Phillip Salvador says Nora Aunor as National Artist is long overdue

by Glenn Regondola
Dec 4, 2020
phillip salvador isa pang bahaghari
Phillip Salvador on Nora Aunor's nomination as National Artist: "Sabi ko naman, gaya ng sinasabi ko, pag ginusto ng Diyos, mangyayari lahat ‘yan. Mangyayari lahat ‘yan. Wala sa atin ‘yan. Ang Diyos pa rin ang critic."
PHOTO/S: Gleen Regondola / Facebook

Pinag-uusapan na naman ang pangalan ng Superstar na si Nora Aunor dahil sa paglabas ng listahan ng malalakas na contenders upang iluklok bilang National Artists sa 2021.

Sa larangan ng National Artist for Film and Broadcast Arts, kinumpirma ni Nick Lizaro na automatic nominee si Nora dahil dalawang beses na itong naging nominado, at dumaan na sa proseso ng pagkaka-nominate.

Si Lizaro ang kasalukuyang chairman ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), na katuwang ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pangangasiwa sa paggawad ng National Artist award. Ngunit ang Pangulo ng Pilipinas ang tanging may kapangyarihang magkaloob nito.

Sa dalawang beses na pagkabigo ni Nora na makuha ang National Artist award—noong 2014 at 2018—marami ang umalma. Kaya sa taong ito, marami ang umaasang masusungkit na ito ng multi-awarded actress.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang premyado ring aktor na si Phillip Salvador sa press preview ng Metro Manila Filmfest 2020 entry na Isang Pang Bahaghari kahapon, December 3, hiningan namin siya ng pahayag tungkol sa nominasyon ni Nora bilang National Artist.

Continue reading below ↓

Si Phillip ang leading man ni Nora sa pelikulang ito na idinirek ng award-winning director na si Joel Lamangan para sa Heaven's Best Entertainment.

Pahayag ng 67-year-old actor, “Siguro long overdue na rin, e. Long overdue na kay Ate Guy.

“May isa pang long overdue. Si Ricky Lee," pagtukoy niya sa award-winning screenwriter.

“Sabi ko naman, gaya ng sinasabi ko, pag ginusto ng Diyos, mangyayari lahat ‘yan.

“Mangyayari lahat ‘yan. Wala sa atin ‘yan. Ang Diyos pa rin ang critic.

“So, right now, excited ako dito.”

Naniniwala si Phillip sa kakayahan ni Nora, na muling pinatunayan sa pelikulang pinagsamahan nila kung gaano ito kagaling at walang kakupas-kupas sa kanyang talento.

Kaya sana raw, sa pagkakataong ito ay ibigay na ng mga namamahala sa National Artist award ang nararapat na pagkilala sa aktres.

REUNION MOVIE WITH NORA

Sa parte naman ni Phillip, matagal siyang namahinga bilang aktor, hindi dahil sa kagustuhan niya kundi may hinihintay raw siyang proyekto na sa tingin niya ay pupuno sa paghahanap niyang yun.

Continue reading below ↓

Ito raw ang papel niya sa Isa Pang Bahaghari bilang si Dom, ang padre de pamilya na binubuo ang napabayaang pamilya, habang hindi kinakalimutan ang nakaraan sa isang kapwa lalaki na labis nagmamahal sa kanya.

Ani Phillip, “Gusto ko lang magpasalamat kay Direk Joel Lamangan, at kay Dennis [Evangelista, line producer]. Si Dennis ang unang komontak sa akin.

“Nagkaroon ako ng malaking question mark, 'tapos nagkausap kami ni Direk.

"'Mag-usap kayo ni Direk,' sabi ni Dennis. Ayun, siguro para talaga sa akin... alam mo yun?

“Siguro, binatukan ako ng Diyos. ‘Binigyan kita ng project, ayaw mo.’”

Ibang klase nga raw para sa kanya ang reunion movie nila ni Nora.

Nagkasama sina Phillip at Nora sa mga pelikulang Bona (1980), Nakaw Na Pag-ibig (1980), at Tinik Sa Dibdib (1985).

Nakangiting saad ng veteran actor, “Well, working with Ate Guy, and of course, with Joel, it’s like going back to school.

“Parang nag-aaral ulit ako, kasi ilang taon akong hindi gumagawa ng pelikula.

Continue reading below ↓

“My last movie was with Gina Alajar, yun ang last ko," pagtukoy niya sa pelikulang Madilim Ang Gabi (2017).

“Nanibago ako. Kasi, walang obrang magandang gagawin.

“I don’t want to say anymore kung ano yung films na inayawan ko na nung una.

“Even this movie, alam ni Dennis, nung una ay ayaw ko na.

“With all due respect, tinawagan ko si Direk. Sabi ko, 'Direk, ayaw ko na.'

“Sabi ni Direk, 'Kuya Ipe, nabasa mo na ba ang script? Pinagsasama ko lang kayo ni Ate Guy, ni Michael [de Mesa].’

“Sabi ko, ‘Oy totoo, ‘yan ang casting? Sige, Direk, please send me the script.’

“At nang mabasa ko, ako pa ang tumawag kay Direk at kay Dennis. Sabi ko, ayusin lang natin ang schedule.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phillip Salvador on Nora Aunor's nomination as National Artist: "Sabi ko naman, gaya ng sinasabi ko, pag ginusto ng Diyos, mangyayari lahat ‘yan. Mangyayari lahat ‘yan. Wala sa atin ‘yan. Ang Diyos pa rin ang critic."
PHOTO/S: Gleen Regondola / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results