Martin del Rosario, inipit ang 'santol'; dinugo dahil sa Born Beautiful
Nov 19, 2020

Sa kanyang PEP Live interview nitong Martes, November 17, hiningan si Martin del Rosario ng puwedeng i-share sa PEPsters na interesting trivia o throwback memories tungkol sa dalawa niyang memorable na pelikula—ang Born Beautiful at Panti Sisters.

Inuna muna ni Martin na ikuwento ang karanasan niya sa pagganap bilang Barbs sa Born Beautiful.

Ang baklang si Barbs ay ang bestfriend ng character ni Paolo Ballesteros na si Trisha sa pelikulang Die Beautiful.

Una itong ginampanan ni Christian Bables, pero napunta kay Martin ang role sa sequel na Born Beautiful nang magdesisyon ang management ni Christian na hindi na ito tanggapin.

Kuwento ni Martin sa PEP Live host na si Jimpy Anarcon, nilalagyan ng super strength glue na Mighty Bond ang kanyang kuko para sa fake nails ni Barbs, kaya't kapag tinatanggal na fake nails ay sobrang sakit daw.

Iniipit niya rin daw ang kanyang dibdib para magkaroon siya ng cleavage at pati ang kanyang pagkalalaki para wala raw maaninag na "santol" o bukol sa area niyang iyon.

Panoorin ang video para malaman ang iba pang ininda ni Martin para sa kanyang role bilang Barbs, especially, ang parte kunsaan dinugo pa siya para sa role na ito.

Para mapanood ang kanyang full PEP Live interview, i-click ang link na ito: https://bit.ly/MartinOnPEPLive

HOT STORIES

#martindelrosario #bornbeautiful #peplive

Host: Jimpy Anarcon
Producer / Editor: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results