Alfred Vargas mesmerized by Shaina Magdayao, reunites with Iza Calzado in Tagpuan

by Jerry Olea
Dec 14, 2020
tagpuan mmff 2020
Alfred Vargas is the producer and lead actor of Tagpuan, an official entry to the MMFF 2020. Alfred co-stars with Iza Calzado (left) and Shaina Magdayao (right).
PHOTO/S: Alfred Vargas Instagram

Producer at bida si Alfred Vargas sa pelikulang Tagpuan, kung saan leading ladies niya sina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Idinirek ito ni Mac Alejandre, mula sa panulat ni Ricky Lee.

Official entry ang Tagpuan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020.

“Isa ito sa mga pinakapaborito kong project na ginawa, because of the experience as an actor, and a producer,” lahad ni Alfred.

“'Tapos, ang sarap mag-shoot sa Hong Kong, saka sa New York for the first time. Mahirap siya, in the sense na hindi namin alam what to expect, 'tapos biglang magkaka-rally dito, biglang magkaka-rally doon.

“Pero ang ganda ng chemistry namin, e, nina Direk Mac, nina Shaina, Iza. Siguro, from it, dumali iyong shooting.

“'Tapos, pag ano, pag napapadaan iyong mga tao... sa Hong Kong saka sa New York, naaano sila. Somehow, mapi-feel mo, bilib sila sa Pilipino.’

“I’ve never experienced Hong Kong and New York in that way. Kasi, usually, mga tourist experience tayo.

Continue reading below ↓

“Pero noong mismong na-immerse ako—sa film, sa character, saka sa New York, saka sa Hong Kong—hinding-hindi ko makakalimutan ito.

“It’s a dream-come-true to have shot a film in New York and in Hong Kong.”

PRODUCER, LEAD STAR

Hindi nag-alangan si Alfred na maging producer at bida sa pelikulang Tagpuan.

“When I first read the script... una, may bias na. Kasi, Ricky Lee.

"Alam mo, suwerte ako. Kasi nakatrabaho ko the likes of Eddie Romero, Mario O’Hara,” saad ng morenong aktor.

“Di ba? 'Tapos, many other directors, and now, Direk Mac Alejandre. 'Tapos, Ricky Lee pa iyong script.

“'Tapos, when I read the script, naiyak ako. Talagang tumagos sa ano ko,” pagmuwestra ni Alfred sa kanyang puso.

“And medyo emotional ako when I was reading the script. And I just told myself, ‘I have to do this project whatever happens.’

“Kasi, iba ito, e. Hindi na ito iyong usual ko na telefantasya. Hindi rin ito yung usual na roles ko.

Continue reading below ↓

“It is a very, very adult take on love. On philosophy, life, and passion. And pain.

“Actually, napakalalim... and napakasakit ng karakter, and napakahirap ng role. And that is what compelled me talaga.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘I really wanna do this project.’”

LEADING LADIES

Kahit producer si Alfred ng Tagpuan, hindi siya nakialam sa casting ng leading ladies. Ipinaubaya niya iyon kay Direk Mac.

“Si Shaina iyong first time kong makasama ever, and I’ve always wanted to work with Shaina,” pagtatapat ni Alfred.

“And alam mo, si Shaina, medyo nakakagulat yung performance niya dito. I was mesmerized by her performance.

“Kahit mismong take na, magkaharap kami... kahit ako, nagugulat pa ako, e. Parang... ‘Wow! Ibang Shaina itong nakikita ko.’

“And she gave such a mesmerizing performance dito. And napaka-professional, never na-late. Walang kyeme-kyeme. Never nag-complain.

“Ang sarap niyang makatrabaho, and I hope makatrabaho ko pa siya sa ibang projects.

Continue reading below ↓

“Si Iza naman, parang ano kami nito... nag-reunion kami from Encantadia, Impostora, All About Eve. Pati iyong ESP na show namin before.

“To act alongside Iza and Shaina, two of the best actresses of our generation... e, talagang feeling ko, wow! It’s such a great honor for me para makasama ko itong dalawang ito.”

LOSING WEIGHT

Halatang pumayat si Alfred nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press preview ng Tagpuan nitong Disyembre 9, Miyerkules ng hapon, sa Sine Pop, Saint Mary Street, Cubao, Quezon City.

