Director Cathy Garcia-Molina reveals John Lloyd Cruz-Bea Alonzo reunion movie “put on hold” due to pandemic

by Bernie V. Franco
Oct 23, 2020
Film director Cathy Garcia Molina relates that he and John Lloyd have met earlier this year to gear up for his movie comeback and reunion with Bea Alonzo, but the pandemic happened.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / @johnlloydcruztm and @beaalonzo on Instagram

Inamin ng film and TV director na si Cathy Garcia-Molina na nakatakda sanang gumawa ng pelikula si John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ngayong 2020.

Nagpulong na raw sila ni John Lloyd at napag-usapan na ang istorya, subalit naantala ang proyekto sanhi ng pandemya.

Sabi pa ng blockbuster director, hindi niya tiyak kung kailan na matutuloy ang magsisilbi sanang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Hindi raw niya alam kung kailan magiging available uli si John Lloyd.

Ito rin sana ang magsisilbing major comeback movie project ni John Lloyd na nakapahinga sa showbiz mula pa noong 2017.

Tinatayang sampung blockbuster movies ang pinagsamahan nina Direk Cathy at John Lloyd mula sa ABS-CBN film outfit na Star Cinema.

Kabilang na rito ang mga pelikula nila ni Bea: One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), at A Second Chance (2015).

"Yun ang naka-line up sa akin during the pandemic, as in," pagbubunyag ni Direk Cathy.

Continue reading below ↓

"Yun ang mini-meeting namin lagi,” aniya sa bloggers’ conference ng kanyang charity project na "Pakpak ng Pangarap," Huwebes ng gabi, October 22.

Pero lumabo ang pag-asang matuloy ito dahil nangyari nga ang pandemya.

Binanggit din niya ang dahilan kung bakit walang katiyakan kung kailan ito matutuloy.

“Until medyo tumatagal po kami, kasi siyempre, hindi namin matantiya yung ano, e, yung pandemya.

“’Tapos may creative process pa po iyan. Inabutan na ng hindi available si Lloydie,” pagtukoy sa aktor.

“So, may mga prior commitments na siya. So, na-put on hold.

“Binigyan ako ng bago. Ganoon din, laging may problema.”

Inanunsiyo noong Februay 2020 na ididirek sana niya ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ngayong taon.

Pero naunsiyami rin ito.

HOPEFUL REUNION WITH JOHN LLOYD WILL PUSH THROUGH

Sa kabila nito, hindi nawawalan ng pag-asa si Direk Cathy na matutuloy pa rin ang paggawa niya ng pelikula kasama si John Lloyd.

Continue reading below ↓

“Excited na din naman po ako. Na-miss ko na si John Lloyd Cruz," sambit direktor na malapit sa dramatic actor.

“Sabi ko nga sa kanya nung nagkita kami bago magpandemya…

“Nagkita pa kami sa UP, kumain pa kami nila Carmi,” pagtukoy kay Carmi Reymundo, Star Cinema producer and screenwriter.

“Kasi nga inayos namin itong kuwento. ‘Tapos nag-meeting na rin kami online.

Continue reading below ↓

Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na may mga naunsyaming movie projects ang director.

“Alam niyo po marami nang ganoon, hanggang sa di umabot.”

NO MOVIE DURING PANDEMIC

Sabi ni Direk Cathy, choice niyang huwag tumanggap ng pelikula habang may pandemic.

“Itong nakaraan meron po ako uli [offer]. Sabi ko, baka puwedeng next year na lang kung hindi [matatapos ang pandemic].

“Huwag na nating ipilit kung hindi talaga akma. Kasi ako po, nagsasabi sa Star Cinema...

“I am very open to them, that I said, I’m very honest na, ‘It will really be very hard for me to direct ng may social distancing.’

“Kasi highly physical po akong mag-direct. I hold them; I talk to them; I touch them...

“Sabi ko, ‘Paano ko ito mo-motivate, di ba, nang malayo?’

“I talk to my cameramen. Ako, gusto ko, sama-sama ang staff ko, kumakain kami…

“’Tapos one-seat apart. Hindi ko kayang i-figure out sa utak ko po talaga.

Continue reading below ↓

“I know there are ways, because some did it.

“And I congratulate them. Sobrang saludo ako sa kanila for being able to do that.

“But me, I told Inang, 'I don’t know how I would do it with the same passion and intensity kung ang lalayo nila sa akin.'”

Ang Inang na tinutukoy ni Direk Cathy ay si Olivia Lamasan, head ng ABS-CBN Creative Department.

“Sabi ko, kung kaya namang i-delay…”

Samantala, ang proyektong "Pakpak Ng Pangarap" ay ang fundraising event ng grupo ni Direk Cathy, ang NICKL Entertainment.

Layon ng kanilang programa na makalikom ng pondo upang maibili ng laptop at tablets ang mga mag-aaral na nangangailangan.

Mangyayari ang auction ng pre-loved items ng mga artista sa October 31, Sabado, mula 9:00 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Para sa makabili ng tiket, mag-log-on sa www.ktx.ph.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Film director Cathy Garcia Molina relates that he and John Lloyd have met earlier this year to gear up for his movie comeback and reunion with Bea Alonzo, but the pandemic happened.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment / @johnlloydcruztm and @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results