasok ng taong 2015?


"Meron akong dalawang indie film na gagawin sa January pero hindi ko pa puwedeng sabihin ang detalye.


"I’m excited sa dalawang pelikulang ito kasi I’ll be working with very very good directors."


Pang-award kaya kagaya ng indie movie na ginawa niya with Paulo Avelino, ang Sayaw Ng Dalawang kaliwang Paa?


Nanalo kasi si Rocco bilang new Movie Actor sa PMPC Star Awards at Breakthrough Performance By An Actor din sa Golden Screen Awards ng Enpress para sa role niya dito.


"Hopefully, hopefully... ’Yong isang gagawin ko is a drama, the other one is romance comedy.


"So excited ako, natutuwa ako na laong gumaganda ang takbo ng career ko.


"It feels great… I look forward palagi to the learning, iyon naman talaga ang importante.


"And I’m happy na naa-acknowledge naman ang trabahong ginagawa ko.


"Sana nga mas gumaling pa ako.


"Gusto ko rin na ma-try gumawa ng action-drama talaga. I prefer to be versatile.


"Kahit ‘yong comedy, feeling ko kaya ko rin.


"When I’m with my friends, napapatawa ko naman sila," panghuling nasabi ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN