Yayo Aguila on her first Urian award: "Naiyak ako, kasi hindi naman madali ang naging journey ko."

by Jerry Olea
Nov 13, 2020
Yayo Aguila: "Ang dami kong heartaches at struggles sa industriya but hindi ako bumitaw. I kept praying, I kept working hard, I pushed hard para maniwala ako sa sarili ko na meron naman akong kayang ibigay para marespeto ng mga kasama ko."
PHOTO/S: Instagram

Wala sa hinagap ni Yayo Aguila na noong Nobyembre 10, Martes, ang virtual awards night ng 43rd Gawad Urian.

Itinanghal siya ritong best supporting actress para sa pelikulang Metamorphosis.

“Wala akong alam. Kasi, naka-Kumu live ako that time for a PBB chikahan update,” kuwento ng premyadong aktres nitong Nobyembre 13, Biyernes ng madaling-araw, via Messenger.

“Nagtataka lang ako, ang daming notifications sa fone ko, kaya hindi ako maka-focus sa interview.

"Right after, nag-check ako ng notifications and messages, ang dami!

“Una kong nakita ang ALL CAPS message ni Direk J.E. Tiglao, Metamorphosis director ko. 'Tapos, binasa ko. Tapos, ayun na!

“Tinawagan ko siya agad, kasi, hindi ko pa ma-process. Upon speaking to him and finding out, naiyak ako sa kanya.

“Di pa nga alam ng mga daughters ko sa kabilang room pero narinig daw nila na may umiiyak kaya nagtataka sila.”

YAYO AGUILA: "I CRIED FOR A LONG TIME."

Matagal bago nag-sink in kay Yayo ang pagwawagi niya sa 43rd Gawad Urian ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP).

Continue reading below ↓

“Binasa ko as many messages that I can that night,” lahad ni Yayo.

“And then, tinext at nakausap ko ang mga boss ko—si Boss Veronique [del Rosario], si Boss Vince [del Rosario] na naiyak pa ako, kasi I told him briefly about the struggles I went through sa industriya.

“Si Boss Vic [del Rosario], I messaged him because I want my bosses to get the good news first hand.

“That is also my way of saying thanks to them for their trust sa akin. And for trusting me sa mga decisions ko sa ibang projects na dumadating sa akin.

“Malaking bagay yun na pinapayagan nila ako at kino-consider nila ang opinions ko.

“Noong tulog na lahat dito sa bahay, ako na lang mag-isa, I prayed so hard. I cried for a long time.

“Di ko kinaya yung bait ni Lord sa akin. Amazing yung trust Niya sa akin.”


Continue reading below ↓

FROM LAPLAP QUEEN TO URIAN AWARDEE

Tinaguriang "Laplap Queen" si Yayo dahil sa isa pang pelikula niya last year, ang Cinemalaya 2019 entry na Fuccbois kung saan maikli ang exposure niya pero markado.

Ang kalaplapan niya roon na si Royce Cabrera ay nominadong best actor.

Hindi umasa si Yayo na kakabugin niya sa 43rd Gawad Urian ang mga kapwa nominado na sina Pinky Amador (Ang Hupa), Perla Bautista (Ulan), Angie Castrence (Iska), Cherie Gil (Kaputol), Maricel Laxa (Hello, Love, Goodbye), at Meryll Soriano (John Denver Trending).

“I guess pagkatao ko talaga yun. Basta mabigay ko ang best ko sa bawat project na nakukuha ko is very fulfilling for me,” sabi ni Yayo.

“Ni hindi ko nga alam na nominated ako the day na lumabas ang nominations. Binati ko si Royce for his nomination, 'tapos he congratulated me.

“Sabi ko, ‘Congrats saan?’ Then he sent me a screenshot. Haha! Sobrang saya ko!

Continue reading below ↓

“Second Urian nomination ko yun [2018 for Kiko Boksingero] and that alone, twice I mean... yung mapansin ka ng mga MANUNURI, ibang fulfillment ang maibibigay sa kahit kaninong aktor.

“Never akong nag-expect. Pero yung naibigay sa akin ngayon is sobrang blessing.

“Naiyak ako, kasi hindi naman madali ang naging journey ko. Ang dami kong heartaches at struggles sa industriya but hindi ako bumitaw.

“I kept praying, I kept working hard, I pushed hard para maniwala ako sa sarili ko na meron naman akong kayang ibigay para marespeto ng mga kasama ko.”

NO CELEBRATION

Napakasaya ni Yayo sa pagkapanalo sa Gawad Urian, pero hindi siya nag-celebrate dahil humagupit ang bagyong Ulysses noong Nobyembre 11 at 12, Miyerkules at Huwebes.

“Ang hirap magbunyi kahit gusto ko,” saad ni Yayo.

“Kasi, ang daming mga kababayan natin ang naghihikahos dahil sa bagyo.

“All I can do is pray that they recover and that 2021 will be prosperous for everybody to be able to recover.

Continue reading below ↓

“Mabigat ang pasok ni 2020 para sa lahat pero never ako nawalan ng pag asa. I guess that is the positive person that I am. And we all should be.

“I have become more prayerful to the point na naiiyak ako sa bawat blessing na natatanggap ko every single time, kahit maliit lang siya.

“Totoong in His own time, maririnig ang prayers natin.”

Lubos ang pasasalamat ni Yayo sa mga nakatrabaho niya sa pelikulang Metamorphosis, na isa sa walong official entries ng 15th Cinema One Originals filmfest noong Nobyembre 2019.

“I only have love for META. Buong family ni Direk J.E., napamahal sa akin dahil sa pag-stay namin sa bahay nila sa Tayug, Pangasinan while filming,” pahayag ni Yayo.

“Si Tyang Sarah Brakensiek, our LP [line producer] and whom I consider my lucky charm, siya rin ang LP ko sa Kiko Boksingero which gave me my Balanghai sa Cinemalaya 2017.

Continue reading below ↓

“Abot-langit ang pagmamahal ko sa kanya, kasi siya yung laging nagtitiwala sa akin.

“Yung alaga sa akin ng Meta team, I won’t forget because 'yon yung time na naglalagare ako ng work—Manila-Pangasinan-Tagaytay- Manila etc pero hindi nila ako pinabayaan. Lalo na si Kuya Ricky Davao.”

Next week ay magsu-shoot na si Yayo sa film version ng Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Sa Enero siya nakatakdang mag-shoot sa pelikula ng The IdeaFirst Company na Ang Babaeng Allergic Sa Wifi Part 2.

Nag-cameo si Yayo sa VivaMax project ni Xian Lim na Parang Tayo Para Hindi.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yayo Aguila: "Ang dami kong heartaches at struggles sa industriya but hindi ako bumitaw. I kept praying, I kept working hard, I pushed hard para maniwala ako sa sarili ko na meron naman akong kayang ibigay para marespeto ng mga kasama ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results