Netflix movie Love The Way U Lie will remind you of 1990 film Ghost

by Jojo Gabinete
Aug 20, 2020
(Left) Kylie Verzosa, Xian Lim, and Alex Gonzaga in the Netflix original film Love The Way U Lie; (right) Demi Moore, Patrick Swayze, and Whoopi Goldberg in the 1990 box-office hit movie Ghost.

Ang 1990 movie na Ghost, na pinagbidahan nina Demi Moore at Patrick Swayze, ang tiyak maaalaala ng Filipino film buffs kapag pinanood nila ang Love The Way U Lie.

Ang Love The Way U Lie ay ang Netflix original romantic-comedy movie nina Xian Lim at Alex Gonzaga na nagsimula ang streaming nitong Huwebes ng madaling-araw, August 20.

Sa Ghost, hindi makatawid sa kabilang buhay ang kaluluwa ni Sam (Patrick) dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang girlfriend na si Molly (Demi).

Nagkaroon ng pagkakataon si Sam na maiparating kay Molly ang kanyang mga nais sabihin sa pamamagitan ng pekeng psychic na si Oda Mae Brown (Whoopi Goldberg).

Hindi sinasadyang natuklasan ni Sam na naririnig ni Oda Mae ang lahat ng mga sinasabi niya.

Sa Love The Way U Lie, hindi makatawid sa kabilang buhay ang kaluluwa ni Sara (Kylie Verzosa) dahil sa matinding pagmamahal sa kanya ng asawang si Nathan (Xian).

Continue reading below ↓

Isang Filipino-Chinese clairvoyant si Stacey (Alex), na may puwesto sa mismong harap ng simbahan ng Quiapo.

Siya ang ginamit ng kaluluwa ni Sara para maiparating nito kay Nathan ang mensahe niyang "mag-move on" na.

Si Jeric Raval ang gumanap na Chinoy na ama ni Alex, at mga kapatid nito sina Gab Lagman at Abby Bautista.

Nangibabaw nang husto ang karakter ni Chad Kinis sa Love The Way U Lie dahil sa kanyang mahusay na pagganap.

Sina Chad at Kim Molina ang mga Chinoy cousin ni Alex sa pelikula.

Mapangahas ang direktor na si RC Delos Reyes dahil kinunan niya ang mga eksena ng Love The Way U Lie sa matataong lugar sa Maynila—Quiapo, Estero sa Binondo, Intramuros, at Jones Bridge.

For a change, ipinakita ni Delos Reyes sa pelikula ang kagandahan ng Maynila—mapa-umaga at gabi.

Ang Viva Films at Tincan Producuctions ang mga producer ng Love The Way U Lie.

Continue reading below ↓

Sa closing credits, malalaman ng viewers ang importanteng papel ni Toni Gonzaga sa Tincan Productions dahil nakalagay ang pangalan niyang Celestine Gonzaga Soriano bilang producer. May cameo role din siya sa pelikula.

May isang eksena sina Xian at Alex sa Love The Way U Lie na kinunan sa Jones Bridge.

Tila tribute sa Jones bridge scene nina Toni at Piolo Pascual sa Last Night, ang huling movie team-up ng dalawa noong 2017.

Dahil kasali si Kylie Verzosa sa cast ng Love The Way U Lie, hindi pwedeng walang special participation ang kanyang boyfriend na si Jake Cuenca.

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Kylie Verzosa, Xian Lim, and Alex Gonzaga in the Netflix original film Love The Way U Lie; (right) Demi Moore, Patrick Swayze, and Whoopi Goldberg in the 1990 box-office hit movie Ghost.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results