Meet the "Video Call Boys" of Lockdown: Who ya gonna call?

by Jerry Olea
Sep 21, 2020
The "Video Call Boys" of Lockdown: (L-R) Sean de Guzman, Dincent Lujero, Neil Suarez, Kristian Allene, and Michael Mauro Salas.
PHOTO/S: Lockdown movie/ FLA Films/ Black Ant Lensman

Nanginig at muntik nang matumba ang photographer na si Lee Santiago, aka Black Ant Lensman, habang nililitratuhan ang kahubdan ni Paolo Gumabao sa shooting ng pelikulang Lockdown noong Setyembre 12, Sabado ng gabi, sa Cavite City.

Nag-cameo si Lee bilang photographer, at nakatatlong take ang eksena habang pini-pictorial niya ang walang saplot na si Paolo.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masikip kasi sa location at nakakasilaw ang ilaw. Nakakahilo,” sambit ng diabetic na si Lee matapos kunan ang eksena.

“Buti na lang, nakakapit ako sa isang production staff or else, baka nabuwal na lang ako.”

Nasaan na ang mga litrato ni Paolo na naka-birthday suit?

“Kinopya lahat ni Paolo sa kanyang cellphone. 'Tapos, binura ko sa aking camera. Utos ni Direk Joel,” sabi ng 45-anyos na photographer.

Si Lee ang tagakuha ng BTS (behind the scenes) sa Lockdown, na idinirek ni Joel Lamangan para sa FLA Films ni Jojo Barron.

Maliban kay Paolo, ilang ulit ding nagpasilip ng private part ang iba pang "Video Call Boys" ng Lockdown na sina Sean de Guzman, Dincent Lujero, Kristian Allene, at Neil Suarez.

SEAN DE GUZMAN: BREADWINNER

Pinakamaharot umindayog sa Video Call Boys si Sean de Guzman, na tatlong taon nang member ng all-male sing-and-dance group na Clique 5.

TikToker ang 21-anyos na binata, na ang isang TikTok pasiklab ay na-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Setyembre 13, Linggo ng gabi, sa GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakalabas na si Sean sa Wagas ng Kapuso Network.

First movie niya ang Lockdown, at batid ng kanyang ina at manager na si Len Carrillo kung gaano kapangahas ang papel niya rito.

“Alam po ni Mama na... sabi ko, may ganito akong project, ganoon-ganoon. Suportado naman po ako,” malumanay na lahad ni Sean noong Setyembre 11, Biyernes ng umaga, sa Villamar beach resort ng Noveleta, Cavite.

Bakit nag-audition siya para sa pelikulang Lockdown? “Siguro po, dala na rin po ng pandemic, walang work. So, grab the opportunity po.

"And ano po, siguro, ito rin po yung image ko. Parang daring-daring po."

Kumusta ang daring scenes niya?

“Noong unang audition po, sinabi na po sa amin na maghuhubad, ganyan. So, tinanggap ko na sa sarili ko na kakayanin ko, gano'n.

“And then, noong sa actual shoot na po, parang kinabahan na ako. Nag-tense ako. 'Tapos, nanginginig pa nga po ako!” natatawang pag-alala ni Sean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, parang... parang ano... first time ko po kasing gawin ‘yon, na may frontal. Lahat. All the way po lahat.

“So, iyon po, kinabahan ako. And then, siyempre nanginig po ako. Pero kinaya naman po.”

Aminado si Sean na may nakalandian siyang ka-fling sa pamamagitan ng video call. Pati sa panahon ng pandemic?

Natawa muli ang binata, “Ahh, meron po. Pero hindi naman po gano’n kalaswa kumpara sa ginawa namin dito. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi po, sa film na ito, very ano po siya, e... very... all the way po talaga yung ginawa namin, as in halos wala lahat, ipinakita namin lahat, ganyan.

“Iyong ginagawa ko naman po [sa totoong buhay], walang mukha. Ganyan. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Iyon po!”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Breadwinner ba siya sa kanilang pamilya?

Natigilan sandali si Sean bago sumagot, “Basically po, opo. Kasi, iyong mama ko po, nasa bahay lang. Housewife po siya. And then, iyong mga kapatid ko po, nag-aaral.”

Ilang kapatid?

“Apat po. Kumbaga, pangalawa po ako—panganay po ako sa pangalawang asawa. So, parang tumatayong panganay na po ako.

“May kapatid po akong una. Pero magkaiba kami ng tatay.”

Sampung taon nang hiwalay ang mga magulang ni Sean. Bilang breadwinner, malaki ang apekto ng pandemic sa kanya.

“Ako lang po ang nagbibigay sa amin, e. Siyempre, nag-aaral din po ako. So, iniintindi ko rin po sila,” gumaralgal ang boses ng binata.

“Siyempre, yung mga binibili nila. Iyong mga pangangailangan nila sa pang-araw-araw, ganyan.

“Mga bata pa po ang mga kapatid ko, 16, 17. Kaya sa amin po, ako lang ang nakakadiskarte.

"Hindi pa sila makatrabaho, ganyan. So, tulung-tulong lang po muna sila kay Mama.

“Malaking impact po sa entertainment industry iyong mawalan ng trabaho. Wala pong events. So, hindi po kami makaraket kung saan-saan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala pong gawa, wala pong ganap sa entertainment industry.

“Kaya nga po very thankful po ako kay Direk Joel na napasama po ako dito sa film niya.”

Hinanap ba niya ang kanilang tatay para humingi ng tulong ngayong may pandemya?

May bahid ng pait ang ngiti ni Sean, “Hindi na po. Kasi, wala na rin po kaming idea kung nasaan ang tatay namin.”

May kontak ba siya sa tatay nila?

“Nakausap ko po siya last time... last... last week po yata.

"Nag-chat po sa akin. Sa Messenger. Iyon. Nangangamusta lang.”

Wala raw maibibigay na tulong sa kanila?

Napahalukipkip si Sean, “Hindi ko na po siya tinatanong sa mga ganoong bagay. Unang-una po, hindi ko po siya kailangang tanungin sa ganyan.

Parang... siyempre, kung magkukusa ka, di ba? Kung may kusa...”

DINCENT LUJERO: FRESH

Pinakasariwa sa Video Call Boys ang 20-anyos na si Dincent Lujero, na taga-General Trias, Cavite.

Noong high school ay volleyball player siya sa Academy of Saint John. Nag-talent siya sa dalawang pelikula na hindi pa naipapalabas—ang Blood Brothers ni Cesar Montano, at ang Isa Pang Bahaghari na idinirek ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Dincent noong Setyembre 11 sa Villamar beach resort, “Nag-audition po ako sa movie ni Direk Joel, kasi naging estudyante rin po kasi niya ako sa workshop.

“Then siyempre, pag sinabi namang Direk Joel yung direktor, magandang pelikula talaga, and kaabang-abang.”

Alam niyang mapangahas ang gagampanan niya sa Lockdown?

Mabilis na sagot ni Dincent, “Opo. Nabasa ko sa description ng audition na daring talaga, and yun nga, ang mga eksena.”

Kumusta ang shooting ng daring scenes?

“Noong una, may tense talaga. Kasi, first time kong gagawin ‘to. Then, yun nga, nilakasan ko na lang ang loob ko,” napapangiting saad ni Dincent.

“Kasi, nandoon na rin ako. Wala nang atrasan ‘to.”

Kumusta ang eksena nila ni Jim Pebanco, gumanap bilang Mama Rene, nanay-nanayan ng Vidjakol Boys?

“OK naman po. Parang nadadala rin po niya kami sa eksena. Iyong parang... ano... nasa-shock ako, kasi beterano yung kaeksena ko.

“Then, kami mga baguhan lang pero nadadala naman po. Kinakaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Sa Isa Pang Bahaghari ay bahagya nang mahagip ng kamera si Dincent bilang isa sa mga katropa ni Albie Casiño, na gumanap bilang young Phillip Salvador.

Pero dito sa Lockdown, malamang na mapansin siya.

Matamis ang ngiti ni Dincent, “Ayun nga po. Kasi, para bang... nagbukas iyong bagong opportunity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sinubukan ko na lang din. Wala namang mawawala siguro, para i-try yung ganito, na panibagong eksena na daring, ganoon...

“Kaya talagang kaabang-abang itong movie na Lockdown. Kasi, mainit yung mga eksena. Solid yung mga artistang andito.

“Then, talagang all out. Bigay kung bigay.”

Kumusta ang bonding niya with his co-actors?

“OK naman po. Madali silang kasama. Then, OK din yung mga usapan, kuwento, share-share na lang din. Ganoon po.”

Ano ang pangarap niya sa buhay? Gusto ba niya talagang mag-artista, o may gusto pa siyang ibang trabaho?

“Gusto ko po talagang maging artista pero parang noong bata pa ako, gusto kong maging lawyer,” sambit ni Dincent.

“Kaso, hindi ako ganoon ka-push sa pag-aaral kaya dito na lang ako sa opportunity.”

Sa totoong buhay, gumawa na ba siya ng "vidjakol"?

“Hindi naman po. Walang experience na ganoon,” pakli ng binata.

Bakit?

“Natatakot din po ako. Kasi, baka biglang may kumalat, ganoon. Then, siyempre maaapektuhan yung family ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasubukan na ba niyang makipag-cybersex?

Natawang pag-amin ni Dincent, “Na-try na rin po. Sa ex-girlfriend po. Ha! Ha! Ha! Ha! Pero hindi naman po siya totally ano, na video.

“Mga teaser-teaser lang, ganyan.”

KRISTIAN ALLENE: MYSTERIOUS

“Duty free” at lambutin ang putotoy ng karakter ni Kristian Allene sa Lockdown. Ganoon din ba sa totoong buhay?”

“Sa story lang ‘yon!” natawang paglilinaw ng 25-anyos na si Allene noong Setyembre 14, Lunes, sa Villamar beach resort.

“Dito sa movie, ako si Rex, ang binu-bully ng grupo. 'Tapos, ang pinakadyutay raw.

“Sa totoong buhay, siyempre, daks tayo. Palaban ‘to! Ha! Ha! Ha! Ha! Di lang makita, kasi, ano... camera-shy. Ha! Ha! Ha! Kaya ayun!”

Kumusta ang experience niya sa pagsu-shoot?

“Masaya naman kahit paguran. Pero OK naman, kasi kailangan din natin ‘yan,” pakli ni Allene.

Kumustang katrabaho si Direk Joel Lamangan?

“Si Direk Joel, ibang level na kaya grabe yung naka-work ko siya. Talagang sobrang excited.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos, sobrang saya sa feeling, lalo na noong natapos iyong scene namin.

“Sobrang bait. Mabait.”

Na-shock ba siya sa pinaggagawa niya sa Lockdown?

Misteryoso ang ngiti ni Allene, “Actually, na-shock din. Kasi, first time kong lumabas sa indie na ganito, e.

“Pero ayun, push lang. Baka... malay mo, may opportunity na dumating.”

Ano ang pangarap niya sa buhay?

“Sana, mag-boom yung career para naman, kahit papaano, mag-level up.

“'Tapos, ayun, sana... magka-stable job. Lahat naman, para sa family,” matamang tugon ni Allene.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Single father si Allene sa isang baby girl. Kung anu-ano ang raket na pinapasok ni Allene para sa kanyang one-year old daughter, na nasa pangangalaga niya sa kanilang bahay.

“Iyong group namin na Boys in the Avenue, nagsi-sing and dance. Sa group, ako ‘yung dancer, pero pwede rin akong mag-rap,” salaysay ni Allene.

“Iba-iba, iba-iba kaming genre, e. 'Tapos, nagmo-modeling din. Photo shoot. Lumalabas sa mga designers’ clothes.

