Director says about Pokwang and Lee O'Brian: "Ma-touchy feel si guy. Sweet sila.”

Edsa Woolworth director John D Lazatin observed that Pokwang and Lee O'Brian are sweet to each other while on the set. Direk John says about Lee: "Ma-touchy feel si guy. Sweet sila.”



Shot entirely in San Francisco, USA ang latest movie ni Pokwang titled EDSA Woolworth.

Produced by The Filipino Channel (TFC), ito ang nagsilbing reunion ni Pokwang with director John D Lazatin.

Nagkasama na sila noon sa 2011 movie na A Mother's Story.

Haharapin ni Edsa ang malaking pagsubok na maguudyok sa knaya na balansehin ang mga ninanais ng kanyang puso at ang labis niyang pagmamahal sa kanyang pamilya.

Saan ba galing ang konsepto ng EDSA Woolworth?

“Ang writer kasi ng movie is actually had a stepfather. The writer is Nuel Nuguit. He had a stepfather na Amerikano. Sa kanya loosely based yung kwento ng EDSA Woolworth. Ang nanay ng writer remarried at Pilipinong-Pilipino sila and remarried too, I forget the foreign name, e,” kwento ni Direk John.

Paano nag-come-up yung idea na gawing EDSA Woolworth ang name ni Pokwang sa movie?

“Wala.... parang kapag sinabi mo’ng EDSA Pilipinong-Pilipino. Kapag sinabi mo’ng Woolworth, Amerikanong-Amerikano naman. Kapag pinagtagpo mo sila, ipagsama mo sila, EDSA, Pilipinong anak na may amang Ameriano. So, kapag kinumbine mo yun na.

“Ate naman si Pokwang dito. Mother na kasi siya doon sa nauna naming movie. At bilang ate naman pero pagbibigyan ko ba ang sarili ko? Papunta na ako sa pagiging spinster or sa pagiging ganyan.

“Talagang siya puro sa pamilya. So, noong dumating sa buhay niya yung pagkakataon na bigyan siya ng pansin or bigyan siya ng atensyon at pagmamahal, nasa ano ba? Deserved ba niya or hindi?

“Sobrang maraming makaka-relate hindi lang sa istorya noong ate kundi pati sa sitwasyon ng isang pamilya na, uh, as they make life decisions, ‘Teka muna, paano si Tatay? Paano si anak? Paano si kapatid?’ At the end of the day, dapat buo tayo...tayo muna.”


ON POKWANG AND HER AMERICAN LEADING MAN. Sa EDSA Woolworth, ang leading man in Pokwang ay ang American actor na si Lee O'Brian.

Nang tanungin si Direk John kung napansin niya ang pagiging close nina Pokwang at Lee, kinuwento nito:

“Alam mo, it was I think the chemistry was on first day. On the first day kasi talagang kabado siya.

“First day, sasabihin ko na sa inyo, gusto niyang i-pack-up ang shooting kasi kabado siya. Dinadaga siya. Dinadaga siya sa haba ng monologue at talagang sinabi niya can I change the sequence for the day? Ibahin ko raw.

“Sabi ko, ‘Mars, ang laki ng restaurant set-up. Ang laki ng set-up. Tapos parating na yung leading man mo.’ Sabi niya, ‘Direk, hindi ako ready sa monologue na ganito kahaba sa English.’ And I said, ‘Kaya mo ‘yan. I walk you through. Gagabayan kita.’

“Ano’ng gagawin ko? Magtatalak ba ako sa kanya?

“Hindi, mamahalin mo siya. Kaibigan ko ‘yan. Suportahan kita. ‘Tara, I walk you through, ako’ng bahala sa ‘yo. Let’s go.’

“E, wala, we were five minutes away from the set. Uhm, he came, si Lee O’Brian. Wala, pa-girl girl pa siya, ganyan, Tapos sbai ko, ‘Halika kayo dito.’

"Tapos sabi ko, ‘Lee O’Brian, this is Pokwang.’

“Siyempre kilala na rin ni Lee si Pokwang kasi sikat na sikat na rin si Pokwang, ‘di ba?

“So, ginoogle na niya. Naloka-loka siya kung gaano na karami ang images and so on and so forth.

“So, you know, I knew it, e, kasi kilala ko siya, kinilala ko yung lalaki. Para ako’ng nag-matchmaker, hahaha!"

Ayon sa direktor, nakita niya ang chemistry sa pagitan nina Pokwang at Lee.

“Hindi kasi, from a chemistry stand point kikilanin mo, e. Tapos single siya, hehe. Biglang gusto niyo ‘to, haha!

“Tapos noon nag-workshop kami. Nag-immediate workshop kami kasi I wanted to see, e.

“Umupo sila, face to face. And then, I said, ‘Let’s do this.’ And you know, he was very professional.

"Ah, drop script sila.

“Drop script ang mga Amerikano. Meaning, when you say drop script, saulado na nila yung lines nila and he was ready.”

Ano yung mga nakita niya kina Pokwang at Lee sa set ng EDSA Woolworth?

“Medyo look away na lang sa kanila, haha.

“You know, they were very comfortable, e. Malambing si guy. E, siyempre si Mamang din naman ‘di ba?

"In fairness naman parang you know, ma-touchy feel si guy. Sweet sila.”



FEEDBACK FROM VIEWERS ABROAD. Ano ang reaksyon ng mga nakapanood sa ibang bansa?

“Sobrang well-received ng mga tao. Kasi siyempre iisipin mo, ano kaya tatanggapin ba na merong mga American actors?

“Pero ‘yun ang buhay, e. So, minsan nakaka-alienate ang Ingles. Pero hindi, e. Ang katotohanan talaga is kung nakatira ka sa Amerika bibili ka sa tindahan,

Amerikano ang magbebenta sa 'yo. E, ‘di mo naman Tatagalugin.

“So, with that, tanggap na tanggap nila, and I’m so happy na all positive movies .

Mas tinangkilik daw ang EDSA Woolworth sa ibang bansa kesa sa A Mother’s Story.

“Siguro kasi yung A Mother’s Story mas OFW-centric. Eto hindi na, e.

“Para ba’ng buhay- Amerika na talaga ‘to. Mas nakaka-relate sila. So, hopefully, dito rin naman makita nila yung buhay, kasi at the end of the day, it’s a universal theme, family.

“So, kahit saang lupalop ng mundo, ang pamilya, pamilya. Kahit pamilyang hindi nga Pilipino nakaka-relate. So, maraming Amerikano, oo, at maraming non-Filipinos ang nakaka-relate.”

Dumaan sa audition ang American actors na kasama sa pelikula na sina Lee O’Brian, Prince Saruhan at Stephen Spohn na gumanap na stepfather ni Pokwang.


“Yes, yes,” mabilis na sabi ni Direk John.

“Ang mga Amerikano are full time actors and 100% buhay talaga nila ‘to. So, naintindihan nila na as equally as professional sila with our Filipino actors na syempre, full-time artistas din.”

Mas mahal ba ang production cost ng EDSA kaysa sa A Mother’s Story?

“Uhm, mahal in the sense na siyempre we flew in Pokwang. And they flew in of course, you know, siyempre you worked on visas, you worked on permits.

“Everything is on paper. Hindi ‘to guerilla shooting. Everything had legitimate permits in the city..in the streets andin the houses.

“Kahit kapitbahay, naku, hihingian mo ng permit dahil sa ingay, etc, etc.

“Hindi ‘to shinoot na parang petiks-petiks lang.

“Our cinematographer is Shayne Sarte. Mahal nga, haha.

“Our production designer si Direk Efren Vibar, and then, of course, our script is Nuel Nuguit, isang veteran and US-based writer.”

Bakit si Pokwang uli ang pinili para sa lead role sa second movie niya? Favorite actress ba niya si Pokwang?

“Favorite ko ba? Parang ganoon, I mean, I have concept for other stars and I pitched them.

“Ah, schedules, availability. Alam mo kapag gusto gagawan ng paraan

“Si Pokwang ginagawaan niya ng paraan. Actually, si Poks, ano ba tawag dito? Tatawagan ko lang, ‘Mars, may ipi-pitch ako sa ‘yo, type mo ba?’ ‘Direk, tara.’ Ganooon siya. Tapos noon, magba-block-off ng isang buong buwan.

“Isang buong buwan hihingiin mo sa isang artista? So, binibigay talaga.

“So, sasabihin mo’ng favorite ko ba siya? Uh, oo.”

Ano naman ang expectation niya sa movie sa local run?

“Naku, expectations ko? Positive vibes lang, hindi ko talaga alam.

“You know, sometimes mabuti na yung, you know the word expectation, I really, really invite Filipinos to please watch this movie because hindi lang sa ang ganda-ganda nang pag-portrait ng mga artista at ang husay-husay ng mga artista ko rito, kundi ang ganda-ganda ng kwento.

“Ang simple-simple pero at the end of the day, ang puso ng pelikula is really all about the family values.”



