Yayo Aguila proud of "Laplap Queen" title: "Masaya na nasa akin pa rin ang korona!"

by Jerry Olea
Sep 5, 2020
Yayo Aguila on her second Urian nomination: "Napakalaking bagay nun sa ‘kin and it pushes me to better my craft and to challenge myself more."
PHOTO/S: Instagram

Kinilalang "Laplap Queen" si Yayo Aguila dahil sa mabangis na halikan nila ng baguhang aktor na si Royce Cabrera sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois.

Sa Episode 1 (“MILF”) ng Small Talk anthology na in-upload noong Mayo 30, 2020 sa YouTube channel ng TBA Studios, ibang-iba naman ang dynamics nila.

“Oo, ibang-iba talaga ang Small Talk sa Fuccbois. Fbois kasi, first namin together, on set, 'tapos intense eksena agad,” paliwanag ni Yayo nitong Setyembre 4, Biyernes ng gabi, via Messenger.

“Sa Small Talk, mas na-strengthen ang bond namin ni Royce. Since pilot episode iyon and first online gig pa ng TBA, may pressure sa amin to deliver.

“So, we rehearsed over the phone a few times. Yun ang maganda dahil close friends kami, may edge kami to do that.

“Kaya nung shoot na, may confidence na kaming magbatuhan ng lines. Kasi, in a way, may rapport na kaming dalawa.”


Continue reading below ↓

URIAN NOMINEES

Nakakatuwang pareho silang nominado sa 43rd Gawad Urian—si Royce para sa Fuccbois, si Yayo para sa Metamorphosis.

Naghatid ng suwerte ang "laplapan" nila!

“I’m happy for Royce for the nomination, he deserves it, really,” sabi ng 52-anyos na aktres.

“Ako naman, I am humbled, being my second Urian nomination itong sa Metamorphosis. First was two years ago for Kiko Boksingero.

“Ang tunay na takeaway dito is iyung ma-recognize ka bilang aktor ng mga Manunuri. Napakalaking bagay nun sa ‘kin and it pushes me to better my craft and to challenge myself more.

“Nataon lang din na nagkasabay kami ni Royce pero, honestly, malaki ang nagawa ng pag-trend ng laplapan scene na yun sa buhay naming dalawa.”


Continue reading below ↓

"LAPLAP QUEEN"

Dahil sa safety protocols and guidelines, dini-discourage ang intimate and kissing scenes sa shootings.

Matatagalan pa kay Yayo ang korona bilang undisputed "Laplap Queen of Philippine Cinema."

“I am actually enjoying the title of Laplap Queen!

"Everytime mabi-bring up yun anywhere, natatawa ako at natutuwa!” pag-amin ni Yayo.

“Malicious lang pakinggan yung title, but I’m mighty proud of what I did.

"I was given a role to play, I played it with all my heart and soul. It was appreciated and I’m grateful.

“Pero masaya na nasa akin pa rin ang korona. Ha! Ha! Ha!”

Willing ba siya to do another fierce laplapan scene?

“Kung another wild scene sa ngayon, naku, pass muna ako. Mabuti na yung safe!” pagdidiin ni Yayo.

“Safe ako, safe lahat. This too shall pass and pag makabangon na ulit ang film at TV, then I will be even more ready than I was before!

Continue reading below ↓

“In other words, bring it on!”


MY EXTRAORDINARY

Kasama si Yayo sa cast ng Pinoy BL series na My Extraordinary (MEO), na nag-lock in shooting kamakailan sa Antipolo City at Meycauayan, Bulacan.

Kumusta ang pagbabalik-trabaho sa labas ng bahay? Nanibago ba siya? May takot o agam-agam?

Lahad ni Yayo, “Nung first day shoot ko sa MEO, yes, nakakapanibago. Kasi, after being quarantined at home for months, then you report to the set with social distancing and other protocols, it was a bit awkward.

Continue reading below ↓

“Of course, we were tested prior to filming, pero yung set kasi namin, dahil lahat ay nagko-comply, hindi ako ever na-paranoid."

Dagdag niya, “The script was beautifully and strategically written by Vince de Jesus in a way na all scenes, especially the dramatic ones, were delivered and expressed with real emotions and lines even without having to be physical.

“Marami kaming eksena dun na kahit walang hawakan, walang yakapan, pero ang intense ng buhos ng emosyon during takes.

“And makikita yun ng viewers at mararamdaman. Ang galing na naitawid ang MEO nang mahusay.”