Hindi na kasi siya pinapatagay o pinapakain sa mga bahay-bahay ng kanyang constituents.

“Korek! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ng congressman sa ikalimang distrito ng Kyusi.

“Sabi ko nga kanina, noong napanood ko ang sarili ko sa big screen, ‘Teka lang... halfway pa lang ako noon.’ Oo, mga 20 pounds pa lang ang nawawala sa akin noon.

“Kasi ngayon, 50 pounds na ang nawala sa akin!”

Continue reading below ↓

Kailan siya nagsimulang magbawas talaga ng timbang?

“Iyong pinakatutok, noong simulang-simula ng ECQ [enhanced community quarantine], March,” pagtangu-tango ng actor-politician.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘This might take years. Ayoko namang sayangin ‘to, to improve myself. For well being na rin.”

Sarado ang mga gym, at sa bahay lang siya nag-workout. Meron siyang mga equipment.

Pagpapatuloy ni Alfred, “Dati kasi, gusto kong mag-workout, gusto kong maganda ang katawan... for the role.

“Di ba, dati, Bridal Shower, di ba? Iyong mga ano, Jeffrey Jeturian. 'Tapos, minsan sa mga ano...

“Pero ngayon, since dad na tayo of three children, nagpapayat na ako for my own personal well-being, and longevity.”

COVID-19 SCARE

Natakot ba siya sa COVID-19, lalo pa’t tuluy-tuloy noon ang pamimigay niya ng ayuda sa nasasakupan?

“COVID scare, siguro, ano lang, noong may nagkalagnat sa bahay,” matamang pag-amin ni Alfred.

“Medyo kinabahan kami! Kasi, alam mo naman ngayon, umubo ka lang, may ano na...

Continue reading below ↓

“Ang ginagawa ko naman, every week, nagpapa-test kami sa bahay. Negative naman, negative.

“Ang na-realize ko, as long as you wear mask, basta may shield ka, 'tapos maglagay ka ng alcohol, maghugas ka, you’re safe.

“Kasi, nagwo-work. Kasi, ilang buwan na lang, itawid na natin... ilang buwan na lang before the vaccine.

“Itawid na natin safely, ‘no? Ako, iyon ang approach ko—itawid na lang natin ito safely. Itawid natin safely ito na hindi tayo mag-positive.

“'Tapos, OK na. 'Tapos, pa-vaccine na tayo later on.”

CHRISTMAS PLANS

Ano ang plano ng pamilya ni Alfred sa Pasko?

“Wala, sa bahay lang!” natatawang tugon ng actor-politician.

“Si misis ko, magaling gumawa ng pandesal. Marunong siya ng Italian dishes, saka Pinoy dishes," pagtukoy ng actor-politician sa kanyang asawa na si Yasmien Espiritu.

“Actually, kahapon, sinabi na niya, ‘Ito ang pagkain natin sa noche buena.’ 'Tapos, sa Christmas din. So, kami-kami na lang family talaga.”

Continue reading below ↓

Anu-ano ang mga nagawa nila bilang pamilya sa panahon ng pandemya? Nagkaroon ba sila ng mga bagong libangan? Natuto ng bagong skills?

“Meron kaming game nights—Tuesdays, Thursdays, and Saturdays. Naglalaro kami ng charades, pictionary. Cards, card games, mga ganun.

“'Tapos, si Misis, magaling nang mag-bake. Magaling ding magluto. Ang sarap-sarap niyang gumawa ng ice cream!”

Buti, hindi siya tumaba! Nagpigil siya?!

“Ang sikreto ko, meron akong cheat day every Sunday,” napangiting sansala ni Alfred.

“Cheat day ko ‘yan. Kahit anong hilingin ko, ibibigay sa akin. Kaya sustainable. So far, nagwo-work naman.

“Sabi ko nga sa sarili ko, tutal, Christmas naman, I’m giving myself allowance, siguro kahit mag-add ako ng 5 to 7 pounds, OK lang sa akin.

“Bawiin ko na lang, after New Year na. Para ma-enjoy ko naman ulit yung sarap ng pagkain!”

MORE GUIDE STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas is the producer and lead actor of Tagpuan, an official entry to the MMFF 2020. Alfred co-stars with Iza Calzado (left) and Shaina Magdayao (right).
PHOTO/S: Alfred Vargas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results