Jun Lana will direct Janella Salvador in Retreat House and LJ Reyes in Anino Sa Likod ng Buwan

Jun Lana (left frame) will direct Janella Salvador (right frame) in a horror movie titled Retreat House.



Mahirap na desisyon ang ginawa ni Direk Jun Lana nang mag-resign siya bilang creative director sa GMA-7. Kumportable na kasi siya sa Kapuso Network, ngunit gusto ni Direk Jun na magawang muli ang mga bagay na malapit sa kanyang puso.

“Para sa isang writer, kapag matagal ka nang naging parte ng isang network magiging kumportable ka, e. Nakakatakot umalis, ako, noong nag-decide akong umalis, hindi madali yun. In fact, noong na-realize ko, parang isang buwan akong nagkasakit, ang hirap.

“Natakot ako noong una to leave my comfort zone, but then, I really wanna go back to my roots, doing films that I really want to do for myself and I’m passionate about,” saad ng award winning filmmaker nang makapanayam kamakailan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment writers.

“But I learned a lot from my stay with GMA and in doing mainstream films. Kasi before, I just write what I want to write. With them, I learned how to connect with the audience.

In teaching naman, I also learn a lot from my younger students,” dagdag pa niya.

“I want to concentrate on making more films, yun ang primary reason kaya ako nag-resign. And then, marami pang puwedeng i-explore, e.

“Right now, television is just one of the platforms for entertaining audiences. Now, mayroon nang online entertainment. Gusto kong i-explore iyon, I can penetrate that,” pahabol pa niya.

Sa GMA-7 ba niya gagawin ang plano na ito?

“Hindi ko alam e, hindi ko alam. Kasi, one of the reasons kaya gusto ko rin kumawala sa kontrata ko, 17 years akong nakakontrata, e… So, excited ako, na puwede akong mamili ngayon kung saan ko gustong magtrabaho,” saad pa niya.

Posible ba siyang lumipat sa TV5?

“Hindi ako sure, hindi ko alam kung ano ang mangyayari next year. Basta ang alam ko lang, ang immediate plans ko, magtuturo ako, gagawa ako ng pelikula.

“Pero yung network, hindi ko alam.”

Si Direk Perci Intalan ba ang nag-influence sa kanya kaya siya nag-resign sa GMA-7?

“Si Perci ba nag-influence sa akin?” ulit niya sa aming tanong. “Hindi… na-inspire ako. Dahil magmula nang nag-resign siya, parang ang saya-saya na niyang tao. Mas masaya na siyang kasama sa bahay, hindi na siya stressed.

“So, parang masaya ang ginagawa niya, kaya, magaya nga,” nakangiting wika pa niya.

Mayroon ba siyang dream project?

“Ang dream ko na lang… ang dami ko kasing scripts, e, noong nagsisimula ako noong bata ako, ang dami kong sinulat na scripts for myself. Kasama dito ‘yung Bwakaw, Barbers Tales, iyong Anino sa Likod ng Buwan… siguro may mga sampu pa ako.

“So, ang dream ko na lang ay ma-produce ko lahat yun, yung mga script na sinulat ko noong bata pa ako. Kasi when I read the scripts na sinulat ko mga 10, 20 years ago, nasu-surprise ako. Ang galing-galing ko na pala noon, mas matapang pala ako noon magsulat, mas daring pala ako noon.

“So, yun ang gusto kong balikan, kasi medyo naging safe na ako, e. So, eto ang mga ginagawa kong pelikula ngayon.”

Sino namang stars ang gusto niyang makatrabaho?

“Si Ate Guy [Nora Aunor] kasi, matagal ko nang gustong makatrabaho pero parang nakatrabaho ko na rin siya dahil may cameo siya sa Barbers Tales, tapos magkasama kami noong time na nagsu-shoot kami sa Dementia.

“Siguro si Ate Vi na at saka si Sharon [Cuneta]... sila ang gusto ko pang makatrabaho

“Kasi, si Marya [Maricel Soriano] nakatrabaho ko na, si Juday [Judy Ann Santos] nakatrabaho ko na. Si Marian [Rivera] nakatrabaho ko na.”

Bakit sila?

“Kasi, eto yung mga artistang bilib ako, e. Next to Ate Guy, si Ate Vi, si Sharon…”

Ano ang tingin niyang lagay ng indie industry ngayon?

“Okay siya, actually interesting siya dahil nabibigyan ng boses yung mga bagong filmmakers. Ang problema na lang talaga is how to market them. How to distribute them and how to develop new audiences for all these indie projects.”

Ayon pa kay Direk Jun, pwedeng makabawi ang mga indie filmmakers sa pamamagitan ng alternative market.

“Kasi kung ang budget ay nasa P5 million, kaya po siyang mabawi sa schools. Like sa isang screening namin sa UP na maliit lang, 1000 lang naman yata ang [capacity]. Doon naka-almost P90,000 kami for one screening and then naka-tatlong screenings po kami roon.

“Then nag-Ateneo na po kami, nag-La Salle, nag-UP Manila, PUP, UP Los Banos na rin po kami. So, nakabawi po talaga kami but it takes time,” saad niya na idinagdag pang ang Bwakaw at Barber’s Tales ay nabenta na nila ang TV rights bago pa nila ginawa iyong pelikula.

Masasabi mo bang proud ka sa pagiging indie filmmaker?

“I’m grateful, really grateful na nakakatawid ako sa paggawa ng indie tapos nakakagawa rin ako ng mainstream, dahil hindi lahat ng indie filmmakers nabibigyan ng opportunity.

“Maraming magagaling na indie filmmakers pero hindi makakuha ng chance na makagawa ng mainstream and then marami ring mainstream filmmakers na hindi din makagawa ng indie."



UPCOMING 2015 PROJECTS. Masaya si Direk Jun na nagagawa niya pareho ang mainstream at indie film projects.

Nag-kuwento siya tungkol sa mga pelikula na gagawin niya this 2015.

“I’m just thankful na nakakatawid ako. Like eto, after December gagawin namin ay isang indie project. Sa January, gagawin ko naman yung mainstream film na horror for Regal and Star Cinema. So thankful ako na nagagawa ko yun.

“Ang title nito ay Retreat House at ang bida ay si Janella Salvador. Then yung indie is Anino Sa Likod ng Buwan with LJ Reyes, Anthony Falcon, at Luis Alandy.

“As of now, puro rehearsals muna kami. We’ll start the shoot on December 26 and end it by December 29.”



LJ Reyes, Anthony Falcon (left, of Requieme, Violator) and Luis Alandy


Binanggit din niya ang project na Ama Namin ukol sa paring may anak. “Na-cast ko na po yung bata, yung priest may idea na ako,” pahayag ni Direk Jun.

“Ang story nito ay father-son relationship at ang main location is church. Noong may nakuha na kami umaatras na tuwing malalaman nila yung subject matter.”

Nang i-suggest ng veteran entertainment columnist na si Mario Bautista na kunin niya si Piolo Pascual bilang pari, sumang-ayon si Direk Jun.

“Ay magandang idea ‘yan! Maganda! Hindi ko naisip ‘yan a,” pagsang-ayon pa niya.

“Iyong gaganap na bata rito, yung bata sa pelikulang Sundalong Kanin, si Nathaniel Brit. Sana matuloy, by next year ay plano naming gawin ito.”

Sa ngayon, abala si Direk Jun sa kanyang libreng scriptwriting workshop sa mga karapat-dapat na manunulat. Pagkatapos nilang masala ang applicants na umabot ng 350, twenty ang matitira sa mapapalad na aspiring writers.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN