Miggs Cuaderno on "accidental kissing scene" with newbie Saviour Ramos: "Ayaw ko, hindi ko kaya."

by Jerry Olea
Aug 25, 2020
Miggs Cuaderno (left) on "Neo & Omar" co-star Saviour Ramos: “Mabait pong katrabaho si Saviour at nakuha naman po niya ang mga gustong ipagawa sa amin ni Direk Adolf.”
PHOTO/S: Courtesy of Gagaoolala

May accidental kissing scene ang 21-anyos na si Saviour Ramos at ang 16-anyos na si Miggs Cuaderno sa Episode 8 (“Neo & Omar”) ng Unlocked anthology.

Ipalalabas ang naturang LGBT short film sa Setyembre 3, Huwebes, sa GagaOOlala. Idinirek iyon ni Adolf Alix Jr., mula sa panulat ni Jerome Zamora.

OK lang ba kay Miggs at sa magulang niya ang accidental kissing scene with Saviour?

“Nung nabasa ko po sa script na may accidental kissing scene, agad ko pong sinabi kay Mommy na ayaw ko, hindi ko kaya,” pahayag ni Miggs nitong Agosto 25, Martes ng umaga, via Messenger.

“Kaya tumawag kami agad kay Direk Adolf, at nag-explain sa kanya para sabihin na hindi ko kayang gawin.

“Natawa po sa amin si Direk. Kasi po, alam naman niyang 16 years old lang ako kaya ginawan niya po ng paraan ang shot namin para magmukhang intimate.

“Lagi po akong gina-guide ng magulang ko at hindi po nila ako pababayaan na masira naman po ang image ko.”

Continue reading below ↓

THE "VETERAN"

First time ni Saviour na gumawa ng short film, samantalang si Miggs ay 10 years na sa showbiz at marami nang acting awards.

Si Miggs ba ang “umalalay” kay Saviour?


“Mabait pong katrabaho si Saviour at nakuha naman po niya ang mga gustong ipagawa sa amin ni Direk Adolf,” paglilinaw ni Miggs.

Continue reading below ↓

“Si Direk Adolf po ang umalalay sa aming dalawa, kasi po, para sa akin, bago rin po ito.

“Hindi po ito yung usual na ginagampanan ko sa mga serye at movie. Iba po siya, kaya si Direk Adolf po talaga ang nagsabi sa amin kung ano ang dapat naming character.”

Ano ang kaibahan ng gay role niya sa short film na ito kumpara sa previous gay roles niya sa TV at pelikula?

Ayon kay MIggs, “Dito po kasi sa short film na ito, need ng acting. Kumbaga, para pong si Superstar Nora Aunor na ang mga mata, nagsasalita.

“Hindi po siya basta bakla lang na role. May story po itong short film namin kay Direk Adolf.”

THE TRUST

Buo ang tiwala ni Miggs kay Direk Adolf.

Ayon sa Kapuso teen actor, “Alam po ni Direk Adolf kung paano alagaan ang mga artista niya.

“Napakabait at napakahusay po ni Direk, na hindi ka matatakot pag sinabi niyang hindi mo gagawin yun.

Continue reading below ↓

“Maraming beses ko na pong naka-work si Direk Adolf. Bata pa lang po ako, nakaka-work ko na po siya sa TV, sa Wagas at Wish Ko Lang.

“Si Direk Adolf, pag work, work po talaga.

"Seryoso at napakalinaw niya pong mag-explain sa mga gusto niyang ipagawa, kaya napakabilis po ng trabaho at mabilis ang pack up.

“Kasi, alam niya po kung ano ang shot na gusto niya at sasabihin niya sa ‘yo kung ano ang gusto niyang mangyari sa eksenang gagawin ninyo.

“Madami po kayong matututunan kapag katrabaho po ninyo si Direk Adolf.

“Dapat tandaan niyo lang po ang mga sinasabi niya para mag-gain kayo ng knowledge. Madadala niyo na yun for your next project.”


Continue reading below ↓

NEW NORMAL

Kumusta ang ang pagtatrabaho under the New Normal?

“Pangalawa ko po itong nagawa under New Normal. Una po, sa Wish Ko Lang. One week after po ito,” lahad ni Miggs.

“Ang kaibahan po ay need namin magpa-rapid test bago pumunta ng shoot para sa safety rin po ng lahat, at may mga face mask at kumpleto po silang mga productions sa lahat ng need para maiwasan ang virus. Maingat po sila.”

Na-miss ba niya ang pagte-taping?

“Na-miss ko pong mag-taping talaga. Ang tagal ko po sa bahay lang, humaba at kulot na nga po ang hair ko sa tagal!” pag-amin ni Miggs.

Kasama pa ba siya sa pagbabalik ng Kapuso drama series na Prima Donnas, kung saan tampok din ang ama ni Saviour na si Wendell Ramos?

“Opo, kasama pa rin po ako sa Prima Donnas at naghahanda na rin po ang production para sa balik-taping po namin.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miggs Cuaderno (left) on "Neo & Omar" co-star Saviour Ramos: “Mabait pong katrabaho si Saviour at nakuha naman po niya ang mga gustong ipagawa sa amin ni Direk Adolf.”
PHOTO/S: Courtesy of Gagaoolala
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results