Jerrold Tarog says ABS-CBN statement on Darna postponement is “long-delayed announcement”

by James Patrick Anarcon
Aug 25, 2020
Jane de Leon (left) was "doing really, really good" as Darna, says director Jerrold Tarog (right), who also says he had shot enough for "40 minutes of rough cut" for the movie when filming stopped.
PHOTO/S: @imjanedeleon on Instagram

“Long-delayed” ang anunsiyo ng ABS-CBN sa pasya nitong i-postpone ang produksyon ng pelikulang Darna "indefinitely."

Ito ay ayon sa direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog.

Base ito sa kanyang tweet noong Sabado, August 22, pagkatapos niyang i-retweet ang statement ng ABS-CBN.

Biro pa niya, “somewhat delayed tweet” daw ang kanyang post dahil noong Biyernes, August 21 pa inilabas ng ABS-CBN ang Darna statement.

Continue reading below ↓

Ang Darna ang modern film adaptation na ipino-prodyus ng Star Cinema base sa sikat na Filipino superheroine na likha ng comics legend na si Mars Ravelo.

Ang ABS-CBN newbie na si Jane de Leon ang napiling gumanap bilang Darna.

Ang statement ng ABS-CBN ang nagsilbing sagot sa balitang inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa Darna.

Ayon sa statement, nagdesisyon ang pamunuan ng network “to postpone the film production indefinitely," nguni't mananatili raw ang rights ng Darna sa ABS-CBN.

Ang desisyon ay dumaan daw sa “careful deliberation” sa impact ng kasalukuyang pandemiya at safety protocols sa paggawa ng pelikula.

Kasama na rito ang requirements ng pelikulang Darna na “complex logistics, crowd shots, and fight scenes that involve physical contact” kung saan mahihirapan ang produksiyon.

Agad naman itong ini-repost ni Jane sa kanyang Instagram account, at nagsabing “deeply saddened” siya sa pangyayari.

PEP SCOOP: ABS-CBN DROPS DARNA PROJECT

Noong August 17, 2020, inilathala ng PEP.ph ang balitang hindi na matutuloy ang paglipad ng Darna.

Continue reading below ↓

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph mula sa isang reliable showbiz insider, “business decision” ito ng Star Cinema.

Ang Star Cinema ang isa sa subsidiaries ng ABS-CBN Films, ang film arm ng Kapamilya network.

Sinasabing “140 million” pesos na raw ang inabot na kabuuang gastos ng Star Cinema para sa pelikula mula 2013.

Ayon din sa PEP.ph insider, “100 million” pesos pa ang kakailanganin para mabuo ang pelikula.

Sa naging desisyon ng Star Cinema, malaki rin ang epekto ng pagpapasara sa ABS-CBN, matapos ibinasura ng Kongreso noong July 10, 2020, ang application ng network para sa panibagong prangkisa.

Paliwanag ng PEP.ph insider, challenge para sa ABS-CBN ang pag-push kay Jane bilang title roler at star material ngayong kulang na ang machinery nito nang mawala ang free TV at radio ng network.

Matatandaang pinersonal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban sa ABS-CBN at sa pamilya Lopez na nagmamay-ari nito, at nangakong hinding-hindi magkakaprangkisa ang Kapamilya network.

Sa statement ng ABS-CBN tungkol sa Darna, na inilabas ng kanyang Integrated Corporate Communications noong August 21, hindi binanggit ang malaking isyu ng pera.

Hindi rin binanggit ang kinakaharap na hirap ng network sa pagbuo ng isang bagong star.

Continue reading below ↓

Sa August 17 report ng PEP.ph, nilagay din na “ino-offer as a TV series” ang Darna sa ibang networks.

Nagpadala umano ang ABS-CBN ng “feelers” sa GMA-7 at TV5 sakaling interesado ang alinman sa dalawang bilhin ang rights para gawing serye ang Darna.

Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung nagkaroon na nga ng pag-uusap sa pagitan ng ABS-CBN at alinman sa rival networks nito.

Hindi rin binanggit ang bagay na ito sa ABS-CBN statement.

BEFORE DARNA POSTPONEMENT

Isang netizen naman ang nagtanong kay Jerrold kung hanggang saan na ang natapos sa Darna bago ito nahinto ng quarantine na ipinatupad ng gobyerno para maibaba ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Jerrold, nakatapos na sila ng “15 shooting days,” na siyang bubuo sa “40 minutes rough cut” ng pelikula.

Meron na rin daw “big plans” ang produksyon bago ito naantala ng enhanced community quarantine noong Marso.

Continue reading below ↓

Sa Facebook Live ni Jerrold, sa Cinema ’76 page noong April 8, binanggit niyang 16 shooting days na ang natatapos.

Kinumpirma niya ring si Paulo Avelino ang magiging leading man ni Jane sa pelikula.

Ibinahagi ni Jerrold na mayroon na sanang big fight scene na isu-shoot bago matapos ang Marso, subalit naabutan na nga ito ng quarantine.

"Sayang, kasi before nag-quarantine, we were already about to shoot one of the biggest action scenes doon sa pelikula. May fight scene na sana kaming isu-shoot noong end of March."

Masaya rin daw siya sa kinalabasan ng rough cuts, at pinuri niya si Jane sa performance nito bilang Darna.

"Base doon sa mga na-edit na namin na rough cut, I'm really happy with how it's going so far. Jane de Leon is doing really, really good.

"Nae-excite ako for Jane. Gusto ko matapos iyong pelikula para makita ng mga tao iyong trabaho niya."

Continue reading below ↓

Taong 2013 nang makuha ng ABS-CBN ang rights ng Darna.

Unang napiling gumanap dito si Angel Locsin, na naging Darna noong 2005 sa GMA-7.

Subalit dahil sa kanyang slip disc, kinailangang bumitaw ni Angel sa proyekto.

Si Erik Matti ang napiling magdirek ng Darna movie ng Star Cinema.

Noong 2017, napili si Liza Soberano bilang kapalit ni Angel sa title role.

Noong 2018, nag-resign si Erik bilang direktor ng Darna, at si Jerrold Tarog ang napiling pumalit.

May humigit-kumulang isang taon na ring nagti-training si Liza para sa superhero role, subalit noong 2019 ay napilitan din itong bumitaw sa proyekto.

Dala ito ng isang finger injury na natamo ng aktres sa set ng fantasy series na Bagani noong 2018. Bagama’t inoperahan na ito, hindi ito tuluyang gumaling.

Noong July 2019, inanunsyo ng ABS-CBN na ang baguhang si Jane de Leon ang napiling gumanap na Darna.

Ayon sa report ng ABS-CBN, mahigit na 80 ang mga dalagang nag-audition at pinagpilian para makuha ang title role.

Continue reading below ↓

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon (left) was "doing really, really good" as Darna, says director Jerrold Tarog (right), who also says he had shot enough for "40 minutes of rough cut" for the movie when filming stopped.
PHOTO/S: @imjanedeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results