“Sa TV, mostly, naka-cast ako sa mga reenactment. Nag-talent din ako noon sa Mea Culpa: Sino Ang Maysala?. Nakaeksena ko si Sandino Martin.

“Sexy yung ginawa namin, pero marami kaming magkakasama kaya parang hindi naman nakakailang. Kumbaga, wala namang malisya iyong ginagawa.”

Ang Mea Culpa: Sino Ang May Sala? ang dating teleserye ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla.

Alin ang mas na-enjoy niya— kumanta, sumayaw o umakting?

“Itong akting naman, kakaiba siya, e, kumpara sa sing and saka sa dance, e,” pagbuntong-hininga ni Allene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ibang klase ‘to kaya parang nagugustuhan ko na rin siya.”

Sumasali rin si Allene sa timpalak. Second runner-up siya sa Mr. Global Bachelor 2018. Lumahok din siya sa Fashion Model Quest.

Takaw-pansin ang nunal sa kanyang mukha, malapit sa kanang tainga.

Mapanukso ang ngiti ni Allene, “Abangan niyo ang Lockdown, bagay na bagay ito sa panahon ngayon! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Mahirap ba ang buhay sa panahon ng pandemya?

“Lagi namang mahirap... Lagi namang mahirap ang buhay kaya push lang!” natatawang sambit ni Allene sabay pitik sa hangin.

NEIL SUAREZ: EXPERIENCED

Nag-frontal nudity ang indie actor na si Neil Suarez sa isang short film na may adhikain kontra karahasan sa kababaihan.

“OK naman, medyo nakakakaba. Pero excitement talaga para sa akin,” komento ni Neil nitong Setyembre 11, Biyernes ng gabi, sa Villamar beach resort.

Kasi siyempre, dati, hindi ko naman siya ginagawa, e.”

Bakit siya napapayag?

“Experience na rin, kaya ako napapayag.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Level-up ang pagtatalop niya sa pelikulang Lockdown, kung saan siya ang pinaka-kuya ng Video Call Boys.

Nasa kalendaryo pa rin naman ang edad niya. Bakit ginusto niyang makasama sa pelikulang Lockdown?

“Para siguro mahasa na rin ako,” sabi ni Neil, na lumabas din sa Cinemalaya 2018 short film na Kiko.

“Iyong ginawa ko sa Lockdown, parang normal na lang, e. Noong shooting, feeling ko, wala lang.

“Parang ako lang iyong nandodoon. Parang totoong buhay.”

Ano ba ang ginagawa niya sa totoong buhay?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Literal na ginagawa ng lalaki. Ha! Ha! Ha! Ha! Pag kailangan. He! He! He! He!” pilyong halakhak ni Neil.

Ano pa ang iba niyang gawain?

“Nagbi-business. Sa Baliuag, Bulacan, iyong gourmet. Iba’t iba, iyong mga tuyo, bangus.

"'Tapos, mag-o-open din kami ng seafoods, fresh, pwede ring paluto, sa may Farmer’s Cubao,” salaysay ni Neil.

Bakit naisipan niyang magnegosyo?

“Hindi naman kasi habambuhay, puro sa ganito na lang tayo, e. Siyempre, kailangang may source of income din tayo,” paliwanag ng indie actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakakanta si Neil kahit paano, pero ipinagmamalaki niya ang talent sa pagsasayaw—modern dance, pati sexy dance at erotic dance.

“Kahit ano, kahit ethnic dance,” sambit ni Neil, na naging finalist sa "Macho Men" contest ng Eat Bulaga.


Pakiwari ni Neil ay may dugong-banyaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya lang, ayaw umamin ng magulang ko!” natatawa niyang sambit.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Madrama ba? Marami talaga akong pinagdaanan, e. Broken family.”

Ilan silang magkakapatid?

“Sa una, apat kami. 'Tapos, sa pangalawa, may second family ako, tatlo ang kapatid ko. Bale pito kami,” kaswal na saad ni Neil.

“Ako ang breadwinner sa family. Kasi, iyong magulang ko, noong umalis doon sa bahay namin sa Bulacan... hindi alam ng daddy ko na nagbubuntis yung nanay ko.

“Ako yung dinadala. Na buntis na pala yung nanay ko sa akin. 'Tapos, ang nanay ko, nagkaroon ng boyfriend, ayun, kinupkop ako.

“Parang siya na ang nagpalaki sa akin. 'Tapos, siya na rin yung dinala kong apelyido.”

Nakilala kapagkuwan ni Neil ang kanyang biological father, at nag-bonding sila.

“Medyo OK na ang buhay ko. Nakita ko na kasi yung totoo kong tatay, e,” pagngiti pa ni Neil.

MICHAEL MAURO SALAS: CONSERVATIVE

Kagrupo man ng Video Call Boys ang 21-anyos na si Michael Mauro Salas, Mau for short, ay hindi siya nag-all-the-way sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa beach pictorial para sa promo, hanggang butt crack lang ipinasilip niya.

May mga kaibigan at katropa siyang may scandalicious video online. Meron din ba siya?

“Wala, malinis ako,” mabilis na sagot ni Mau, na kagrupo ni Kristian Allene sa Boys in the Avenue.

Sing-and-dance siya mula 16-anyos. Paborito niyang kantahin ang mga awit ng bandang South Border at ang "Let Me Be the One" ni Jimmy Bondoc, iyong mga pang-karaoke.

Bakit sumabak agad siya sa trabaho?

Seryosong tugon ni Mau, “Kasi, yun, sa hirap din ng buhay dati. Saka wala ring pang-aral. 'Tapos, naisip kong mag-career na lang. Nagagamit naman, e.”

Bakit may ganoong hirap ang kanyang buhay? Wala bang nagpapaaral sa kanya?

Napakibit-balikat si Mau, “Wala, ganoon talaga, e. Well, ano... wala rin. Hindi kinaya ng magulang ko...

“Actually, kaya naman. Pero ano, parang ang hirap lang din ng sitwasyon na gano’n.

“'Tapos, palipat-lipat pa kami gawa ng nagkakaproblema na rin, 'tapos, financially na talaga. Ayun, mas ginusto ko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Nakatuntong ng high school si Mau. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid.

“Iyong ate ko, nagwo-work. 'Tapos, iyong bunso, bata pa ‘yon, nag-aaral,” saad ni Mau.

“Kaso ngayon, pandemic ngayon, di ba? Hindi siya nakakapag-school.”

Parang ang dami na niyang karanasan sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman. Sakto lang,” pagmamatuwid ni Mau.

Parang marami siyang hugot. Marami na bang nanloko o gumamit sa kanya? Natuto na rin siyang manggamit ng kapwa?

“Ganoon? Wala. Mabait ako, e,” pakli niya.

Sa entertainment world, maraming mga babae at bading. Marupok ba siya? Nadadala sa mga tukso?

“Ayun! Hindi natin maiiwasan ‘yon. Pero siyempre, kailangan marunong tayong magdala!” bulalas ng binata.

“Hindi tayo papadala sa ganoon. Ha! Ha! Ha! Ha! Basta ako, ano... kung anong pagsubok diyan, kakayanin.”

Kumusta ang experience niya sa pelikulang Lockdown?

“Ayun, first time ko ‘yon, masaya naman. Ahhh... masaya, kasi iyong mga katrabaho mo, mababait sila lahat.

“Di ko expect na ganoon pala iyong samahan nila. OK.”

Kaya lang, shy siya... “Oo, kasi, may mga itinatago tayo na dapat sa atin lang,” napapangiting katwiran ni Mau.

“Ano kasi, konserbatibo pa ako, e, ganoon. Ha! Ha! Ha! Ha!”

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The "Video Call Boys" of Lockdown: (L-R) Sean de Guzman, Dincent Lujero, Neil Suarez, Kristian Allene, and Michael Mauro Salas.
PHOTO/S: Lockdown movie/ FLA Films/ Black Ant Lensman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results