ABS-CBN confirms Darna is postponed indefinitely; Jane de Leon "deeply saddened"

by James Patrick Anarcon
Aug 21, 2020
Jane de Leon is "deeply saddened" when ABS-CBN "decides to postpone" production of Darna, her first starring role.
PHOTO/S: @imjanedeleon on Instagram / Star Cinema

Naglabas ng official statement ang ABS-CBN para sagutin ang balitang unang lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pelikulang Darna.

Ang Darna ang modern film adaptation na ipino-produce ng Star Cinema base sa sikat na Filipino superheroine na likha ng comics legend na si Mars Ravelo.

Ang newbie actress na si Jane de Leon ang napiling gumanap bilang Darna.

Ayon sa statement na inilabas ngayong Biyernes, August 21, mananatili ang rights sa paggawa ng Darna sa ABS-CBN.

Ito ay kahit na nagdesisyon ang pamunuan ng ABS-CBN “to postpone the film production indefinitely” dahil sa banta ng COVID-19.

Ang desisyong ito ay dumaan daw sa “careful deliberation” sa impact ng pandemiya sa paggawa ng pelikula at sa pagbukas ng sinehan.

Nakasaad din sa statement na sumusunod ang pamununan ng ABS-CBN sa protocols ng new normal sa mga shooting.

Subalit dahil sa requirements para sa pelikulang Darna na “complex logistics, crowd shots, and fight scenes that involve physical contact," mahihirapan ang produksiyon.

Continue reading below ↓

Sa huli, nagpasalamat ang ABS-CBN sa cast, staff, at production crew ng pelikula, pati na sa Ravelo family at sa fans ng Darna para sa kanilang suporta at pag-intindi sa desisyon ng ABS-CBN.

Narito ang kabuuan ng statement ng ABS-CBN:

Darna

JANE DE LEON REACTS TO POSTPONEMENT

Biyernes ng hapon ipinost ni Jane sa kanyang Instagram account ang statement ng ABS-CBN tungkol sa Darna.

Continue reading below ↓

"Deeply saddened" si Jane sa postponement ng Darna, subalit dapat daw talagang unahin ang safety ng lahat sa produksiyon.

Sabi niya sa kanyang caption, "I’m deeply saddened by the postponement of the Darna project. However, safety comes first as always. Thank you so much for the support & understanding. Let’s pray for everyone’s safety. God Bless!"

Continue reading below ↓

PEP SCOOP: ABS-CBN DROPS DARNA PROJECT

Noong August 17, 2020, inilathala ng PEP.ph ang balitang hindi na matutuloy ang paglipad ng Darna.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph mula sa isang reliable showbiz insider, “business decision” ito ng Star Cinema.

Ang Star Cinema ang isa sa subsidiaries ng ABS-CBN Films, ang film arm ng Kapamilya network.

Sinasabing “140 million” na raw ang inabot na kabuuang gastos ng Star Cinema para sa pelikula mula 2013.

Hindi binanggit sa statement ng ABS-CBN, na inilabas ng Integrated Corporate Communications nito, ang malaking isyu ng pera.

Sa August 17 report ng PEP.ph, nilagay din na “ino-offer as a TV series” ang Darna sa ibang networks.

Nagpadala umano ang ABS-CBN ng “feelers” sa GMA-7 at TV5 sakaling interesado ang alinman sa dalawa na bilhin ang rights para gawing serye ang Darna.

Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung nagkaroon na nga ng pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN at alinman sa rival networks nito.

Hindi rin binanggit ang bagay na ito sa ABS-CBN statement.

Continue reading below ↓

DARNA’S SEVEN-YEAR JOURNEY WITH ABS-CBN

Pitong taon na mula nang inanunsiyo ng ABS-CBN ang plano nitong gawin ang film adaptation ng Darna.

June 2013 nang makuha ng ABS-CBN ang rights ng Darna. Si Angel Locsin ang unang napiling gumanap para sa role, at si Erik Matti ang kinuha para mag-direk nito.

Noong October 2015, mahigit dalawang taon pagkatapos ng unang announcement, inanunsiyo ng ABS-CBN na hindi na matutuloy si Angel bilang Darna.

Ito ay dahil sa disc bulge na na-trigger sa spine ni Angel habang nagte-training para sa pelikula.

Noong September 2016, sinigurado ng noo’y Star Cinema managing director na si Malou Santos na si Angel pa rin ang gaganap na Darna.

Subalit tuluyan nang bumitiw si Angel sa proyekto noong 2017 pagkatapos muling sumakit ang likod niya nang dalawang beses after nitong bumalik sa kanyang physical training.

Ilang buwan makalipas ang anunsiyo ni Angel ay si Liza Soberano ang napiling gumanap bilang Darna.

Continue reading below ↓

Noong October 2018, inanunsiyo ng ABS-CBN na hindi na si Erik Matti ang direktor ng Darna.

“Creative differences” ang nakalagay na dahilan sa official statement ng ABS-CBN.

Sa parehong buwan, inanunsiyo ng ABS-CBN na si Jerrold Tarog ang napiling bagong direktor ng Darna.

Noong April 2019, napilitang bumitiw si Liza bilang Darna.

Ito ay dahil sa “finger bone fracture” na kanyang natamo habang ginagawa ang epic fantasy series na Bagani.

Ilang buwang sumailalim si Liza sa initial surgery at therapy para sa kanyang fracture, subalit hindi ito tuluyang gumaling.

Noong May 2019, nagsagawa ang ABS-CBN ng auditions para sa Darna, at si Jane de Leon ang napili noong June 15, 2019.

Ang pagkakapili kay Jane ay opisyal ng inanunsiyo ng ABS-CBN noong July 17, 2019.

Nagsimula nang mag-rolyo ang camera para sa Darna.

Kasama ni Jane rito si Paulo Avelino bilang kanyang leading man.

Sa isang Facebook Live ni Jerrold Tarog, binanggit niyang naka-16 shooting days na ang Darna.

Continue reading below ↓

Naka-schedule rin daw na i-shoot ang isang big fight scene ni Jane noong “end of March,” subalit hindi ito natuloy dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).

DARNA NEEDS ANOTHER PHP100 MILLION TO BE COMPLETED

Sinabi ng isang industry insider sa PEP.ph na lumobo na sa PHP140 million ang kabuuang nagastos ng Star Cinema para sa Darna.

Umpisa pa lang ay malaki na talaga ang nakalaang budget sa proyekto dahil "all in" ang gagawing effects para sa pelikulang may halong fantasy, action, at drama.

Sinasabing “PHP20M” na ang nagastos para sa preparasyon ng produksiyon noong si Angel pa ang Darna.

Umabot naman ng “PHP70M” ang expenses nang si Liza ang sumalang bilang Darna.

Kasama na rito ang ilang shooting days ni Liza sa pamumuno ni Erik Matti.

Subalit hindi na magagamit ang mga materyal na natapos dahil nagpalit na ng bida ang pelikula.

Mga “PHP50M” naman ang nagastos sa preparasyon at pagsisimula ng movie production nang si Jane na ang Darna.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ng PEP.ph insider na kakailanganin pa ng karagdagang "PHP100M" para matapos ang pelikula.

Ang problema, mahihirapan na raw makabawi kung aabot ng PHP240M ang gastusin sa produksiyon.

Isa rin daw malaking challenge para sa ABS-CBN ang pag-push kay Jane bilang title roler at star material.

Ito ay dahil sa kulang na ang machinery ng ABS-CBN ngayong hindi umeere ang network sa free TV at radio.

Ayon sa insider, ang desisyong ialok bilang TV series ang Darna sa rival networks ay para mabawi ng ABS-CBN ang nagastos nito sa pelikula.

Noong May 4, 2020, nag-expire ang 25-year franchise ng ABS-CBN.

Kinabukasan, May 5, 2020, nag-issue ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission, dahilan upang mahinto ang broadcast operations ng network.

Nag-apply ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, pero ipinagkait ito ng Kongreso noong July 10.

MORE STORIES ABOUT DARNA

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon is "deeply saddened" when ABS-CBN "decides to postpone" production of Darna, her first starring role.
PHOTO/S: @imjanedeleon on Instagram / Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results