Direk Joel Lamangan says Paolo Gumabao more daring than half-brother Marco Gumabao: "Nagpapakita ng..."

by Jerry Olea
Sep 14, 2020
Veteran director Joel Lamangan (left) on Lockdown lead actor Paolo Gumabao (right): “Napakahusay at napakatapang na artista!”
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman

“Napakahusay at napakatapang na artista!”

Bulalas iyan ni Direk Joel Lamangan patungkol kay Paolo Gumabao sa last shooting day ng pelikulang Lockdown nitong Setyembre 14, Lunes, sa Villamar beach resort ng Noveleta, Cavite.

Paliwanag ng 66-anyos na direktor, “Napaka-confident niya sa kanyang sariling talent tungkol sa pag-arte at sa hinihingi ng role niya.”

Kadidirek lang ni Direk Joel ng 26-anyos na si Marco Gumabao sa pelikulang Hindi Tayo Pwede, na ipinalabas noong Marso 4 sa mga sinehan at streaming na sa Netflix umpisa Agosto 4.

Ngayon naman ay idinirek niya ang 22-anyos na si Paolo Gumabao. At ididirek niya muli si Marco sa pelikulang Unfaithful Nights na joint venture ng Cineko at Viva Films.

Magkapatid sina Marco at Paolo sa amang si Dennis Roldan, na Mitchell Gumabao ang tunay na pangalan.

Si Dennis ay kasalukuyang nakakulong sa Bilibid Prisons dahil sa salang kidnapping ng isang Filipino-Chinese noong 2005.

“Aba, sila kasi ang in ngayon! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na tawa ng premyadong direktor.

Continue reading below ↓

“Wala namang iba pa. Saka iyon ang inio-offer sa akin. Alangan namang tanggihan ko! Sayang!

“Saka mahusay naman yung magkapatid. Mahusay talaga.”

Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

Napangiti si Direk Joel, “Mas daring si Paolo. Bakit? Dahil si Paolo, nagpapakita ng nota. Si Marco, hindi.

“Si Marco, nagpapakita ng puwet. Pero nota, hindi. Ayaw.”

Paolo Gumabao (left) and Marco Gumabao (right)

Continue reading below ↓

SHOOTING IN QUARANTINE

Matagal-tagal nabakante si Direk Joel. Ang huling trabaho niya ay ang digital series na Beauty Queens para sa iWant, na kinunan niya noong Enero.

Nitong lamang Setyembre 7, Lunes, siya nakabalik sa pagsu-shooting ng pelikulang Lockdown. Kumusta ang pagbabalik-trabaho niya?

“Aba, natuwa ako! Siyempre, na-miss ko ang pagdidirek. At saka wala akong kita noong mga nakaraang panahon,” himutok ni Direk Joel.

“Ito uli yung kita ko. Ang dami ko nang utang, ‘no?!”

Ano ang kaibahan ng pagtatrabaho ngayon?

Aba! Ngayon, kaiba, dahil kokonti na lang ang araw [ng pagsu-shooting]. Dati, 20 days, 25 shooting days, 30 calendar days.

“Ngayon, hindi. Seven days, eight days, ten days. Ganoon. At araw-araw, araw-araw, araw-araw!

“Iyong [shooting ng] pelikula noong araw, may pahinga ‘yon. Ngayon, hindi. Wala. Dahil naka-quarantine. Mahal! Pag matagal kang naka-quarantine.

“Ibig sabihin, magko-complain ang producer.”

Kumusta ang naranasan niyang safety protocols and guidelines?

“Aba, kakaiba! May konting adjustments. Dahil dati, hindi naman ako kinukuhanan nang kinukuhanan ng pulso.

Continue reading below ↓

“Ngayon, palagi na lang akong nilalagyan ng alcohol. Parati na lang kinukunan ng temperature. Kinukunan nang kinukunan nang kinukunan!

“Kung noon iyan, tinatarayan ko ‘yan!” natatawang pagngiyaw ni Direk Joel.

“Ngayon, hindi! Kailangang magpakuha ka na. Kailangan talagang... kailangang-kailangan to avoid pagkakahawa-hawa.

“At saka ngayon, bago ka mag-umpisa, susundutin nang susundutin ang ilong mo. Noon, wala namang ganoon. Ngayon lang merong ganoon, o.”

Sa bawat araw, ilang beses siyang kinunan ng temperature, at ilang beses siyang nagpalit ng face mask?

“Napakadami,” paghalukipkip ni Direk Joel.

“Hindi ko na binibilang. Nasasayangan nga ako sa face masks. Every three hours, palit nang palit. Palit nang palit!

“Nasasayangan ako. Ewan ko kung may kumukuha ng mga itinatapon ko. Parang bago pa! Hindi ko alam. Sinisira ko iyong iba.”

SOCIAL STATEMENT

Dahil nababalita ang mga mapangahas na eksena sa Lockdown, at ang mga sangkap ng kabaklaan sa kuwento, hinusgahan agad ng iba na basura ang pelikula.

Continue reading below ↓

“Hindi. Iba ito. May social context ito,” matatas na pahayag ng beteranong direktor.

“May pagpapakita ng mga nangyayari sa mga tao sa ilalim ng pandemya. Ito’y mirror ng kasalukuyang panahon.”

Magkaproblema kaya sa gobyerno o sa MTRCB ang pelikula dahil sa social statement nito?

“Ipapaliwanag lang naman sa mga censor kung ano ‘yan,” malumanay na sansala ni Direk Joel.

“Saka hindi na uso ngayon ang hindi dyina-judge ang context ng isang produkto, ng isang pelikula.

“Sasabihin ko sa kanila, ‘Watch it within its own context.’ Dapat panoorin iyon as a whole. Hindi iyong isa-isa-isang eksena. ‘Bakit may eksenang ganyan?’ Ano’ng pangangailangan ng eksenang ‘yon?

“Bakit kailangan ‘yon sa kabuuan ng pelikula? Ano ang sinasabi? Baka may sinasabi, o.

“Matapang ang pelikulang ito, pero hindi ito political. It’s not against any regime. But this is mirroring the present society that we have.

“The sufferings of the people. Because of the pandemic. Hindi ito outright political film.

Continue reading below ↓

Meaning, it’s not favoring or against any administration. But it is showing or mirroring a reality na meron tayo ngayon. Iyon ‘yon.”

VIDEO CALL BOYS

Ano ang matatandaan ng mga tao sa pelikulang ito?

“Ang husay ng isang Gumabao. Si Paolo Gumabao,” mabilis na sagot ni Direk Joel.

At iyong ibang mga artista?

“Mahuhusay! My God, andiyan si Ruby Ruiz! Andiyan si Jim Pebanco, si Jess Evardone, si Allan Paule, si Max Eigenmann. Ano pa ang hihingin mo?!” pagtikwas ng kilay ni Direk Joel.

“Si [Angeli Nicole] Sanoy, yung bata. Si Paul Jake Paule. Mahuhusay sila.”

Isang dekada na sa industriya ang character actor na si Jeff Carpio, pero ang ibang Video Call Boys ng Lockdown ay mga baguhan—sina Sean de Guzman, Dincent Lujero, Neil Suarez, Kristian Allene, at Michael Mauro Salas.

Napangiti muli si Direk Joel, “Gusto kong abangan sila ng mga manonood, hindi lang si Paolo.

“Anim na kabataang pagkaguguwapo, pagkahuhusay, at napaka-confident sa kanilang pangangatawan, sa kanilang pagkatao.”

Continue reading below ↓

Mambubulabog ba ang Video Call Boys?

“Palagay ko’y mambubulabog sila. Palagay ko’y makikilala sila... dahil sa kanilang katapangan.”

RELATED STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran director Joel Lamangan (left) on Lockdown lead actor Paolo Gumabao (right): “Napakahusay at napakatapang na artista!”
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results