Ilang buwan na ang quarantine. Apektado ba siya mentally, emotionally, financially? Nagka-anxiety ba siya? Kinailangan ba niyang magtrabaho at sumabak muli sa shooting?

“Mentally, emotionally, OK ako. Not saying 100 percent siyempre, kahit sinong matinong tao under the circumstances ng pandemic, one way or the other, maapektuhan,” tugon ni Yayo.

“Financially, yes, may bigat, but I still consider myself blessed to have family and friends who look after me and my kids, and not to forget all the generous online businesses who keep sending gifts, foods.

Continue reading below ↓

“I believe they deserve to be supported and given credit, lalo sa panahon ngayon.

“Itong MEO came at a perfect time talaga, very good project and it was worth all the risks and and worry I had to take sa kabila ng mga nangyayari sa paligid.”

Bida sa My Extraordinary ang mga baguhang aktor na sina Darwin Yu at Enzo Pineda, sa direksiyon ni Jolo Atienza. Nasa cast din ang mga baguhang sina Karissa Toliongco at Z Mejia.


Continue reading below ↓

Kumusta ang pakikipagtrabaho sa young actors, direktor, at production staff ng My Extraordinary?

“Yung mga young stars ng MEO, I have so much respect for them. Very focused sila sa work. Well-disciplined, polite, and I see a good level of professionalism sa kanila, considering na mga baguhan talaga sila,” pahayag ni Yayo.

“I give credit to their parents for raising these kids well and to Asterisk Management for the training. Ang mga batang ito, walang kayabang-yabang sa katawan. Sana, lahat ay kagaya nila. “

Si Direk Jolo, even if we were not able to bond as much during breaks, I only have good words about him. He knows his shots, alam niya ang gusto niyang emosyon sa mga eksena, but gives you the freedom to express yourself as an actor.

“Being his first big project, naramdaman ko yung puso niya rito. God knows what he had to go through during the first shooting day but he pulled through, and that was so amazing of him. Ang strong niya and, at the same time, ang determined niya.

Continue reading below ↓

“Sa buong prod, ang masasabi ko lang, mahal ko silang lahat. Kasi, pinagsama-sama sa team MEO ang mga mababait, masisipag at masasayahing tao kaya ang good vibes lang ng atmosphere. Plus everyone was supporting each other and ramdam ko yun.”

Ipapalabas ang My Extraordinary sa iba’t ibang platform—Setyembre 27 sa Gagaoolala, TV5, at YouTube channel ng Asterisk Digital Entertainment.

Inaayos pa ang pagpapalabas nito sa Colours at WeTV.

May BL series na rin si Royce, ang Quaranthings, directed by Pancho Maniquis na nag-umpisang mag-streaming nitong Setyembre 4, Biyernes ng 9:00 P.M., sa YouTube channel ng Ride or Die.

Meron din ang Fuccbois co-star nila na si Kokoy de Santos. Magtatapos ang Gameboys ni Kokoy sa Setyembre 13, may kasunod na siya... Oh, Mando! directed by Eduardo Roy Jr. na direktor nila sa Fuccbois.

“I’m super happy for both Kokoy and Royce and they know that,” pakli ni Yayo.

“We all support each other as friends, or more like as nanay nila ako at anak ko silang dalawa. Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

YAYO ON CHRISTMAS

Ano ang saloobin ni Yayo sa nalalapit na Kapaskuhan? Ano ang inaasam niya sa pagsapit ng bagong taon?

“Mahirap ang buhay ngayong 2020, magpa-Pasko pa. Of course, it will not be the usual bonggang Xmas parties here and there, or lavish noche buenas, etc, but I believe we can still make it a MERRY CHRISTMAS by simply being with family and loved ones, regardless of the gifts and the parties,” pananalig ni Yayo.

“We can and should do with what we have. Marami pang Paskong darating, makakabawi pa tayo.

“If we all keep the faith and pray for a better 2021, yung makaka-recover na ang economy at makakabangon na ang mga Pilipino ulit, iyung power of prayers and positivity will carry us through.

“Every single day, ang dasal ko, maliban sa mawala na ang virus, is magkaroon ng pagkain at tirahan ang bawat pamilyang Pilipino na hindi as fortunate ng marami sa atin. Lalo na sana ngayong magpa-Pasko at Bagong Taon.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yayo Aguila on her second Urian nomination: "Napakalaking bagay nun sa ‘kin and it pushes me to better my craft and to challenge myself more."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results