Angelica Panganiban purrs her way into the world of animation via Hayop Ka!

by Arniel C. Serato
Nov 2, 2020
Angelica Panganiban on her "Nimfa Dimaano" character: "I’m sure marami din akong kailangan pang matutunan sa life. Hindi naman ako perpekto. So very relatable kasi si Nimfa, e. So yun naka-relate ako sa kanya.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram / Netflix

Palabas na ngayon sa Netflix ang Filipino animated movie na Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story.

Tampok dito ang boses ni Angelica Panganiban sa title character.

Kuwento ito ni Nimfa Dimaano (Angelica), isang perfume sales kitty sa isang department store.

Boyfriend niya ang macho mongrel o aso na si Roger, na binigyang karakter naman ni Robin Padilla.

Continue reading below ↓

Nangangarap si Nimfa na umasenso rin sa buhay at hindi habambuhay na mahirap, ngunit ang kanyang ka-live in na si Roger ay kuntento na lamang sa simpleng buhay.

Continue reading below ↓

Hanggang sa makilala ni Nimfa ang bourgeoisie business dog na si Iñigo Villanueva, na binigyang boses naman ni Sam Milby.

Sa virtual zoom conference ng Hayop Ka noong Lunes, October 26, inamin ni Angelica na nangapa siya noong una dahil first time niyang gumawa ng animated film.

Continue reading below ↓

Saad ng 33-year-old actress, “Kasi wala akong alam sa mundo ng animation, first time kong gumawa maging voice actor, so tinake ko na lang siya as a challenge.

“Then, of course, sa lahat ng challenge, kailangan mo siyang i-enjoy yung process.

“Ganun lang siguro. Hinayaan ko si Direk na maging direktor, i-guide niya talaga ako sa ano ba yung mga kailangan kong gawin, paano ko ide-deliver.

"Of course, meron siyang sariling vision for the film. And kailangang masakyan ko yun para matawid ko yung pelikula.

“And hindi naman ako pinabayan. And ano naman, hinayaan niya akong mag-take time para magawa ko yung character ni Nimfa.”

Ang Hayop Ka! ay idinirek ni Avid Liongoren.

“NEVER LANG AKONG NAG-CHEAT PA.”

Ano sa tingin niya ang kahalintulad na ugali niya kay Nimfa at kung saan sila nagkakaiba?

Humahalakhak na sagot ni Angelica, “Sa libog!”

Patuloy niyang natatawa pa rin, “Sa panahon ngayon, ang lamig kasi, guys, kasi umuulan.”

Continue reading below ↓

Seryoso niyang bawi, “Saan ko siya maku-compare?

“Actually, hindi naman malayo sa akin si Nimfa.

“Though never lang akong nakapag-cheat pa. At ayoko naman siyang achieve-in.

“Ayokong makapanakit di ba?

"So, siguro wala naman akong nakikitang mali. Wala akong nakikitang mali, paano?

"Siguro dun sa personality ni Nimfa, kasi lahat tayo, di ba, may mga pangarap along the way, parang gusto ko rin naman ng ganito, gusto ko rin ng ganyan.

“Naiintindihan ko yung karacter niya and yung proseso para matuto siya.”

Dagdag pa ni Angelica, sa totoong buhay ay nangangarap din ang bawat isa sa atin.

Aniya, “Ganun naman talaga sa life, di ba? You learn the hard way.

“So, feeling ko hindi kami… I’m sure ganun ako nung kabataan ko.

“I’m sure madami akong kalokohan para maabot ko kung nasaan ako ngayon.

“And I’m sure marami din akong kailangan pang matutunan sa life.

“Hindi naman ako perpekto. So very relatable kasi si Nimfa, e.

Continue reading below ↓

“So yun naka-relate ako sa kanya. So hindi ako nahirapan.”

Ang iba pang mga artista na nagbigay boses sa iba pang tauhan sa animated film ay sina Empoy Marquez, Piolo Pascual, Arci Muñoz, Eugene Domingo, Yeng Constantino, Moira dela Torre, at Bb. Joyce Bernal.

Ang Hayop Ka! ay mula sa Rocketsheep Studio and Spring Films.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on her "Nimfa Dimaano" character: "I’m sure marami din akong kailangan pang matutunan sa life. Hindi naman ako perpekto. So very relatable kasi si Nimfa, e. So yun naka-relate ako sa kanya.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram / Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results