Meet Paolo Gumabao's "loverboys" in Lockdown: Paul Jake Paule, Allan Paule, Jeff Carpio

by Jerry Olea
Sep 17, 2020
(From left) Paul Jake Paule, Allan Paule, and Jeff Carpio all have intimate scenes with Paolo Gumabao (not in photo) in Joel Lamangan's Lockdown movie.
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman

Maharot ang halikan nina Paolo Gumabao at Paul Jake Paule sa third shooting day ng pelikulang Lockdown noong Setyembre 9, Miyerkules ng umaga, sa Villamar beach resort sa Noveleta, Cavite.

Hindi na ni-rehearse ng direktor na si Joel Lamangan ang dalawang aktor. Binigyan lang ni Direk Joel sina Paolo at Paul Jake ng basic instructions sa blocking.

Take 1 ang eksena, at pumalakpak ang ilang miyembro ng produksyon na nakapanood.

Ang kuwento ng Lockdown ay tungkol sa mga kaganapan sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) sa pananaw ng isang OFW na nawalan ng trabaho at napilitang umuwi ng Pilipinas.

Dahil si Joel Lamangan ang direktor, mula sa panulat ni Troy Espiritu na scriptwriter ng mga pelikulang Ma’ Rosa at Alpha: The Right To Kill, matapang ang social statement ng pelikula.

Mapangahas ang pagganap dito ng mga karakter, sa pangunguna ng 22-anyos na si Paolo Gumabao.

Ang nakahalikan niyang si Paul Jake Paule, 30 anyos, ay beterano sa teatro.

Continue reading below ↓

Taong 2005 pa lang ay lumalabas na si Paul Jake sa school plays, samantalang 2009 siya nag-umpisa bilang professional theater actor.

Lumabas din si Paul Jake sa mga pelikulang Brod (2010, directed by Ray Gibraltar), REquieme! (2012, directed by Loy Arcenas), at Hele sa Hiwagang Hapis (2016, directed by Lav Diaz).

PAUL JAKE PAULE: WHEN PASSION COLLIDES WITH DESIRE

“Ang intense ng eksena namin ni Paolo, kasi sa kuwento, matagal ko siyang hindi nakita,” matamang lahad ni Paul Jake matapos makunan ang lampungan nila ni Paolo.

“Sa totoong buhay, kanina lang kami nag-build ng rapport, nag-usap kami. Parang somehow, ganoon din ang feeling.

"Sa kuwento, hindi kami nagkita nang matagal.

“Ngayon, parang first time ko naman siya. So, iyong pinagsanib mo, may sabik kayo sa isa’t isa.

"Ang intense! Ang naging atake kasi ni Direk, free flow lang iyong blocking.

“Improvised. May mga lines na ibinigay lang kanina. And noong nag-start na kaming mag-take, as the scene progresses, may mga lumalabas pa na ibang lines gawa ng kailangan mong mag-improvise, gawa ng mga nangyayari.

Continue reading below ↓

“Kasi, on the spot. Happy naman ako, kasi, at least, take one lang.

"Ang hirap kasi ng mga ganitong klaseng eksena. I think, ito yung isa sa pinakamahirap gawin."


Paolo Gumabao (left) and Paul Jake Paule

Nakapag-frontal na ba siya sa teatro o pelikula?

Wala, puro butt exposure lang!” natatawagang sagot ni Paul Jake.

Continue reading below ↓

“Although willing naman, kaya lang, pag hindi necessary sa kuwento, ano kasi... parang hindi ka naman gagawa ng ganun for the sake na gagawin mo.

“Kailangan, may maitutulong doon sa storytelling. Kumbaga, kailangan.

"Hindi basta kailangan para panoorin yung play or whatever. Parang ganoon.”

ALLAN PAULE: BAPTISM OF FIRE

Memorable ang eksena sa pelikulang Macho Dancer (1988, directed by Lino Brocka) kung saan dinaklot ni Mother (karakter ni Joel Lamangan) ang ari ni Pol (karakter ni Allan Paule).

Nagulat si Allan. Hindi siya na-orient.

Sabi ni Direk Joel, inutusan siya ni Lino Brocka na gawin iyon.

Naidirek ni Joel si Allan sa launching movie ni Nathalie Hart na Siphayo (2016).

Si Allan ang “nagbinyag” kay Coco Martin sa unang pelikulang pinagbidahan nito, ang Masahista (2005, directed by Brillante Mendoza).

“Tinira” rin ni Allan si Sid Lucero sa pelikulang Selda (2007, directed by Ellen Ramos and Paolo Villaluna).

Dito sa Lockdown, markado ang cameo ni Allan bilang isang colonel. Kay Paolo Gumabao naman niya ipinalasap ang “baptism of fire.”

Continue reading below ↓

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Yes!” maigting na halakhak ni Allan matapos kunan ang mga eksena niya sa police station ng Cavite City nitong Setyembre 12, Sabado.

“Kaya ngayon, eto na naman. Iba na naman ang bibinyagan natin. Sana, huwag lumaki ang ulo pag sumikat!”

Anong tingin niya kay Paolo?

“OK naman. Ano naman, may potensiyal. Tatay naman niya, mahusay na artista,” pakli ng 50-anyos na aktor.

Ang tinutukoy ni Allan ay si Dennis Roldan, na Mitchell Gumabao sa totoong buhay. Kapatid ni Paolo sa ama si Marco Gumabao.

Kasalukuyang nakakulong si Dennis sa Bilbid Prisons matapos mahatulang guilty sa pagiging mastermind sa kidnapping ng three-year-old Filipino-Chinese boy noong 2005.

Nagpasalamat si Allan kina Direk Joel at Dennis Evangelista, line producer ng Siphayo at Lockdown, sa muling pagtitiwala sa kanya.

“Salamat din sa mga kasama kong artista na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin at nakakasama ko,” sambit ni Allan.

Continue reading below ↓

“Si Jim [Pebanco]. Si Jess [Evardone]. ‘Yon.”

Sa panahon ng pandemic, nakapag-guest si Allan sa isang TV program ng GMA-7, at nag-cameo sa Lockdown.

Aniya, “Puro naka-schedule pa iyong iba. Nakikiramdam pa kung ano’ng mangyayari.”

May takot at kaba ba siyang lumabas ng bahay pag magsu-shooting?

Well, iyong takot at kaba, hindi naman nawawala. Laging nandiyan iyan, e. Para ngang nakakapraning lumabas.

“Ingat-ingat lang. And then, iyong paglabas-labas ay medyo iniiwasan ko. Lalo na kung malapit na yung project, although may swab naman, may swab testing, may rapid test.

“So, iniingatan ko rin yung sarili ko. Para nang sa gayon, pagdating ko sa set, e, hindi na mangangamba yung mga tao.”

JEFF CARPIO: FOR THE SAKE OF ART

Thank You Boy sa G. Filipinas 2007 si Jeff Carpio ng Nueva Ecija.

Sumuporta siya kay Lance Lopez sa indie film na Tubero (2011, directed by Vince Tan) kung saan Jhep Carlos ang kanyang screen name. Nag-frontal siya roon.

Continue reading below ↓

Bilang character actor, hindi mabilang ni Jeff ang nilabasan niyang TV shows sa ABS-CBN at GMA-7, kabilang ang FPJ’s Ang Probinsyano (Book 1 and 2), La Luna Sangre, Ipaglaban Mo, Mulawin, Wagas, at TODA One I Love.

Sa Lockdown, napasubo si Jeff sa isang maselang eksena kasama si Paolo, pero daya iyon. Nakipagsabayan din siya sa "Batibot Boys" ng pelikula.

“Well, according to Direk Joel, na-brief naman niya kami since noong audition pa lang naman, so, ‘If you’re willing to show some skin and your pututoy...,’ na-warning-an naman kami roon,” matatas na lahad ni Jeff nitong Setyembre 11, Biyernes ng gabi, sa Villamar beach resort.

