"Ang Lihim ni Antonio" preview at UP Diliman on February 4


Kenji Garcia suffers sexual abuse in the indie movie Ang Lihim ni Antonio (Antonio's Secret). This co-production of Digital Viva and Beyond The Box Films will have a Director's Cut preview at the University of the Philippines Film Institute on Friday, February 4.


Pagkatapos na maging isang kontrobersyal na indie film ang pinagbidahan ni Harry Laurel na Ang Lalake sa Parola, muling gumawa ang Digital Viva at Beyond The Box films ng isa na namang kontrobersyal and perhaps "the boldest gay film ever" na Ang Lihim ni Antonio (Antonio's Secret).

Mula sa direksyon ni Jay Altarejos, tampok sa Ang Lihim ni Antonio ang baguhan na si Kenji Garcia. Kasama rin sila Jiro Manio, Shamaine Buencamino, Provoq Man's Josh Ivan Morales at NiƱo Fernandez.

Kuwento ito ng isang 15-year old boy named Antonio na nakaranas ng pang-aabusong sekswal. Dito nga namulat ang kanyang inosenteng paningin sa buhay.

"The film tackles the loss of innocence and abuse," paliwanag ni Direk Jay. "Abuse can happen to anyone, of any gender, in any form. Walang hindi puwedeng maging biktima ng pang-aabuso."

Ipalalabas Ang Lihim ni Antonio sa February 13 sa Robinson's Galleria. Magkakaroon naman ng Director's Cut preview sa the University of the Philippines Film Institute, Diliman, Quezon City, on February 4. For tickets, tawag lang sa UP Film Institute at 926-3640.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN