Paolo Gumabao no reservations in daring scenes: "Ibigay mo na yung lahat."

by Jerry Olea
Sep 10, 2020
Paolo Gumabao on giving his all in love scenes: "I think, it’s important na meron. Kasi, at least, para ramdam mo talaga. And kasi, yung mga ganoong eksena po, hindi po pwedeng ipeke. Pag pineke mo, pag alam mong hindi mo ramdam yung passionate kissing, maaapektuhan po talaga yung eksena."
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman

Masayang-masaya si Paolo Gumabao na siya ang napiling magbida sa pelikulang Lockdown ng FLA Films.

“Kasi, right now, nararamdaman ko yung pinaghirapan ko. Kasi, I started when I was 15,” napangiting sambit ng 22 anyos na aktor sa third shooting day ng pelikula nitong Setyembre 9, Miyerkules, sa Villamar beach resort ng Noveleta, Cavite.

“So, seven years na ‘yon. Finally, nakuha ko na yung dream role ko, yung dream movie ko. Lalo na si Direk Joel Lamangan ang katrabaho ko.

“And marami akong makakatrabahong ibang beteranong actors. I’m really just honored to do this project.”

Matapang at mapangahas ang Lockdown. Nag-alinlangan ba siya sa maseselang eksena?

“No. Zero percent,” mabilis na pag-iling ni Paolo.

“I think actors are supposed to be like that. When I was 15, my manager, Direk Manny Valera asked me, ‘Paolo, alam mo, pwede kang pang-sexy. Kung umabot sa panahon na kailangang gawin mo ‘yon, gagawin mo ba?’

Continue reading below ↓

"’Direk, gawin natin.’"

"LOCKDOWN" SHOOTING DURING QUARANTINE

Isa’t kalahating taong nabakante sa trabaho si Paolo mula nang mag-shoot ng iWant digital series na Mga Batang Poz noong Enero 2019.

Nitong Marso 2020 ay magsusyuting na sana sila ng sequel ng nasabing digital series. Kaso, nag-umpisa na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR.

Nitong Agosto lang siya nakapag-tape ng isang episode para sa Horrorscope anthology ng iWant TFC.

Kaya ganoon na lamang ang kasiyahan ni Paolo nang mapili siyang bida sa pelikulang Lockdown, na nagtatampok din kina Max Eigenmann, Allan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Jim Pebanco, Paul Jake Paule, at Angellie Nicholle Sanoy.

May rapport agad si Paolo sa mga katrabaho.

Biruan nang biruan sina Max at Paolo bago kunan ang love scene nila noong Setyembre 8, Martes ng gabi, sa Cavite City, lalo nang sabihan sila ng A.D. (assistant director) na kailangan silang mag-plaster.


Continue reading below ↓

Paolo Gumabao and Max Eigenmann

“Hindi po namin masyadong napag-usapan yung eksena,” sansala ni Paolo.

“More on napag-usapan po namin yung mga hilig namin. Nag-share siya about her kids, her partner right now.

"Ako rin, nag-share din ako about my life para mas magkakilala kami. Para hindi po kami magkailangan sa love scene namin.”

Kumusta ang love scene nila?

“Actually, proud po kami ni Max sa naging outcome ng eksena,” seryosong pahayag ni Paolo.

“Noong napanood po namin sa playback, ang ganda talaga.

“It was such a great experience for me, kasi ang dami ko pong natutunan, lalo na from Max.

"Kasi, si Max po, like, medyo marami na siyang nagawang mga ganoong pelikula. Sobrang experienced na po siya sa ganun.

“She guided me po, all through out the scene.”

Walang awkwardness?

Pag-iling ni Paolo, “Hindi po talaga. Kasi, noong nagpa-swab po ako, doon ko na-meet si Max. Sobrang parehas po kaming madaldal.

Continue reading below ↓

“So, nagkakachikahan na rin kami. Medyo naging close na kami.”

Ano ang naramdaman niya habang ginagawa ang napaka-passionate na eksena nila ng 32-anyos na si Max? Lalo pa’t si Max ang unang aktres na naka-love scene niya?

Natigilan sandali si Paolo bago sumagot, “Siyempre naman, kahit sino naman pong makaeksena si Max...

“Noong una po, medyo kinabahan ako. Kasi siyempre, babae po kasi. May certain lines na kailangan mong ingatan.

“I was very careful. I got to make sure na yung mga galaw mo is safe.”

Naramdaman ba niya iyong passion sa eksena? Nadarang ba siya?

“I think, it’s important na meron. Kasi, at least, para ramdam mo talaga. And kasi, yung mga ganoong eksena po, hindi po pwedeng ipeke.

“Pag pineke mo, pag alam mong hindi mo ramdam yung passionate kissing, maaapektuhan po talaga yung eksena.

“So, ang ginawa po namin is just let go, and just be the characters. And just do whatever the characters would do.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

KISSING SCENE WITH HIS CO-ACTOR

Kinabukasan, Setyembre 9, Miyerkules ng umaga, ang nakahalikan at nakaharutan naman ni Paolo ay ang 30-anyos theater actor na si Paul Jake Paule.

“With Max, yung eksena namin was very passionate. And you could really feel the love that we had for each other. There’s the care, the kissing," lahad ni Paolo.

"With me and Paul Jake naman, sa eksena, pag napanood na ng mga tao, grabe, wild ‘tong dalawang ‘to. This is like wild sex!”

Walang rehearsal ang mabangis na pagniniig nina Paolo at Paul Jake. Take 1!


Continue reading below ↓

Paolo Gumabao (left) and Paul Jake Paule (right)

Maikukunsidera ba ni Paolo ang sarili bilang good kisser?

“Of course! Ha! Ha! Ha! Ha! Of course!” mataginting na halaklak ng young actor.

“Kasi, ang ginawa ko lang po talaga, pag sa mga ganyang eksena, ibigay mo na yung lahat. Kasi, pag nag-reserve ka pa, pag nagtipid ka pa, if ever man na i-‘good’ ng direktor, hindi maganda yung eksena.

“Pag nag-cut si Direk, uulitin niyo na naman. Sayang sa oras, sa pagod.

"Siyempre, unang take pa lang dapat, i-all out mo na para maganda yung result.”

TRIMMING aS part of his preparation

Binasa nang maigi ni Paolo ang script ng pelikulang Lockdown.

Bahagi rin ng preparation ni Paolo sa movie ang pagti-trim ng pubic hair.

Matatas na salaysay ni Paolo, “Tinanong ko po si Direk kung gusto niya po na i-shave ko sa ibaba. Pero ayaw po ni Direk ng complete bald. Kasi, mukha raw bata. Ha! Ha! Ha! Ha!

Continue reading below ↓

“So, sabi ni Direk, gusto raw niya na medyo may konting ano pa... pero i-trim nang maayos para hindi naman pangit tingnan. Yung trim lang na malinis tingnan.”

Si Paolo mismo ang nag-trim ng kanyang hair down there.

“Meron po akong razor, electric shaver,” napapangiting sabi ni Paolo.

“Siyempre, kailangan ‘yon. Dapat lagi tayong nagma-manscape, dapat lagi tayong naglilinis dun.”

Nagti-trim pala talaga siya down there, at hindi para lang sa pelikulang Lockdown.

“Opo, kailangan po kasi kailangang malinis. Hygiene po yun!” pagdidiin ni Paolo.

“Para lagi tayong fresh! Lahat! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Sabi ni Paolo, 17 o 18 anyos siya nang mag-umpisang mag-trim ng pubic hair. Wala raw nagturo sa kanya.

“Kusa lang po talaga. Kasi, ayoko po ng mahaba,” katwiran pa ni Paolo.

PAOLO'S SHOWBIZ CONNECTION

Lumaki sa Taiwan si Paolo. Nakapangasawa ng Taiwanese ang ina niyang Pinay. May younger brother siyang singkit.

All the while, akala noon ni Paolo ay half-Taiwanese siya, kaya nagtataka siya kung bakit mabibilog ang kanyang mga mata—ibang-iba sa kapatid niyang si Ryan at sa kinikilalang ama.

Continue reading below ↓

Katorse anyos daw siya nang malaman ni Paolo na ang kanyang biological father ay ang aktor na si Dennis Roldan, na ang tunay na pangalan ay Mitchell Yap Gumabao.


“I found out when I was 14!” natatawang pakli ni Paolo.

“Sinabi sa akin ng mom ko. Although before niya sinabi sa akin, marami na akong naririnig na tsismis from other people.

Continue reading below ↓

“Siyempre, yung biological father ko, nag-showbiz din. So, marami rin po ang nakakaalam. And ako lang po ang hindi nakakaalam.

“Everyone in the family, nakakaalam—my mom, my dad, side ng dad ko, ng stepfather ko, side ng mom ko. Alam nila lahat.”

Naapektuhan ba siya nang ma-realize niyang may mga kapamilya pala siyang artista?

Half-siblings ni Paolo ang aktor na si Marco Gumabao, 26, at ang actress-beauty queen na si Michele Gumabao, 28.

Tita naman niya ang veteran actress na si Isabel Rivas (Marilou Yap Gumabao sa tunay na buhay).

Napabuntong-hininga ang binata, “Hmmn, well, siyempre natuwa ako. Parang... dumagdag yung mga kapatid ko.

"Kasi, growing up, ako po yung kuya, noong lumaki ako sa Taiwan.

“E, noong nalaman ko na meron akong ibang mga kapatid, ako yung naging bunso bigla. E, ako ang pinakabata sa kanila.”

Gusto ba niyang mag-artista?

“Simula noong six or seven years old po ako, pangarap ko na po talagang umarte,” saad ni Paolo.

Continue reading below ↓

Feeling niya, genetic o nasa dugo talaga niya ang pag-aartista?

Napatango ang binata, “Feeling ko po talaga, parang... acting is something na hindi ko kayang hindi gawin. Pag hindi ko siya ginawa, parang may mali.”

Naka-bonding na ni Paolo ang half-brother niyang si Marco. Magkalapit ang kani-kanyang bahay.

Paano sila nagkakilala?

“First, nakontak ko po yung dad namin. 'Tapos, ayun, nagkita kami ni Dad. Mga year 2015 yata ‘yon. Afterwards, dinala ako sa Katipunan [Avenue],” paggunita ni Paolo.

“Sa Gold’s Gym, kung saan nagdyi-gym si Marco at si Dad. 'Tapos, parang... ang introduction sa akin, ‘Marc, kapatid mo nga pala!’

“Si Marco, parang ... ‘Ano?!’ So, ako, ‘Hello po!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Si Dennis ay kasalukuyang nakapiit sa Bilibid Prison matapos mahatulang guilty sa kasong pagkidnap sa isang tatlong anyos na Filipino-Chinese noong 2005.

RELATED STOTIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao on giving his all in love scenes: "I think, it’s important na meron. Kasi, at least, para ramdam mo talaga. And kasi, yung mga ganoong eksena po, hindi po pwedeng ipeke. Pag pineke mo, pag alam mong hindi mo ramdam yung passionate kissing, maaapektuhan po talaga yung eksena."
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results