Remember when Super Tekla made this revelation?
Oct 28, 2020

Maraming tawang-tawa sa mga pakuwela ni Super Tekla nung una itong pumasok sa showbiz.

Malaking tulong ang pagse-share ng netizens ng mga video ng kuwelang batuhan nila ng linya ng kapwa komedyanteng si Donita Nose sa pagho-host nila noon sa Wowowin ni Willie Revillame.

Marami pa nga ang nag-iisip noon na mukhang may pantapat na ang GMA-7 kay Vice Ganda na namamayagpag sa ABS-CBN.

Bawat video at shows kasi kung saan lumalabas si Super Tekla, patok.

Hindi nga nagtagal at naisipan na ng GMA-7 na panahon na para bigyan ng sariling pelikula si Super Tekla.

Through one of their movie productions division, ang Backyard Productions, na-produce ang Kiko En Lala, ang launching movie ni Super Tekla.

At nung 2019, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP Live na mai-guest si Super Tekla habang nagpo-promote ito ng kanyang pelikula.

Sa PEP Live guest appearance niyang ito, na-reveal ang totoo.

Hindi bakla si Tekla.

Ginawa niya ang rebelasyon nang tanungin siya ng host na si Jimpy Anarcon tungkol sa kanyang buhok.

Habang ikinukuwento kung paano niya ginagawa ang kanyang buhok, doon sinabi ni Super Tekla ang totoo.

"Hindi talaga ako marunong mag-ayos, mag-makeup, and everything. Kumbaga..." tigil muna ni Super Tekla na animo nag-isip panandali.

"Kasi, straight guy ako, e."

At saka niya ipinagpatuloy ang pagkukuwento kung paano siya natutong mag-ayos sa sarili para magmukhang gay comedian.

Panoorin ang video kung bakit niya naisipang mag-gay comedian at kung ano ginagawa niya bago naging Super Tekla.

Para mapanood ang buong PEP Live interview ni Supert Tekla, CLICK HERE: https://www.youtube.com/watch?v=h15e6KjBxO4

HOT STORIES

#supertekla #peplive #kikoenlala

Host: James Patrick Anarcon
Shoot Producer: Rommel Llanes
Director: John Henri Mariano
Videographers: Acaico Manipon, Vincent Mendez,

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results