Gameboys, may huling sorpresa; Jerome at Teejay, magpapakilig din sa BL fans

by Jerry Olea
Sep 19, 2020
(Clockwise) Jerome Ponce and Teejat Marquez in Ben x Jim; Darwin Yu and Enzo Santiago in My Extraordinary; Genesis Redido and Migs Villasis in In Between; Kokoy de Santos and Elijah Canlas in Gameboys.

Nabulabog ang Gameboys fans sa post ng The IdeaFirst Company nitong Setyembre 18, Biyernes, sa Facebook at Twitter:

"Get ready for one last surprise."

Agad nag-trending sa Twitter ang kaakibat nitong hashtag na #ALTGameboys.

Ano ba ang aasahan sa Chapter 13.5 na iyan? Ikakatuwa ba iyan ng CaiReel/EliKoy (Elijah Canlas at Kokoy de Santos) fans?

Continue reading below ↓

“Hahahaha! Secret pa!” sabi ng executive producer na si Perci Intalan nitong Friday morning via Messenger.

“Definitely, dapat abangan ito ng fans! Hahahaha!”

Kumusta na ang Pinay GL series ni Adrianna So na Pearl Next Door? Kailan ito mapapanood sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company?


“Full swing na ang shoot ng Pearl Next Door. Malapit na rin yung lumabas!” lahad ni Direk Perci.

Continue reading below ↓

“For now, ang target na premiere streaming ay by the end of September or first week of October pa rin.

“Ayaw naming madaliin. Kailangan, may time para pagandahin.”

Nakailang shooting days na ang Pearl Next Door? Apat na episodes lang ba ito?

“Marami nang shooting days pero paunti-unti noong una. Maraming nire-reshoot, kasi, naiba ang script,” paliwanag ni Direk Perci.

“Ang target namin, 8-10 episodes sana. So far, maraming pupuntahan ang kuwento, e.”

Isusunod sa Pearl Next Door ang Season 2 ng Gameboys, at saka pa lang isu-shoot ang Gameboys the movie.

OH, MANDO!

Sana hindi mag-overlap ang dalawang BL series ni Kokoy de Santos.

Patapos na kasi ang post-prod ng iWant TFC series nina Kokoy at Alex Diaz na Oh, Mando!, sa direksiyon ni Eduardo “Edong” Roy Jr.

“Malapit na malapit na pong matapos ang editing. May vfx po kasi, kaya pinupulido namin. Hopefully, this week or next week, tapos na ang post prod,” sabi ni Direk Edong noong Setyembre 15, Martes.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Direk Edong, wala pang sinasabing petsa ang management kung kailan ipapalabas ang Oh, Mando!, na nagtatampok din kay Barbie Imperial.


Kokoy de Santos, Barbie Imperial, and Alex Diaz

BEN x JIM

Napabalita noon na third week of September ang premiere streaming ng Ben x Jim sa YouTube channel ng Regal Entertainment.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Easy Ferrer, direktor ng nasabing BL series na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez, sa Oktubre na ang target premiere nito.

“Currently editing po Episodes 1 and 2. Binubusisi ko po para hindi naman pangit lumabas kahit online lang,” lahad ni Direk Easy nitong Biyernes ng tanghali via Messenger.

“Nag-decide si Ms. Roselle Monteverde [executive producer] and me na huwag madaliin para mas maayos at maganda. Parang cinematic po kasi ang approach kahit promo content plan.

“May promo shoot po kami ng October 3-4.”

Minabuti rin ng Team Ben x Jim na patapusin na muna ang Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart, na magwawakas ngayong Biyernes.

Kinapitan kasi ng mga tao ang tandem doon nina Jerome at Yves Flores.

“Wala nang competition by October,” sabi ni Direk Easy.

Kumusta ang chemistry nina Jerome at Teejay?

“Kilig naman po sa rushes viewing. Teejay and Jerome were both great po. As in binigay nila iyung landian at kilig.”

Continue reading below ↓

May original theme song ang Ben x Jim.


Jerome Ponce (left) and Teejay Marquez

IN BETWEEN

Nasa Gagaoolala na ang In Between (Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam) mula noong Episode 9.

Tuwing Huwebes napapanood sa Gagaoolala ang bagong episode ng BL series nina Migs Villasis at Genesis Redido, ahead ng two days sa YouTube channel ng USPH TV.

Continue reading below ↓

Opo! Nasa Gagaoolala na ang Episode 11 ng TauTep series, na ngayong Setyembre 19, Sabado ng 8:00 P.M., mapapanood sa YT.

Labing-apat (14) lahat ang episodes ng BL series na ito, sa direksyon ni Briliant Juan.

“Abangan kung ano ba talaga ang papel ni Orion/Ri (Kimson Tan). Siya ba ang magiging dahilan ng muling paghihiwalay ng TauTep, o lalong magpapatibay ng kanilang relasyon?” sabi ni Direk Briliant nitong Friday afternoon via Messenger.

“And then, magmi-meeting na po kami ng para sa Season 2 ng In Between.”


Continue reading below ↓

MY EXTRAORDINARY

Nasa MTRCB na ang Episode 1 at trailer ng My Extraordinary, na pinagbibidahan nina Darwin Yu at Enzo Santiago.

Ito ang unang Pinoy BL series na ite-telecast. Nakatakda itong ipalabas sa Setyembre 27, Linggo, 11:00 P.M., sa TV5, kasabay sa streaming sa Gagaoolala.

That night din ang premiere nito sa YouTube channel ng AsterisK Digital Entertainment, pero 30 minutes later.

Simula Episode 2, mas mauuna na ang streaming sa GagaOOLala every Tuesday.

“The first 4 episodes of My Extraordinary will air every Sunday on TV5 at 11:00 P.M.,” sabi ng AsterisK publicist na si Byx Almacen.

“Iyong episodes 5-8 ay maiiba ang schedule.

“Naging maluwag ang TV5 sa BL genre at approved sa kanila ang My Extraordinary.”

Ang love theme ng My Extraordinary ay ang "Hindi Ko ‘To Binalak," na inawit ni Bituin Escalante. Komposisyon ito ni Vincent De Jesus.


Continue reading below ↓

Enzo Santiago (left) and Darwin Yu

MY DAY

Mapapanood ang ikapito sa 12 episodes ng My Day bukas, Sabado ng 9:00 P.M. sa YouTube channel ng Oxin Films.

May cameo rito si Paolo Bediones bilang host ng international cake competition.

Tamis-tamisan lalo ang mga eksena rito nina Ace (Iñaki Torres) at Sky (Miko Gallardo).

Kinumpirma ng project head/producer na si Carlo Morris Galang na may Season 2 ang My Day, pero matatagalan pa iyon.

May ibang BL series kasi na ihahandog ang Oxin Films pagkatapos ng first season ng My Day.


Continue reading below ↓

Miko Gallardo (left) and Inaki Torres

YOUTUBE VIEWS

Pinakamaraming views sa YouTube ang Hello, Stranger na pinagbidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Ang Episode 1 na nag-premiere noong Hunyo 24 sa YouTube channel ng Black Sheep ay naka-1.73M views.

Maging ang Episodes 2, 3, at 5 ay umabot sa 1M-mark ang views—1.30M, 1.19M at 1.05M, respectively.

Iyong Episode 4 ay naka-988K views. Ang Episode 6 ay naka-930K views. Ang Episode 7 ay naka-943K views.

At ang finale na Episode 8 ay naka-908K views. Noong Agosto 19 pa ipinalabas ang finale ng Hello, Stranger.

Wala pa kaming balita tungkol sa sequel nito kung kailan isasapelikula.


Continue reading below ↓

Tony Labrusca (left) and JC Alcantara

Sa labintatlong episodes ng Gameboys, ang first two episodes ay parehong lumampas sa 1M views sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company—1.42M views at 1.09M views.

So far, ang views ng iba pang episodes ay 973K (Ep3), 862K (Ep4), 832K (Ep5), 782K (Ep6), 794K (Ep7), 791K (Ep8), 790K (Ep9), 902K (Ep10), 598K (Ep11), 547K (Ep12), at 510K (Ep13, season finale).


Continue reading below ↓

Kokoy de Santos (left) and Elijah Canlas

Ang Episode 1 ng Sakristan ay naka-1.16M views mula nang in-upload noong Mayo 31 sa YouTube channel ng VinCentiments.

Ang views ng pito pang episodes ng BL series nina Clifford Pusing at Henry Villanueva ay 773K (Ep2), 551K (Ep3), 476K (Ep4), 457K (Ep5), 464K (Ep6), 382K (Ep7), at 328K (Ep8, season finale).

Hindi pa malinaw kung tuloy ang Ikalawang Pagbasa ng Sakristan.

Wala pang update sa The Cousins at Ang Jowa Kong DDS na napabalitang iseserye rin sa VinCentiments channel.


Continue reading below ↓

Henry Villanueva and Clifford Pusing

Sa dinami-rami ng Pinoy BL series, bukod-tangi ang Hello Stranger, Gameboys, at Sakristan na may episode/s na lumampas sa 1M views.

Noong Agosto 19 pa ipinalabas ang finale ng Hello, Stranger.

Kakatapos lang mag-shoot ni Tony ng horror-thriller movie na U-Turn with Kim Chiu and JM de Guzman.

Malapit nang mag-taping si Tony ng bagong Kapamilya teleserye na Cara y Cruz with Julia Barretto. Ikinakasa na rin ang shooting nila ni JC ng Hello Stranger sequel/movie.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Jerome Ponce and Teejat Marquez in Ben x Jim; Darwin Yu and Enzo Santiago in My Extraordinary; Genesis Redido and Migs Villasis in In Between; Kokoy de Santos and Elijah Canlas in Gameboys.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results