RELATING TO EDSA WOOLWORTH. On a personal level, nakatakdang bumalik sa San Francisco, USA si Direk John on Wednesday.

“Family ko is based na there, e, so, talagang it was the.... tapos isang ate ko na lang dito. So, the rest are all there.

“Empleyado ako, simpleng tao, simpleng mamamayan.”

Ilang taon na siya sa USA?

“I left here 2004, so, bale, ten years.

“Mas okay ako doon, mas simple ang buhay. I lived in San Francisco, sa Bay Area.

“Our headquarters is in Redwood Shores and I’m a resident of San Francisco.

“I work for, I have local production for TFC and I do global theatrical distribution of our Star Cinema movies, globally distributing all over the world. So, yun ang aking day job.

“Pagkatapos noon, uhm, you know, as part of the mission of being ‘in the service of the Filipino’ talaga, ha, you know, mahalaga na mag-create din tayo ng mga pelikula na masasabi natin hindi lang kwento ng mga Pilipino dito sa Pilipinas kundi bawat kwento ng mga Pilipino abroad.”

Kumusta ang pagtanggap ng mga Pinoy movies natin sa ibang bansa?

“Sobrang warm, sorbang warm ng reception ng mga Filipino movies natin doon. In fact, there is really a strong market.

“In fact, it’s been strong and has been improving since 2012, 2013, 2014. So, ang gate receipts natin doon lumalaban.

“We have theatrical releases talaga sa US. Lahat ng mga pelikula natin, for example, on January 9 we’re releasing Feng Shui.

“On January 30 we’re releasing Praybeyt Benjamin.

"And this one, EDSA Woolworth was actually released last November.”

May plano rin ba sila na mag-shoot ng movie sa Europe?

“Yes, yes. We are developing different concepts in different parts kasi siyempre may transient markets.

“You know, ang buhay sa Amerika, may buhay na mas hirap ang buhay ng mga Pilipino sa ibang bansa. So, given that, uhm, there are lined-up projects outside the United States na sana tangkilikin.”

Meron na ba silang kasunod na movie after EDSA Woolworth?

“Sana, haha. Hinihintay lagi namin.

“Kasi even sa A Mother’s Story, uhm, ang maganda talaga yung turnout nito sa Manila release. And so, siyempre, consolidated.”

Do you miss the local grind?

“Oo, syempre. Syempre, ang sarap ng, nami-miss mo. Pero syempre, siguro kapag nand’yan na ‘yan sa sistema, nanganak ka na sa showbiz, Diyos ko, ang sistema mo, e, fresh out of college diretso na ako sa showbiz, parang ganoon.

“Nami-miss ko siya. Pero at the same time, we have to be content and happy outright where in the stage of our life. Siguro, I miss it but more than anything I’m happy for all my friends in the industry are still there like kayo. Parang pareho lang, as is where is.”

Sino ang mga artistang gusto niyang idirek on his next projects?

“You always wanna work with, I wanna work with Judy Ann [Santos].

“E, kasi panahon ako ng ano, e, old school pa rin ako. Gimik [days] pa rin ako, e.

“Sa mga bata, syempre, I wanna work with Kathryn [Bernardo], oo. Ah, that girl is special.

“Kathryn and Daniel [Padilla], kita mo, e. Kita mo, I mean, yung chemistry. At saka, alam mo ‘yung ang dami mo nang nakitang artista, dumaan? I think, iba sila. So, I’d like to work with them."

Ni-request na ba niya sa Star Cinema?

“Naku, siguro panahon nila gumawa ng bonggang-bonggang box-office movies ng Star Cinema.”

Ayaw na niyang mag-stay dito sa Pilipinas?

“Alam mo, there have been maswerteng may mga offer. So, nakakakilig na may mga offer. Pero I mean, I’m in a good spot, in my personal and professional life.

“So, parang, I cannot just, if I were single siguro I would just stay and let’s do it. Balik tayong ABS at gumawa tayo ng soap or ng pelikula. But I’m just happy na nagkakaron ng opportunity. You know yung i-express mo yung art mo.

“Saka tumatanda na ako. Hindi na rin ako, yun parang dati baby-baby tayo, sweet-sweet, romcom-romcom. Eto medyo, after A Mother’s Story, living abroad changed my life.

“I’m in a relationship right now.”

Ayon kay Direk John, isang foreigner ang karelasyon niya ngayon.

“Kaya relate na relate ako rito [EDSA Woolworth]. From a hugot experience as a director where I draw it is really because I have a partner who is an American. Plus, I deal with his family as well and how he deals with my family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN