Why Love Why stars Carl Adaron, Johnrey Rivas "nasarapan," hindi nahirapan sa sex scene

by Jerry Olea
Nov 9, 2020
Sina Johnrey Rivas (L) at Carl Adaron (R) ang mga bida sa Why Love Why na kakandirit ang una sa anim na episode ng Season 1 sa Nobyembre 14, 2020, Sabado, ng 8:00 p.m., sa YouTube channel ng Philstagers Films.
PHOTO/S: courtesy of Philstagers Films

Kawing-kawing ang ating kultura, kasaysayan at pagkakakilanlan sa Pinoy BL series na Why Love Why.

Kakandirit ang una sa anim na episode ng Season 1 nito sa Nobyembre 14, 2020, Sabado, ng 8:00 p.m., sa YouTube channel ng Philstagers Films.

Hinubog ng teatro ang dalawang bida sa Why Love Why, mula sa panulat at direksiyon ng multi-awarded na si Vince Tañada.

why love why movie poster

Continue reading below ↓

Talyada ang social realism sa mga obra ng beteranong direktor, kaya bagamat ang BL series na ito ay “produkto ng inuman,” asahang hindi ito pampakilig, pang-aliw o pampalibog lang.

Naglalayon itong makapagturo ng aral sa mga manonood, at magpamulat sa mga katotohanan na ipinagsasawalang-bahala ng karamihan.

Kung sa ibang BL series ay pahulaan pa kung ang mga bida ay maglalapat ang mga labi, sa trailer pa lang ng Why Love Why ay ibinilad na ang harutan at lampungan ng dalawang pangunahing tauhan.

Wala silang saplot.

Sinadya ni Direk Vince na ang kuning mga bida ay kayumanggi ang kisig, hindi tisoy.

Pagdidiin niya sa Zoom mediacon nitong Nobyembre 7, Sabado ng hapon, “Hindi sila mukhang manika. Hindi sila umaarteng manika.”

LOVE IS UNIVERSAL

Sa kuwento, kapwa straight sina Emil ( stars) at Benjo (Johnrey Rivas). Pareho silang may girlfriend.

Dahil sa pandemya, mistulang nakulong silang dalawa sa isang bahay.

Love is a basic human need, ika nga. Pinagsaluhan nina Emil at Benjo ang lumbay at ligaya, alingasaw at halimuyak, pagkaburyong at pagpapakasasa. Dinamayan nila ang isa’t isa, pinunan ang kakulangan at pangangailangan, hanggang nasumpungan nila ang sidhi at simbuyo sa sukdulan. Sala-salabat ang kanilang nakaraan, nanunuot ang salimuot, at ang tunggalian ng mga prinsipyo at paninindigan ay sasaklaw at sasakmal sa kanilang katatagan.

Continue reading below ↓

Ang Why Love Why ay kakabit ng dulang nilikha ni Direk Vince noon pa man, ang Dilaw o Pula, na mistulang gay version ng dulang Bongbong at Kris. Ang dilaw ay maka-Cory, at ang pula ay maka-Marcos. Nag-espadahan noon at nagsugatan ang dalawang kulay ng pulitika, at hanggang ngayon ay kumikibot, kumukurot, at kumikirot.

Sa panahon ng rehimeng Duterte, dito sa Why Love Why, nagtagpo ang apo ng Marcos loyalist at ang apo ng Cory loyalist.

"Why Love Why" rin ang pamagat ng official theme song ng series na si Direk Vince ang umawit at gumawa ng lyrics. Nilapatan ito ng musika ni Pipo Cifra.

Bahagi ng lyrics nito:

Bakit bawal na ibigin ka?/ Kailan tayo liligaya?/

Puso ay di makapagpasya/ Kung iba ay manghuhusga/

Bakit bawal na ibigin ka?/ Kung ramdam naman kita/

Ligaya nga’y pansamantala/ Tapos, lalayo ka na/

Tanong ko’y puro bakit/ Pag-ibig na pinagkait/

Damdamin ko na kaysakit/ Bakit, pag-ibig, bakit?

Continue reading below ↓

MAPUSOK, MAPANGAHAS

First time nina Carl at Johnrey na magtambal sa isang palabas.

Unang pagkakataon din na nakipaghalikan sila sa kapwa lalaki. Dahil kapwa hinasa ng teatro, walang pag-aalangan sila sa eksena ng pagniniig.

Nahirapan pa ba sila?

Sagot ni Johnrey, “Sanay na po kami sa intimate scenes sa stage. This time, isang bagong genre ito, kaya pinaghandaan po namin ni Carl.

“Nag-usap po kaming dalawa. We got to know each other’s character para maka-build po kami ng chemistry.

“Kaya noong kunan ni Direk, balewala na po sa amin. After the scene, nagtawanan na lang po kami.

“Nang mapanood po namin, masasabi po naming it paid off. Maganda po iyong ginawa namin.”

Saad ni Carl, “Iyong sex scene po namin ni Johnrey ay nasa trailer na. Ibig pong sabihin, merong dapat abangan pa sa Why Love Why.

"Merong kuwento kung ano ang nangyari kina Emil at Benjo, at iyon po ang pinaka-challenge talaga. Ang story talaga.”

Continue reading below ↓

Kung gayon, hindi sila nahirapan?

“Nasarapan po! Hahahaha!” maigting na halakhak ni Johnrey, at natawa na rin si Carl nang sakdal taginting.

why love why, johnrey rivas, carl adaron

ANG TEKNIK NI DIREK

Hinulma sa yaoi ang characterizations nina Benjo at Emil, pero binali ni Direk Vince ang tropes o conventions ng BL series.

Continue reading below ↓

Submissive si Benjo, at aggressive si Emil, pero walang female character na shipper o nagtutulak para mamukadkad ang kanilang romansa.

Sa halip, andiyan ang transgender (OJ Ar Ci) na hindi comic relief, bagkus ay nagbibitaw ng words of wisdom.

Ang katatawanan ay hatid ng mga hetero, in particular sina Beverly Salviejo at Vance Larena.

Sa unang teaser (1:23) ng Why Love Why, wagas ang pag-uusap nina Benjo at Emil.

“Bakla ba ako?” “Hindi.” “Bakla ka ba?” “Hindi rin.” “Pero bakit tayo nagmamahalan?”

Sa totoong buhay, kapwa agresibo sina Johnrey at Carl, keri ba nila na mag-frontal nudity, sa teatro man o sa pelikula?

Napangiti si Johnrey, “Dito po sa Why Love Why, wala po kaming saplot sa sex scene. Hubo’t hubad po kami na nag-sex. Sobrang intimate po ng scene.

“Sanay na po kaming maghubad sa experimental theater. Kaya hindi na po kami nanibago. Ang kaibahan lang po dito, may camera.”

Continue reading below ↓

Patotoo ni Carl, “Kahit po sanay na kaming maghubad, hindi po ibig sabihin ay maghuhubad kami for entertainment lamang. May kabuluhan po sa kuwento ang eksena.

“Artistic expression ito, bagamat first time po na gawin ko ito sa kapwa lalaki.”

Ano ang naramdaman nila during the scene?

Paliwanag ni Johnrey, “Dahil nagkiskisan po ang aming katawan, hindi po naiwasan ang erecti*n. May effect po talaga, lalo pa’t paulit-ulit. Meron pong excitement na hindi mapigilan. Pareho po kasi kaming walang plaster. Pero may teknik naman po si Direk para hindi iyon mahagip ng kamera...”

Ang kaswal na singit ni Direk Vince, “I told them to masturb*te. Iba’t ibang angle kasi ang kukunan, may choreography na susundan. Siyempre, hindi puwede sa YouTube na may erection na ganyan.

“Kaya sinabihan ko silang mag-masturb*te na muna para mai-release na iyong dapat i-release, at emotions na lang ang ma-capture ng kamera.”

VINCE & CARL & JOHNREY

Ang actor/writer/director na si VINCE TAÑADA ang founding president at artistic director ng Philippine Stagers Foundation (PSF, PhilStagers) sa loob ng labinsiyam (19) na taon.

Continue reading below ↓

Iniluklok siya sa Hall of Fame ng Aliw Awards, kung saan Best Director para sa mga dulang Ninoy (2009), Enzo Santo (2010) at Katips: Ang Mga Bagong Katipunero (2016), at Best Actor para sa Omoises (2007), Cory ng EDSA (2009) at Sindak 1941 (2019).

Nagtamo siya ng 1st place sa Palanca Memorial Awards for Literature para sa Ang Bangkay (2012).

Kilala si Vince sa mga obra niya na tumatalakay sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang 21-anyos na si CARL ADARON ay taga-Caloocan City. Tatlong taon na siya sa PhilStagers. Nag-umpisa si Carl bilang ensemble cast ng Obra ni Juan. Nang sumunod na taon, sumuporta siya bilang Procopio Bonifacio sa Supremo Redux. Sa Sindak 1941, gumanap siya bilang Hapon na si Kunitake.

Ang 23-anyos na si JOHNREY RIVAS ay tubong Tondo, Manila. Dose anyos pa lang siya ay kabahagi na siya ng PhilStagers. Nag-lead role siya sa mga musical na Supremo Redux , Sindak 1941, Obra Ni Juan, Katips: Ang Mga Bagong Katipunero at iba pa. Tampok din si Johnrey sa mga dulang The Gallery, La Vie En Rose, Abbatoire, at iba pa. Nagwagi siya sa Aliw Awards 2019 bilang Best Actor in a Play para sa pagganap niya ng Jose Rizal sa dulang Obra ni Juan.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Johnrey Rivas (L) at Carl Adaron (R) ang mga bida sa Why Love Why na kakandirit ang una sa anim na episode ng Season 1 sa Nobyembre 14, 2020, Sabado, ng 8:00 p.m., sa YouTube channel ng Philstagers Films.
PHOTO/S: courtesy of Philstagers Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results