“And on that ano namin, sabi ko, G ako diyan. Go ako diyan.”

Kumusta ang feeling sa masturbation scene sa Lockdown?

“Well, ahh, sabi nga ni Direk Joel noong pangalawang call back na, ‘Ginagawa mo yung isang bagay for your craft.’

“Ay, ako naman, since parang sineryoso ko na ang akting, dahil pumasok na ako sa mga theater, I attended a lot of workshops, nakita ko yung importance ng mahalin mo yung craft mo.

Continue reading below ↓

“Kasi, yung akting, para sa akin, hindi siya ganoon kadaling gawin. Hindi siya biro. And profession siya.

"And yun nga, dapat kung mag-aartista ko, or kung aarte ka, dapat meron kang passion.

“Hindi lang dahil pera-pera lang,” pakli ni Jeff.

Lumabas si Jeff sa dulang Florante at Laura ng Gantimpala Theater Foundation, kung saan nakatrabaho niya si Paul Jake Paule. Lumabas din siya sa produksiyon ng Ibong Adarna.

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Paolo Gumabao?

“Well, para sa akin, si Paolo, isa sa masasabi ko sa na-meet ko na, na seryosong aktor,” sambit ni Jeff.

“Kasi, based on sa mga bonding namin dito, sa mga sinasabi niya at sa mga pananaw niya sa industriya, grabe, sobrang respeto.

“Kasi, seryoso talaga siya. And mahal niya iyong craft niya.

"And iyong pagmamahal niya sa craft niya, e, makikita mo sa mga kuwento niya, yung series of studies niya, yung mga ginawa niya para maging mas magaling siya.

Continue reading below ↓

“At makikita mo sa eksena, grabe. No limits, no hesitations. So, para sa akin, kailangan yun ang katangian ng isang aktor.

“Na kung gusto mo talagang mag-push through dito sa industriya, kailangan, yun nga, gawin mo siya as your craft, hindi dahil nahihiya, ‘Ay, ipapakita ko yung t*t* ko!?’ Gano’n.

“Hindi dahil lang sa ano, sa pag-e-explore ng sarili mo. Kasi, yun nga, depende rin kung based sa story ng ginagawa naming pelikula, sa material, sa direktor, e, wala ka naman talagang maku-question.

“Give it your best. Kasi, sa sobrang dami ng aktor, sobrang dami ng kalaban mo dito sa industriya ng Pilipinas, siyempre, kung bida ka, anong meron ka na wala sila?

“Anong edge mo sa kanila para ikaw yung piliin at ikaw ‘yung bigyan ng break?”

Nangangarap pa rin ba siyang sundan ang mga yapak ni Coco Martin?

“Ako?!” napangiting bulalas ni Jeff.

“Well, ako, personally, siyempre kung mabibiyayaan ka ng swerte, siyempre mangangarap ka.

Continue reading below ↓

“Pero ako, para sa akin, kung ano yung tahakin ko dito sa industriya, kuntento ako. Basta as long as nagagawa ko yung passion ko.”

May mga nagsasabing kamukha niya si John “Sweet” Lapus. Anong masasabi niya roon?

“Si John Lapus, grabe,” pagbuntong-hininga ni Jeff.

“It’s an honor na magkaroon ka ng isang ka-look-alike dito sa showbiz, di ba?

“Noong audition nga ng Lockdown, tinanong ako kung kamag-anak ko ba si John Lapus. I don’t know kung dahil ba sa ginawa kong akting, dahil gay yung ginampanan ko, o dahil sa hitsura talaga?

“Pero anyway, it’s an honor. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Natawa ako dun, actually. ‘Kamag-anak mo ba si John Lapus?’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Paul Jake Paule, Allan Paule, and Jeff Carpio all have intimate scenes with Paolo Gumabao (not in photo) in Joel Lamangan's Lockdown movie.
PHOTO/S: Courtesy of FLA Films/Lockdown movie/Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results